Chapter 1 : Reality

12 1 0
                                        

DOROTHY

3 days later.

"Oh, isa nalang, aalis na!"

Maulan. Rinig ko sa kinauupuan ko ang sigaw ng barker mula sa labas ng aking sinasakyan. Sabay-sabay namang inayos ng mga nakasakay sa loob ang kanilang mga sarili para maghanda sa pagpasok ng magiging huling pasahero sa umagang 'to. Madilim pa, ngunit base sa mga kamay ng oras sa aking wristwatch, pasado-alas singko na ng umaga.

Eto na naman. Eto na naman ako sa araw-araw kong gawi—ang pagpasok sa magulo, nakasusuklam at mala-impyernong eskwelahan. The cycle of boredom, frustration and apathy seems to worsen every day. And I don't have the ability to escape.

Magmula nang mag-enroll ako sa Chantelle University ilang buwan na ang nakalipas, pilit kong isiniksik ang sarili ko sa isang misyon. Isang misyon para makamit ang isang bagay na daig pa ang isang ligaw na hayop sa pagiging mailap. I am Dorothy Cabral, a simple and ordinary 17-year-old girl with a boring style, a plain repertoire and an obscure path in life. Nanggaling sa isang sirang pamilya with only one person left, ngunit pilit pa ring kinuha ng tadhana mula sa akin, inilayo at tuluyang binawi.

"Mga ma'am at ser, makikiayos na lang po ng pwesto at malapit na tayong mapuno!"

For years, I've been struggling to seek for the colors that would make my world shine. Or even diminish the darkness that has been strangling me for far too long. But everything went more unicolor when my half sister died...months ago. That was one of the gloomiest days I've ever experienced.

And yeah. Apparently, that was the reason behind the mission that I'm trying to accomplish right at the moment. Umuwi ako from Manila to start looking for justice here in the province. Ibibigay ko ang nararapat na hustisya sa inosenteng kapatid ko, pati na rin ang nararapat na parusa sa taong gumawa nito sa kanya.


However, I unfortunately don't have the puzzle pieces nor the evidence to use as my starting point. I do not know anything.

Pero pinapangako kong maiibigay ko ang katarungang nararapat para sa kapatid ko. And that will become possible if I am going to see for myself what's happening inside her previous school, which was Chantelle.


By studying in this university, finding those pieces of "evidence" may be easier for me.


Nawala ako sa ilang segundong pagkatulala nang maramdaman kong may babaeng sumakay. Muntik ko nang makalimutan, nasa jeepney nga pala ako. Umupo siya sa natitirang space na halos katapat ng kinauupuan ko. Gaya ko, nakasuot siya ng school uniform ng paaralan kung saan ako nag-aaral. Tinignan ko ang kabuuan niya—katamtaman lamang ang buhok na umaagos mula sa kanyang ulo pababa sa may balikat. Payat, maliit ang mukha at mayroong bangs na halos takpan na ang buong noo pati na ang kanyang mga kilay.


Kung buhay ang kapatid ko, mapagkakamalan kong siya 'to.



But that will not happen anymore. She's gone. Sa isang iglap, nawala ang buhay na ilang taong inalagaan. Just like any other thing in the world, life is very unfair. At wala kang magagawa kung hindi ang magmasid na lang at hayaan ang buhay sa gagawin niyang kagaguhan sa iyo at sa mga nakapaligid sa iyo.



Cause that's how fate works.



Nagsimula na ang pag-andar ng sinasakyan kong jeepney. Medyo tumila na rin ang kanina'y nagagalit na ulan. Simula na naman ng isang araw. Isang araw ng pakikipagsapalaran para makamit ang isang bagay na matagal ko nang gustong makuha.


The future is cloudy and unpredictable. Pero sana, magtagumpay ako.




Sana, makamit ko ang hustisyang matagal ko nang gusto.

The Seer: VindicataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon