"Jack-en-poy !" sabi naming dalawa sabay pormang bato ng aking kamay at sa kanya ay gunting.
"Hahahah, okay truth or dare ?" tanong ko sa kanya.
"Truth."sabi naman niya.
"Bakit mo ko nagustuhan ?" tanong ko sa tagal na naming magkarelasyon gusto ko talagang malaman kung bakit niya ako nagustuhan kasi you know, it's too good to be true para maging boyfriend ko siya. Hello ?! Siya lang naman ang pinakasikat na heartthrob sa school namin.
"Uhmm, kaya kita gusto kasi ikaw ay ikaw. There is something into you that pulls me toward on you. Yung tipong ngitian mo lang ako para na akong nangingisay sa kilig, natutulala at ikaw lang nakikita." Mahabang paliwanag niya sakin sabay pisil ng aking baba.
"Aysus! Napakabolero naman po pala ng lalaking ito.Hahahah!" sabi ko at sinimangutan niya naman ako.
"Joke lang, i love you baby." malambing kong pahayag sakanya sabay kiss sa ilong niya tangos kasi eh !
"I love you more." sabi naman niya.
"No, i love you so much much." tutol ko naman sa sinabi niya.
"Nope, i love you more and more and more." tutol niya naman sa sinabi ko.
"Ang kulit mo! Mas mahal nga kita tsk." inis kong sambit sakanya tapos bigla naman siyang natawa.
"Hahaha, okay mas mahal mo na ako" sabi niya sabay yakap sakin "pero mas mahal pa rin kita." pahabol niya parin sabay kiss sa tungki ng ilong ko.
"Promise ?" bata kong tanong sakaniya.
"Promise, i will love you until the last of my breath."Ayan ang mga katagang ipinangako niya saakin noon na ang tanga ko naman para paniwalaan. Nang dahil lang sa isang babae I didn't know na ganoon na lang siyang kabilis makukuha sakin. Heto ako ngayon nakatanaw sa mga taong may kani-kanilang kwento sa buhay. Yung kahit may nakangiti sakanila paniguradong may tinatago ring lungkot sa mga kalooban nila. Parang ako, I always told them that I am okay after what happened, ngi-ngiti ngiti sabay sabing okay lang. Pero ang hindi nila alam it really breaks my heart into pieces.
"Baby, anong ginagawa mo ?" tanong ko sa boyfriend ko nandito kami sa library at kakapunta ko lang dahil tinext niya ako na puntahan ko siya.
Tiningnan niya naman ako at pinisil ang pisngi ko.
"Wala lang, namiss kasi kita." malambing niyang sabi sakin.
"Miss din kita." sabi ko sakaniya.
We stayed there for an hour, sinamahan ko kasi siya dahil nag rereview siya for their exams okay lang naman sakin dahil break time pa naman.
"Sige na babalik na ko sa klase ko, galingan mo sa exam niyo ah ?" pagchi-cheer ko sakanya.
"Syempre sinamahan ako ng baby ko e." sabi niya sabay halik sa noo ko. "Sige na baka malate ka pa." dagdag niya pa.
Kaya tumalikod na ko habang papunta sa klase ko naalala kong nasaakin pa pala yung ballpen niya kaya pumihit ako pabalik papunta sakaniya. Wala na siya sa pwesto kung saan kami.naghiwalay kanina. Kaya pumunta na ako paderetso sa klase niya pero bago pa ako makarating doon ay may nakita akong may kausap siyang babae. Kaya nagtago ako sa gilid, habang tinitingnan ko sila hindi ko maiwasang pakatitigan ang babae. Maganda siya, mahubog ang katawan di hamak na mas sexy siyang tingnan kaysa saakin. At habang tinititigan ko siya my insecurities are trying to kill me out. Nakita kong hinawakan siya ng babae sa kamay at bago pa ako tuluyang masaktan ng sobra ay umalis na ako. Ayoko siyang pag isipan agad ng kung ano dahil may tiwala ako sa taong mahal ko at mahal ako.Malapit nang matapos ang klase namin at uwian na.Tiningnan ko ang cellphone ko kung nagtext siya sakin pero wala pa rin. Pupuntahan ko na lang siya sa klase niya.
"Class dismissed."sabi ng guro namin pagkatapos ay nagtayuan na ang lahat kasabay na rin ako. Agad akong lumabas ng classroom namin para puntahan siya. Pagkarating ko doon ay nandoon pa ang mga barkada niya.
"Nasan siya ?"tanong ko sa isa sa mga kabarkada niya.
"Ay kakaalis lang, may aasikasuhin daw. Bakit hindi ka ba sinabihan ?" sabi sakin ng kabarkada niya.
"Hindi eh, if ever may kasama ba siyang iba ?"tanong ko, oo na kakasabi ko lang na may tiwala ako sakaniya pero hindi ko pa ring mapigilang magtanong.Nagkatinginan muna sila bago sinagot ang tanong ko.
"Oo" sagot nila sakin.
"Sino?"tanong ko naman.
"Si ano eh, uhmm-"bago pa masagot ng lalaki yung tanong ko ay binatukan na siya ng kasama niya.
"Ang ingay mo! A-ah ano siya na lang tanungin mo hehe."sabi nito sakin sabay hatak sa mga kasama niya at lumabas na sila ng classroom. Umalis narin ako doon at dumeretso sa waiting shed. Naghintay pa rin ako doon umaasang darating siya at susunduin ako pero umabot na ang isang oras wala pa ring dumadating. Nang bigla na lang umulan ng malakas. Sht! Wala pa naman akong payong! Bigla na lang tumunog yung phone ko, tumatawag siya. Sinagot ko ito agad.
"Hello? Nasaan ka?"bungad ko agad sakaniya.
"Uhm, inaantay mo pa ba ako? Sorry baby di ako nakapagsabi agad nagpasama kasi sa akin yung kaklase ko eh."sabi niya agad saakin. Kahit na nandito parin ako sa school sinabi ko na lang na nakauwi na ako.
"Kaklase mo?Sino?"kahit kinakabahan ako tinanong ko pa rin siya.
"A-ah,uhm, sige-"bigla siyang naputol "babe dito tayo oh!" sabi ng nasa kabilang linya. Para akong pinagbagsakan ng lupa sa narinig ko. Pinipigilan ko ang umiyak pero hindi ko kayang pigilan unti-unting naglandas ang mga luha ko.
"A-ah baby sige na tinatawag na ako ng kaklase ko eh." sabi niya pero bago pa ako nakasagot ibinaba niya na agad ang tawag.
Di ko na napigilang mapahagulgol. Napakasakit, dati, bago niya ako pagbabaan ng telepono sinasabihan niya muna ako ng i love you pero ngayon lang siya walang sinabi. Pero di agad ako dapat mag isip ng kung anu-ano dahil baka naman hindi siya yung tinutukoy ng nasa telepono.Matagal na ulit simula ng di kami nagkita at nakapag-usap ng harap-harapan. Kakatapos lang ng klase namin at palabas na ako ng classroom ng bigla akong kalabitin ng kaklase ko at may itinuro nakayuko kasi ako. Iniangat ko yung tingin ko at nakita ko siya, may kasamang iba. Yung babaeng nakita ko nung nakaraan pa, masaya silang nagtatawanan at nakaakbay pa siya sa babae. Ang saya nila tingnan, sa puntong napakasakit silang titigan. "Lapitan mo."bulong saakin ng kaklase ko. Ayun naman talaga ang plano ko ang lapitan sila. Kaya lumapit na ako. Nang mapatingin siya sakin nawala ang tawa sa mukha niya at tinanggal niya ang pagkakaakbay sa babae.
"A-ahm, ano nandiyan ka pala." Sabi niya saakin.
"Kamusta?"tanong ko agad.Pero bago pa siya makasagot inunahan ko na.
"Mukhang ang saya niyo ah? Siya ba yung classmate mo? Pakilala mo naman ako." Tuloy-tuloy kong sabi. "Ay huwag na pala, ako na lang magpapakilala sa sarili ko. Hi, ako pala yung girlfriend niya." sabi ko dun sa babae sabay abot ng kamay niya. Pero hindi inabot nung babae yung kamay ko kaya unti-unti ko ring ibinaba. "A-ah pasensya ka na ah? Ngayon ko lang kasi nakita na may kaibigan pala siyang babae."Bigla siyang sumingit sa pagsasalita ko.
"Erika." banggit niya sa pangalan ko. "A-ah bakit?"tanong ko hindi ko alam pero sa mga oras na to sobra na kong kinakabahan.
"Kumain na ba kayo? Tara kain tayo tutal break time naman."sabi ko pa. "Halina kayo, sus wag kang mahiya saakin ah?" akmang hahawakan ko yung braso ng babae ng bigla siyang magsalita. "Tama na, maghiwalay na tayo." And it hits me, really hard. Napatanga ako sakanya, natulala.
"A-ah hahahah patawa ka naman masyado.Hehe."nung sinabi ko yan bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko hanggang sa napahagulgol na ako. Nakakahiya dahil nasa oval kami at nandito karamihan ang mga estudyante. "B-bakit? *hik* may pagkukulang ba ako? May nagawa ba ako? Sabihin mo baka sakaling maitama ko. " sabi ko sakanya habang patuloy na umiiyak at hinawakan siya sa braso.Nakatingin ako sakaniyang mga mata pero wala akong maapuhap ni katiting na pagmamahal sa mga mata niya. Blangko lang itong nakatingin saakin. Tinulak niya ako kaya napaluhod ako sa sahig. "Sorry,pero ayoko na talaga sayo." sabi niya sabay alis kasama yung babae. Bakit ganun? Wala man lang explanation? Ayaw na agad? Saan ako nagkulang? Minahal ko naman siya ah? Hindi lang mahal kundi sobrang mahal. Yung tipong masaya lang kami noong nakaraang araw tapos ngayon hiwalay na kami agad. Dinaluhan ako ng mga kaibigan ko at inalalayan nila akong tumayo. Sabi ko sa sarili ko nung mga oras na yon, minsan talaga di mo na lang mapapansin na may tatama sayo bigla na hindi mo inaasahan yung tipong pag tumama sayo walang kasiguraduhan kung makakatayo kapa.It's been years. I think 3 years? I don't think so. Simula nang mangyari yun tinigilan ko na ring bilangin ang araw. Nasa stage parin ako ng moving on, wala eh minahal ko kasi ng sobra eh. Pero ngayon natuto na ako na kailangan magtitira ka pa rin sa sarili mo. Yes, sometimes promises are meant to be broken pero naniniwala pa rin naman akong may nagki-keep ng mga promises nila. Hayun, nung naghiwalay kami sila na pala nung babae pero di rin sila nagtagal. Nagpalipat na rin ako ng school. Ayoko namang magmukhang tanga sa harapan ng mga tao no. Mabuti na yung ganito yung malayo ka sakit. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung sinabi niya mamahalin niya ako hanggang sa huling hininga niya, mga salitang pinanghahawakan ko noon pero hindi na ngayon. Nang dahil sa jack-en-poy tsk.
END
----------------
A/N: Hi! I hope that you like this story. Lovelots.
BINABASA MO ANG
ONESHOTS STORIES
ChickLitLove comes from the most unexpected places. And love also comes from the most unexpected person.