KABANATA 1

133 5 1
                                    

In the year of 1921...


"Anak, ikaw ba ay nakatitiyak na magiging maayos ka sa Manila? Paano kung pagmalupitan ka ng mga tao roon? Wala kami ng itay mo sa tabi mo para gabayan ka." Nag-aalalang sabi ni Inay,huminga ako ng malalim tapos ay niyakap s'ya mula sa likuran.

"Ang drama talaga ni Inay, para namang wala kang tiwala sa akin. Ako lang ito Inay, ang matibay, matatag at maganda mong anak, kayang kaya ko na po ang sarili ko." Tugon ko at niyapos ng mahigpit si Inay.

"Paano kung may makilala kang lalaki doon? Magkahulugan ang inyong mga damdamin sa isa't-isa? Makalimutan kami at tuluyan ng sumama sa lalaking iyon? Hmp!" Nangilid ang labi ko sa sinabing iyon ni Inay, bumitiw ako sa pagkakayapos sa kanya at pinagkrus ko ang aking mga braso.

"Gan'yan ho ba ang tingin niyo sa akin Inay?" Mabilis na umiling si Inay matapos kong sambitin ang katagang iyon. Humaba ang nguso ko, wari'y nagtatampo.

"Biro lang, ikaw naman di ka na mabiro. Hihe!" Lumapit siya sa akin at idinikdik ang malaki niyang katawan sa aking katimtimang katawan, saka ako pinaliguan ng halik.

"Hoy Almira! Baka naman hindi pasakayin sa bangka iyang anak mo dahil amoy laway na ng baboy, mahawaan pa iyan ng mga bilbil mo. " Tumigil naman si Inay matapos marinig ang sinabi ni Itay na kararating lang. Inilipag ni Itay ang kaniyang itak sa lamesa. Lumapit ako kay Itay at nagmano.

"Magtigil ka Lazaro, baka gusto mong hindi ka makakain ng tanghalian at hapunan ngayong araw? Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sakin? Saan ka nanggaling at paggising ko ay wala ka na rito sa bahay? Hindi man lamang nagpaalam." Ito na naman po sila, magbabangayan na naman. Pero nagbibiruan lang sila.

"Almira naman, syempre masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising at baka mag-alburuto ka pa. Makain mo pa ko ng buhay, aalis na nga yung anak natin tapos sermon mo pa sakin yung ipapabaon mo kay Crecencia." Nagpapaawang sambit ni Itay kay Inay, alam naman kasi niya na hindi talaga siya titigilan ni Inay e.

"Ligtas ka ngayon, dahil aalis ang anak mo. Hindi pa tayo tapos, pagkahatid mo kay Crecencia ay mag-uusap pa tayo.

"Oo na! Oo na! Ay nga pala anak, yung Bible mo baka makalimutan mo nailagay mo na ba sa bagahe mo?Ihahatid na kita sa sakayan at baka mahuli ka pa sa byahe." Tanging tango na lamang ang isinagot ko kay Itay.

"Mag-iingat ka doon anak, alam mo naman ang naging balita, ang pilipinas ay nasa ilalim ng Estados Unidos ngayon. Mag-iingat ka sa Manila, kapag nahanap mo na si Shamara ay bumalik na agad kayo rito. Mas ligtas dito sa Marinduque, konting tiis na lang anak at magiging legal na mamamayan na tayo ng bayang ito. " Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Inay ay niyakap ko sya ng mahigpit, na parang wala ng bukas para magkita kami.

Kumalas si Inay sa pagkakayakap ko sa kanya at may dinukot na ssingsing sa kanyang bulsa, "akin na ang ka may mo, heto, suotin mo ang singsing na ito. Para kahit malayo ako sa tabi mo maaalala mo pa rin kami ng Itay mo." Nang maisuot ko na ang singsing ay nagsalubong ang aking mga kilay.

"Inay, mahalaga ang singsing na ito sa'yo, ito ang pinaka mahalagang bagay sa inyo buhat ng ikasal kayo ni Itay." Sambit ko, hinawakan niya ang dalawa kong kamay ng sobrang higpit at nagsalita.

"Alam ko, alam ko anak. At magagalit ako sa iyo kapag hindi mo naibalik sa'kin yan. Nagkakaintindihan? Babalik ka dito ng kasama ang kapatid mong si Shamara, naliwanagan ba?" Kaya pala ibibigay ni Inay ito sakin, minsan talaga umiiral din ang katalinuhan ni Inay.

"Sige po Inay, aalis na po ako at baka ako ay hindi na makaabot pa at maiwanan ng bangka." Isang matamis na ngiti ang na silayan ko kay Inay bago ko dinampot ang mga bagahe ko at ng ako ay makalabas na kinawayan ko sya, naghihitay si Itay sa labas ng bakuran habang nakasakay sa kalabaw. Oo kalabaw ang sasayan namin, mahirap lang kami at hindi ko iyon ikinakahiya kaninuman.

In The Year of 1921Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon