DOROTHY
IT was a long tiring day and just by thinking about everything that happened since morning, my head already aches and I feel more uneasy. Hindi muna kami magsasabay umuwi ngayon ni Seth. I don't know if I already mentioned, pero kakatanggap lang kasi niya sa volleyball varsity team at mayroon silang training ngayon, which will last until 6pm. Mas mabuti na ring mapag-isa na lang muna ako.
The building is eerily gloomy right now. Iilan nalang ang mga taong naglalakad, marahil ay nagmamadali nang makauwi sa kani-kanilang mga bahay. Dahil na rin siguro sa mga nangyari kaninang umaga sa gym, maagang naubos ang mga estudyante. Usually kasi, marami pang nakaupo sa lapag ng hallways ng ganitong oras—nagbabasa, nagkukwentuhan o kaya naman ay nakikipaglandian kahit uwian na.
I can hear the footfalls of my heels as I slowly pass by the desolate corridors. Surprisingly, medyo madilim na ang paligid, probably because it's already November and the Christmas season is fast approaching. Unti-unti nang naubos ang mga estudyante at tumahimik na ang buong building as I slowly reached the end of the hallway. But to my surprise, I heard a soft cry coming from somewhere. Luminga-linga pa ako sa paligid at pinakinggang mabuti ang mga narinig kong boses, pero nakumpirma ko rin na nanggagaling ang mga ito sa staircase.
Hindi ako nagkamali, pamilyar nga ang boses na ito.
"H-hey," I was hesitant at first but I composed myself and initiated the conversation. But he didn't reply, so I assumed he was not able to hear me. "Uy. Okay ka lang ba?"
Damn it. Goosebumps crept my whole body as I saw him turn his head to me. At sa pagharap niya, lahat ng nangyari kanina ay nag-flashback sa isip ko. Nakaramdam ako ng kaunting kilabot sa sarili ko, nire-regret na lumapit ako rito at kinausap siya.
Bakit ba lagi na lang ganito ang nararamdaman ko?
Anyway, narito na ako. I just fixed myself and sat with him on the 4th step of the staircase. Yakap-yakap pa niya ang itim niyang bag, saka pinahid ang natitirang luha sa kanyang mga mata nang maramdamang lalapit ako. He looks so hopeless and depressed.
"S-sino ka?"
Alam kong pamilyar na sa kaniya ang itsura ko sapagkat batchmates kami. Isa pa, napatingin din siya sa akin kanina nung nandun ako sa crime scene ni Zachary, at alam niyang alam ko na siya ang nakakita sa bangkay ng kaklase ko. But I guess I need to introduce myself.
Dahan-dahan kong inilahad ang kanang kamay ko. "I'm... Dorothy. Dorothy Cabral."
As I expected, he didn't shake hands with me nor mind my introduction. I just casually dropped my hand as if nothing happened and pretended I was not embarassed by that tiny deed. "I-Iwan mo na ako rito. G-gusto kong mapag-isa."
Naghintay ako ng ilang segundo bago magsalita.
"A-alam kong mahirap para sa iyo 'yan. I understand—"
"YOU will never understand my situation," seryoso siyang lumingon sa akin, his eyes were already red. Naging mas prominent ang panga niya. “Sinisisi ako ng pulis sa pagkamatay ng kaibigan ko. NG KAIBIGAN KO. Now tell me, how is that possible? Paano ko magagawang patayin ang isang taong malapit sa akin?"
Napatungo ako.
“Isa pa, bakit ako?! I wish I could unsee it. BUT UNFORTUNATELY, I CAN'T."
Hindi ko siya masisisi. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka ma-traumatize din ako. Hindi biro ang makakita ng isang bangkay na nakahandusay sa sahig, naliligo sa dugo at tadtad ng saksak sa katawan. The scenario must have produced a huge impact to him, and I can not blame him for that.
BINABASA MO ANG
The Seer: Vindicata
FantasyAfter Dakota's death, her half-sister Dorothy goes back to the province to resolve her unfinished case and seek for justice. Isa lamang ordinaryong estudyante si Dorothy until she discovers something strange about herself. She was given this unconsc...