1- Pasaway ka!

134 5 0
                                    

'Ayoko na mabuhay. Gusto ko nang mawala sa mundo.' Ayan lang ang mga katagang pumapasok sa isip ko ngayon.Nandito ako ngayon sa rooftop building ng hospital. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula uli. Iniwan na nga ako ng mga magulang ko pati ba naman siya? Wala na akong dahilan pa para magpatuloy. Lagi na lang akong iniiwan. Wala bang maiiwan kasama ko? Nang nasa tabi ko ? Unti-unti kong iniangat ang isang paa ko at unti-unti ko ring ipinikit ang mga mata ko. Nang may bigla na lang sumigaw.
"Hoy! Kung magpapakamatay ka wag dito sa hospital lumipat ka ng ibang lugar!" pasigaw na sabi ng isang boses lalaki mula sa likod ko. Humarap ako sa kaniya pero di parin ako bumababa sa edge ng rooftop.
"Tanga ka ba talaga o sadyang pasaway lang? Ganyan na ba kabigat yang problema mo sa buhay para magpakamatay? Ang daming gustong mabuhay o! Mahiya ka naman." Patuloy niya pa. Lalaki ba talaga to? Eh bakit parang mas matalak pa yung bunganga neto sakin? Pinaglihi ata to sa pwet ng manok e.
"Ano namang pake mo? Buhay ko naman to ah?" pabalang kong sagot sakanya.
"May paki ako sa kapwa tao. Eh dahil sa ginagawa mo parang di ka tao eh. Alien ka ba?" Aba't loko tong lalaking to ah! Gago ba to?
"Mind your own business." sabi ko sakanya sabay talikod.
"It's my business. Ako may-ari ng hospital na to eh. Kaya kung pwede ba bumaba ka na jan at nakakasira ng image ng hospital." sabi pa niya. Hays, magpapakamatay na nga lang ako may nangingialam pa rin. Naiirita na talaga ako sa lalaking to. Humarap ako sakanya at bumaba sa edge ng rooftop.
"Pakilamero ka tsk." Sabi ko at naglakad na palabas ng rooftop. Pero bago pa ako makaalis nagsalita pa siya. "Pasaway ka naman psh."

Ilang araw na ang lumipas simula nang makalabas ako sa hospital.Napagdesisyunan ko na ring pumasok na school namin dahil paniguradong ang dami ko na namang hahabulin. Dumiretso muna ako sa teacher's office upang ibigay yung excuse letter ko. Naabutan ko si Ms. Santos na nag aayos ng gamit.
"Good afternoon po ma'am" magalang kong bati sakaniya. Napaangat naman siya ng kaniyang ulo.
"Oh, Ms.Salvador kamusta? Bakit hindi kita nakita nitong last few days?" tanong niya sakin. Iniabot ko naman sakaniya yung letter ko. Binasa niya muna ito saglit pagkatapos ay tiningnan ako ng may pag-aalala.
"Kamusta ka? Okay na ba yung pakiramdam mo?"nag-aalalang tanong niya sakin.
"Okay na po ako, huwag po kayong mag-alala." magalang kong sagot sakaniya.
"Sige ito yung listahan ng mga kailangan mong gawin para makahabol ka sa mga gawain." sabi niya sakin sabay abot ng papel. Nagpasalamat ako at nagpaalam na.

Tiningnan ko yung nakalagay sa listahan, so kailangan kong gumawa ng research paper. Dumiretso muna ako sa library para maghanap ng librong gagamitin ko. Pagkarating ko roon konti lang ang mga estudyante. Sabagay hapon na kasi eh, kaya konti na lang. Pumunta ako sa may dulo dahil naroon yung category ng librong hinahanap ko. Naghahanap na ako ng makita ko na yung libro sa may bandang itaas. Patay! Di ko abot yun, bakit ba kasi ang liit ko?! Nasan ba yung kaluluwa ko ng nagpasabog ng katangkaran? Tsk. Pilit ko pa ring inaabot yung libro kaso sumablay yung daliri ko kaya nahulog yung libro awtomatikong tinakpan ko yung ulo ko gamit ang mga kamay ko napapikit din ako. Inaantay ko na may bumagsak pero wala. Naramdaman kong may nakapatong sa uluhan ko, napadilat ako at tumingala. Isang kamay habang hawak yung libro na dapat malalaglag sa ulo ko ang nakita ko. Bigla itong nagsalita.
"Pasaway ka talaga kahit kailan." Sabi ng isang lalaki sa likod ko kaya napaharap ako, dibdib ng isang lalaki ang agad na nakita ko. Unti unti kong iniangat ang paningin ko hanggang makarating ito sa mukha ng lalaki. Wth?! Anong ginagawa niya rito? Yung lalaki lang naman sa rooftop ang nasa harapan ko.
Bago pa ako makapagsalita pinahawak niya saakin yung libro at pinitik yung noo ko. Sabay alis. Tiningnan ko yung libro at ibinalik yung tingin sakaniya. Psh, may kwenta din pala ang pagiging pakialemero niya. Kinuha ko na yung libro at nagpaalam sa librarian na hihiramin ko yung libro pagkatapos ay lumabas na ako ng library.

Mga ala-sais na siguro ng gabi at uwian na namin. Nandito ako sa may waiting shed ng school namin. Anubayan! Kanina pa ko nag aantay pero laging puno yung jeep na dapat sasakyan ko. Kaya napagdesisyunan ko na lang na maglakad pag-uwi. Ala-sais pa lang pero konti na agad ang mga tao nagulat na lang ako ng may pumatak sa ilong ko na basa kinapa ko ito, at hanggang sa dumami na ang tumulong basa. Shet! Bakit umulan pa?! Kung kailan naman walang masakyan at masaklap pa wala akong payong tsk. Agad akong sumilong sa may gilid dahil may bubong roon. Nag-antay ako.
Ilang minuto na ang lumipas pero di pa rin tumitila ang ulan, niyuko ko yung bag ko at tinignan kung may nabasa akong gamit ng may maramdaman akong humintong sasakyan sa harapan ko. Napaangat tuloy ako ng ulo. Bumaba yung windshield ng kotse at tumambad sakin ang mukha ng.., siraulo?! Siya na naman ? Bakit lagi ko na lang siyang nakikita sa araw na to?
"Pasok na pasaway."sabi niya sakin.
"Ayoko nga, baka pagsamantalahan mo pa ko." banggit ko sakanya sabay takip ng katawan ko. Napatingin naman siya sakin dahil doon.
"Ano? Ikaw pagsasamantalahan ko? Baka nga wala akong mahawakan jan e."bastos nitong sagot sakin. Aba't gago talaga tong lalaki na to e! Akmang babanatan ko siya ng magsalita siya.
"Ano sasakay o sasakay ka?"sabi niya pa. And since wala akong choice, magpapabebe pa ba ako? Waley akong payong e. Wala akong nagawa kaya sumakay na lang ako.
"Mag seatbelt ka baka idemanda mo pa ako kapag nabangga tayo at napabayaan kita." Hindi ko na siya sinagot at ginawa na lang ang inuutos niya.
Di rin nagtagal nakarating din kami sa bahay ko. Bahay ko? Wait, bakit alam niya yung bahay ko?! Yay stalker ko pa ata tong siraulong to. Tiningnan ko siya ng masama. Nakatingin din naman siya sakin.
"O bakit ganiyan ka makatingin? Hindi ka pa pasalamat hinatid kita."painosenteng sabi niya sakin.
"Pano mo nalaman yung bahay ko? Stalker kita ano?"duda kong tanong sakaniya." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ako stalker mo?"tanong niya sakin habang nakaturo sa sarili niya. "Hello! Wala ka na sa hospital kaya wag kang mag-assume. Sa pagkakaalam ko magaling ka na ah? Bakit parang hindi pa?"nang aasar niyang sabi sakin.
" E kung hindi kita stalker pano mo nalaman bahay ko?"tanong ko pa rin.
"Ako kasi ang magiging asawa mo."bulong niyang sabi pero di ko naintindihan.
"Anong binubulong mo jan?"tanong ko sakaniya.
"Wala sabi ko bumaba ka na, nasasayang na yung oras ko sayo. Pasaway."sabi niya sakin. Di na ako nakipagtalo pa kaya bumaba na rin ako ng kotse niya. Paalis na sana siya nang kumatok ako sa bintana ng kotse niya.
"Salamat."sabi ko. Ngumiti naman siya sakin. At iyon ang unang beses na ngumiti siya sakin ng maayos.
"Walang anuman basta ikaw."pagkasabi niya nun tinaas niya na ulit yung bintana tapos pinaharurot yung kotse niya.

ONESHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon