̶C̶H̶A̶P̶T̶E̶R̶ ̶1̶

19 5 5
                                    

"Paalam..." nakangising wika ko bago Ko tuluyang kinalabit ang baril na nakatutok sa aking sentido.

*BANG!* *BLAG!*

Umalingawngaw ang putok ng baril  sa kabuuan ng kwarto, kasabay ang pag bagsak ko sa sahig.

Narinig ko naman ang pag-bukas ng pinto.

"C-cryst-tal!" gulat at  tila naiiyak na sigaw  ni mom pagkakita niya sa akin.

"C-crystal! Anak!"  Pagtawag nito sa akin na Duguan at tila wala nang Malay, kasabay ang kanyang pag Takbo at pag Iyak.

"Anak gumising ka! wag mong iwanan si mommy... Anak!" Mga huling salita na aking narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Kringgggggg....... (8:00 a.m.)

Hinihingal at tumatagaktak ang pawis sa aking buong katawan pagkagising ko.

"Huh! Thank god! Panaginip Lang yun! Akala ko patay  na talaga ako eh!" Tuwang-tuwa  na sabi ko habang hinihingal pa rin.

Btw my name is Crystal Ailee Venerosa and I'm already 18 years old.

Nang mawala na ang hingal ko, tumayo na ako sa higaan ko para makaligo na dahil may  pasok pa ako sa school.

....

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba na agad ako para kumain ng breakfast.

Pero pagkababa ko ang tanging naabutan ko Lang ay si manang solis na naghahanda ng kakainin Ko.

"Oh Crystal Anak! Nariyan Ka na pala halina kumain Ka na dito." Pagtawag sa akin ni manang Nang mapansin niya ako.

"Ahm... Manang si mom and dad po?" Tanong ko kay manang kahit alam Ko naman na ang sagot.

"Nasa trabaho na sila. Maaga sila umalis may meeting pa kasi ang dad mo." Pagpapaliwanag ni manang habang nilalagyan ng pagkain yung Plato ko.

"Lagi naman po eh." Malungkot na sabi Ko.

"Anak, intindihin mo nalang ang mga magulang mo. Lagi mong tatandaan na ginagawa nila lahat ng toh para maibigay nila lahat ng pangangailangan mo. Okay?" Pagpapaintindi sa akin ni manang.

"Opo" sagot Ko nalang.

"Sige na kumain ka na dyan mamaya dadating na ang sundo mo." sabi ni manang at umalis na.

Depressed. (SOON)Where stories live. Discover now