PAALALA
HELLO, may mga nais lang akong linawin. Mayroon akong mga paalala para sa inyo tungkol sa kalusugan, mga kapatid, inaalala ko lang ang inyong kalusugan. Mahalagang mabasa mo ito bago ka magsimulang magbasa.
Eyes- ingatan ang inyong paningin, hindi maganda para sa inyo na buong araw nakatutok ang mga mata sa cellphone, laptop, tablet, or IPad. Maaaring maging dahilan iyan ng paglabo ng mata, ppagsakit ng ulo, pagkabugnutin, o pagkahilo. Mas maganda kung 3 CHAPTERS A DAY lang, pakiusap pangalagaan ang inyong mga mata.
Time management- Huwag puro basa lang, kung ikaw ay mag-aaral pa lang ay mas maiging huwag kang magbabasa sa school, ng wattpad stories, mag focus sa pag-aaral, at kung sa bahay naman ay gawin niyo muna ang gawaing bahay, sumunod sa utos ng magulang. Gawin ang mga projects or assignments, o kung lectures man na hindi mo sinulat sa school dahil tinatamad ka(wag ka na magkaila,naging studyante din ako), kumilos ka sa bahay niyo.
For healthy body- Huwag na huwag kayong magpapalipas ng gutom, halos karamihan sa mga readers ay mahilig magpalipas ng gutom, nagmamantika ang pagmumukha kakabasa habang nakahiga, pati sa banyo dala dala ang cellphone(mano ba namang i-relax ang sarili sa banyo at kumanta, namnamin ang sariling dumi haha joke), kapag oras ng pagkain kumain ka na. Wag matigas ang ulo, gusto mo ata magka ulcer eh. Maligo ka rin sa tamang oras, baka mamaya maging totoo yung fictional character tapos sabihin sayo ang baho mo, amoy tokpu pa. Want?, huwag kang tamad, mag hugas ka ng plato kahit madami at sandamakdamak, makikipagtalo ka pa sa kapatid mo.
At please lang, iwasan ang magpuyat, hindi yung inaabot ka ng umaga sa pagbabasa, gusto niyo ata mamatay ng maaga. Inaabot din ako ng pagbabasa sa umaga, noon, sobrang sakit sa ulo. puwedeng mag cause iyan ng depression at anxiety, magiging madrama ka. Hindi yun healthy. Maraming araw para magbasa, huwag sa hating gabi O madaling araw. Beribad, at beriwrong.
Pinaalalahanan na kita, kung inaakala mong yung story na nabasa mo na yung pinaka magandang libro sa buong buhay mo, maling mali ka, mayroong BIBLE na puwede kang itama, baguhin, at ilapit sa Diyos at kung may Oras kang magbasa ng mga fictional stories, dapat mas lalo kang may Oras magbasa ng Bible. Lahat ng ginagawa natin ay alam ng Diyos,dahil kapag ikaw ay namatay(lahat naman tayo mamamatay) magsisisi ka kung bakit hindi ka pa nagsisi nung nabubuhay ka pa. Huwag puro simba, magbasa ka ng Bible. Mahal ko kayo, kaya gusto ko lang na maging maayos kayo. Inaalala ko ang kalusugan niyo, wag niyo sana masamain.
Kung may mga wrong typos man, ngayon pa lang humihingi na ko ng dispensa, walang perfect. Pero kung perfectionist ka, okay? Kapag may Oras ako, susubukan kong i-edit, busy kasi ako parati. Don't judge a book by its cover.
Friendly ang author, namamansin ako kasi labs kita.
Konting appreciation lang sa Page na ACE GRAPHIC SHOP, sila yung gumawa ng book cover ko. Magaling sila kaya kung magpapagawa ka, doon na sa kanila.
BINABASA MO ANG
In The Year of 1921
Random'100 years ago, taong 1921 ay may isang malaking barko na hindi sakop ng anumang gobyerno, wala, wala kahit na ano ang nangingialam sa pamamalakad nila. Malaya silang gawin ang anumang nais nilang gawin sa karagatan. Kuntawagin ay mga 'marinero' o...