Chapter 1

491 15 12
                                    

"Glam?" hindi ko siya pinanasin. Kaninang umaga pa  kulit ng kulit ang mokong na 'to. Talagang naririndi na ko sa katatawag niya ng pangalan ko. I always hate it when someone calls me by Glam, hindi magandang pakinggan pag sa ibang tao nanggaling. Parang feeling ko nawawalan ng hustisya ang pangalan ko.

"Uy, Glam naman. Pansinin mo naman ako. Please!" pagmamakaawa niya. Hay, ayan na naman siya sa pagpapa-cute niya.

"Sige na pleaseee!" hindi ko matiis ang mokong na 'to. Itinabi ko muna 'yung mga paper works na ginagawa ko tsaka ko siya tinignan, at ang loko, naka-puppy eyes. Sobrang gwapo niya na tuloy tignan. Hindi ko pinahalatang naaapektohan ako sa kalokohan ng lalaking to. Taas noo ko siya tinitigan tsaka nag crosshands.

"Can you please Karl?" pagtataray ko sa kaniya. Hindi naman siya natinag. Sanay na ang lalaking to sa kamalditahan ko.

"Alam mo namang ang busy busy ko ngayon diba?" patuloy ko, "Tsaka ba't ka nandito, wala ka bang project ngayon?"

"Ayan ka naman sa pagtataray mo Glam, kaya lalo akong nahuhulog sayo eh! Turn on sakin yang pagtataray mo!" tsaka niya mas inilapit ang mukha niya. Halos isang inch na lang at magtatama na ang lips naming dalawa. Napakagwapo niyang tingnan pag malapitan, yung singkit niyang mata tsaka yung matangos niyang ilong. My god, isama mo pa yung napakapulang labi at cheeks, tsaka ang napakaputing ngipin. Shemay! My perfect guy.

Tsaka ang bango bango ng hiniga

"Alam mo Karl, may pausbong kang pimple." tinuro ko yung mapulang pisngi niya. Bigla naman siya napausog at tiningnan ang mukha sa salamin ng phone niya. Tsk, parang bakla amputs.

"Wala naman ah, ikaw talaga, niloloko mo na naman ako." sabi niya tsaka tiningnan ako ng pagka-cute. Ayan na naman siya sa killer smile niya.

"Ewan ko sayo, bumalik ka na nga sa inyo. Tsaka paano ka nakapasok dito sa office ko? Ban ka na dito di ba?" pinamaywangan ko siya tsaka tinaasan ng kilay at ang mokong tiningnan lang ako tsaka ngumiti. Bwiset na lalaking 'to. "Nadya?" tawag ko sa secretary ko. Taranta naman pumasok si Nadya tsaka inayos ang salamin niya. "Di ba, kabiling bilinan ko na huwag papasukin ang lalaking 'to dito? Ilang beses ko ba dapat ipaalala yan sayo Nadya?" malakas na sabi ko kay Nadya.

And as usual, wala naman akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Nginitian lang ako nga bruha.

"Hay nako! Iniistress niyo ko!" sabi ko sabay upo.

"O! HB ka naman Glam. Huwag mo nang pagalitan 'yang si Nadya. Ako naman ang nagpumilit pumasok dito." pagpapa-cute ng loko. Hay, nakakaiinis naman. Ba't ba panay pa cute ng lalaking to tsaka ba't nawawala ang inis ko. "Ako na lang parusahan mo, Glam. Kahit ano gagawin ko basta para sayo!" patuloy niya sabay kindat.

"Boom!" biglang singit ni Nadya. Sabay naman kaming napalingon ni Karl kay Nadya tsaka sabay kaming tatlong nagtitigan.

"Hahahahaha!" we laugh in unison.

"Ewan ko sa inyong dal'wa. Nauumay ako sa inyo." natatawang sabi ni Nadya tsaka binuksan ang pintuan ng office at akmang lalabas na.

"Bitter ka lang eh!" pahabol na sabi Karl kay Nadya. "Bleh, ang corny niyong dal'wa!" sabat naman ni Nadya tsaka tuluyan ng lumabas.

"Uy Miss Maldita, ano na? Alis naman tayo oh?" biglang tanong ni Karl. "Did you just call me Miss Maldita?" paglilinaw ko, "Maganda na sana kaso bingi!" sabi niya ng mahina tsaka nag memake face. "Whatever jejemon!" sagot ko. Napaka jeje ng lalaking 'to. "So ano na? Game ka ba ngayon Glam, gala tayo."

"Busy ako ngayon Karl, alam mo namang ang dami ko pa ngayong trabaho, tambak tambak na pipirmahan!"

"Kahit ngayon lang pleaseeee"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dying InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon