DOROTHY
MABILIS kong iminulat ang aking mga mata matapos makita ang isang marahas at nakakakilabot na eksena. I felt difficulty in breathing as I found my whole body in tremble. Nakapanlulumo. Nakakatakot. Hindi ko akalaing makakakita ako ng isang pangyayaring hindi ko kakayaning palagpasin o kalimutan.
It was a dire scenario masked as a nightmare. Isang nakakakilabot at karumal-dumal na kamatayan.
"Zachary Calderon. 17. Class 12-IV. Cause of death: Stab wounds. Sa aming nakikita rito sa crime scene, isa itong kaso ng murder.”
We were in the men’s locker room. Nakahandusay ang isang lalaki. Kaawa-awa. Walang malay at walang kalaban-laban.May dugo—may mga saksak sa kanyang katawan. Kalunus-lunos ang katayuan niya habang nakamasid ang karamihan sa mga labi niyang naliligo sa pulang likido ng kamatayan.
Everything felt real. Hindi pa rin ako makagalaw sa inuupuan ko. Unti-unti kong naramdaman ang bawat patak ng malamig na pawis sa aking sentido. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Tunay nga ang sabi nila. Kadiliman ang nasa likod ng pagpikit ng iyong mga mata. Undeniably, our minds have this astounding power to generate dreams that can disturb and cause danger to us, to others, and even to our own consciousness. On the other side, they can inspire and be beneficial too; however, chances are high that they can harm or wreck people depending on how intense they are. Marami ang namamatay sa bagungot, at marami ring mga puso at isipan ang mistulang pinapatay ng sarili nilang mga panaginip.
In my case, I've discovered that dark side of dreams nobody wants to envision.
At ikaw, sa kaunting minuto ng iyong pagtulog, ay maaari ring makakita ng ilang mga bagay. Some things which cannot be touched, seen, felt, or even experienced in reality. You’re lucky enough if the contents of your dreams are bright and optimistic. But mine? Nasilayan ko ang isang nakasisindak na larawan—a simple yet disturbing dream that would haunt the hell out of me for life.
I quickly closed my eyes to budge my thought off that matter. Pero kahit na anong pigil ko, hindi ko maiwasang maisip ang mga bagay na iyon. It was my classmate. We weren't that close and I've never talked to him unless it's about important matters, kaya ang makita siya sa isang nakakikilabot na panaginip ay isang nakakagulat na karanasan para sa akin. But the wounds, the pool of blood where he was found bathing on, the men's locker room where he was murdered—all of these details dwelt in my poor innocent memory. Hindi ko maialis sa isipan ko ang mga iyon.
Napalingon ako sa aking katabi na ngayon ay gulat sa aking inaasta. It was Seth—my childhood bestfriend. He was confusedly staring at me, probably thinking about what the hell had happened. Nakatigil ang sasakyan, at sa aking pagkakaalam ay nasa gitna kami ng mabagal na daloy ng trapiko.
“Dorothy?” seryoso niyang tanong. “Are you okay?”
Narinig ko pa lang ang unang mga linyang iyon ay mabilis na tumulo ang aking mga luha. This is the first time I’ve experienced this kind of situation. Something is off. Parang may dumadagan sa dibdib ko… Sumisikip ang puso ko at hindi ako mapakali—my whole self was still in great shock and Seth can’t find a way to make me calm. Mababaw mang maituturing, pero hindi kailanman mabubura sa kamalayan ko ang scenario na nakita ko kanina. The whole picture seemed realistic. I thought I was witnessing the reality, but it turned out that everything I saw was a part of a dreadful nightmare.
Sana, hindi ko nalang ipinikit ang aking mga mata.
Kung may kapangyarihan lang sana ako upang pigilang makita ang pangyayaring iyon, nagawa ko na.
BINABASA MO ANG
The Seer: Vindicata
FantasyAfter Dakota's death, her half-sister Dorothy goes back to the province to resolve her unfinished case and seek for justice. Isa lamang ordinaryong estudyante si Dorothy until she discovers something strange about herself. She was given this unconsc...
