2- Pasaway ka!

56 3 0
                                    

Nakatulala lang ako sa katawan ni Ethan. Napakaraming aparato ang nakakabit sa katawan niya, ang putla na rin ng kulay niya. Ito na naman ako naiiyak na naman ako. Kailangan kong maging malakas para sakaniya. Pero hindi ko talaga kaya, tuluyan na namang tumulo ang luha sa mata ko agad ko naman itong pinunasan. It's been six months pero di parin siya gumigising. Naaksidente siya on his way papunta sakin, tumama daw ang kotse niya sa isang truck dahil nawalan daw itong ng break. Humampas daw ang ulo ni Ethan na naging cause para ma-comatose siya. Nawalan daw ng oxygen ang utak niya kaya kung magigising siya, it's possible na mawalan siya ng alaala.
"Love, g-gising ka na please, ang tagal mo nang nakahiga diyan e hindi ba sumasakit yung likod mo?"sabi ko sakaniya habang hinahawakan yung kamay niya. Lagi ko siyang kinakausap sabi kasi kahit na comatose yung pasyente naririnig pa rin daw nito ang sinasabi ng isang tao, at nakakatulong rin ito para sa pasyente.
"Love alam mo hindi ako sumama sa scholarship program namin, ayaw ko kasing mag-isa ka dito. A-alam mo naman na mahal na m-mahal kita diba?" piyok kong sabi sakaniya.
"Hindi kita iiwan, nandito lang ako." Sabi ko pa at tumayo para halikan siya sa noo. Biglang may kumatok sa pintuan, pumasok ang mama ni Ethan at ang doctor.
"Hija, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong sakin ng mama ni Ethan. Tumango ako at lumabas kaming tatlo.

***

"No!" agad kong sabi sakanila. Tumulo ang luha ko.
"N-no, hindi ko s-siya bibitawan. Hindi." Umiiyak kong sabi sakanila. Unti-unti rin akong napaluhod sa sahig. Umiiyak din ang mama ni Ethan. Gusto nilang gawin ang euthanasia. They want to do mercy-killing on Ethan. Makina na lang daw ang bumubuhay sakaniya at imposibleng magising pa. Lumapit sakin ang mama ni Ethan at lumuhod sa harapan ko.
"H-hija, I also don't want to do this pero nahihirapan na si Ethan. Pagpahingahin na natin siya." malungkot nitong sabi sakin. Nakatingin lang ako sakaniya habang umiiyak.
"H-hindi ko po kaya tita." Sagot ko sakaniya. Niyakap niya ako.
"K-kayanin natin to." Sabi niya sakin.

Unti unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ethan, umiiyak na naman ako habang palapit sa kaniya. Umupo ako sa upuan na malapit sa kaniya.
"Love lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ha? " umiiyak kong sabi sakaniya habang hawak ang kamay niya. Dati nararamdaman ko pa yung init ng katawan niya ngunit ngayon wala na akong madama. Dati kapag niyayakap ko siya nararamdaman ko ang bawa't pagtaas at pagbaba ng dibdib niya, na humihinga siya, ngayon hindi mo na gaanong mapapansin.
"L-love s-sorry, pero sana sa desisyon naming to makapagpahinga kana ng maayos. Nandito ka lagi sa puso ko." Dagdag ko pa. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko na inintindi na pagdating ng kinabukasan mamamaga ang mga mata ko, ang gusto ko lang kahit sa huling pagkakataon makasama ko pa yung taong mahal ko.

Ngayong araw na tatanggalin ang makina na nakakabit kay Ethan. Hindi ako pumunta sa ospital, nagkulong lang ako sa kwarto maghapon at umiyak na naman. Hindi ko kayang tingnan na tinatanggalan na siya ng buhay sa harap mismo ng mga mata ko. Pinapangako ko na siya lang ang taong mamahalin ko. Na kahit wala na siya sa tabi ko hindi ako titigil sa pagmamahal sakaniya. Hinawakan ko yung picture naming dalawa na nasa table ko, parang kahapon lang masaya pa kami't nagtatawanan. Nakatingin siya sakin habang ako nakangiti sa harap ng camera. Napahagulgol ako ng maalala ko ang mga sinabi niya saakin, "Love, aantayin ko yung araw na sasagutin mo na ako, mahal na mahal kita." Napayakap na lang ako sa larawan naming dalawa. Mahal din kita.

***

1 year later.

"Tita, alis lang po ako ah?" Sabi ko sa mama ni ethan at lumabas ng bahay. Simula nang araw na yon pinatira na ako ng mama ni Ethan sakanila at tinuring na rin akong parang anak ng mama niya. Sumakay ako ng taxi at nagpadaan muna sa flower shop. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa lugar kung saan ko ulit siya makikita.

"Salamat manong," sabi ko sa driver ng taxi. Naglakad na ako papunta sa pwesto niya. Nang makarating ako ay ibinaba ko ang bulaklak na ibinili ko para sakaniya. Nagsindi muna ako ng kandila at umusal ng kaunting panalangin. Hinawakan ko ang lapida niya.

R.I.P
Ethan F. DelCalma
1993-2017

"Love, kamusta ka na?" Malambing kong tanong sakaniya.

"Alam mo ba pumunta ako nung isang araw sa tagaytay, yung sa pinuntahan natin. Namiss ko kasi yung araw na nandun tayo. "

"Tyaka alam mo ba, ilang buwan na lang ga-graduate na ako. Tutuparin ko yung pangarap nating dalawa. " dagdag ko pa.

Nagkwento pa ako ng nagkwento sakaniya, mula nang araw na huling punta ko sakaniya hanggang ngayon kinuwento ko sakaniya. Wala akong pinalagpas na araw, alam ko kasi na nandiyan lang siya at binabantayan ako.

Mag-aalasais na ng gabi ng mapagdesisyunan kong tumayo at umalis.
"Love, alis na ko ah? Babalik ulit ako. I love you." Sabi ko sakaniya at kinuha ang bag ko pagkatapos ay umalis na.

Habang naglalakad ako nakatingin ako sa cellphone ko dahil ka-text ko si tita sinabi niya kasi na dumaan na daw ako sa grocery para mamili ng mga kakailanganin namin. Dahil sa sobrang busy ko hindi ko napansin na may papunta pala sa direksyon ko.
"M-Miss! Tabiiii!" Nakakabinging sigaw ng isang lalaki. Sa pagkabigla ko hindi ako nakakilos sa pwesto ko. Buti na lang nailiko pa ng lalaki yung bike niya.
"A-argh, aish. Ano ba naman yan" sabi ng lalaki habang pilit na tumatayo, hindi ko makita ang itsura niya dahil nakayuko siya. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang itayo yung bike niya.
"A-ah kuya pasensya na, hindi ko po kasi nakita. Dalhin na lang po kita sa ospital." Paumanhin kong sabi sakaniya.
"Pasaway ka kasi miss eh, tumingin--" naputol ang sasabihin niya ng iangat niya ang mukha niya at nagtama ang paningin naming dalawa.
N-no this can't be happening! P-paanong kamukha niya si Ethan?! No, he's Ethan!
"Omygosh, E-ethan?" Utal kong tanong sakaniya, nagsimula na ring magtubig ang mata ko.

"U-uhm pasensya na miss, hindi Ethan ang pangalan ko. It's Tyron." Sabi nito at inabot ang kamay sakin, ngumiti rin siya na parang si Ethan.

Inabot ko ang kamay niya, tuluyan nang tumulo ang isang luha sa isang mata ko, 'Hindi niya ako iniwan'. Sabi ko sa isip ko.

End.

--------
Hi! Sana nagustuhan niyo ang short story na itoooo.Mwaah!
Don't forget to vote, thankies.

Abangan niyo rin po ang bagong story ko.

Being sold to a Yakuza Lord.

ONESHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon