Ann's POV
Pagkatapos akong halikan ni Gio ay biglang bumagal ang takbo ng mundo ko.Natulala ako.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.Nagpaulit-ulit sa isip ko ang salitang 'akin kana'.Pero nang bumalik ako sa katinuan....
"Oo sayo na 'ko.E-este anong sayo?!Baliw ka ba?!Layas!!Get out of here!!" sigaw ko kay Gio habang tinuturo ang pinto para senyasan na lumabas na siya.
"Sabi ko naman eh.Huwag mo kong tatawaging bakla.Ayan tuloy,hinalikan kita"sabi niya
"Layas!!!Sabi nang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya ulit akong halikan.
"Ayoko nga,okay two points!!" habang sinusuntok ang hangin.
"Ano ba?!Nakadalawa ka na eh."pilit ko pa ring tinutulak papalabas ng pinto si Gio pero hindi ko magawa.
" Wala na,wala na yung first at second."bulong ko at halos mangiyak-ngiyak na ako dito sa kinatatayuan ko.
"Pero gusto mo naman.Gusto mo ulitin natin?" singit ni Gio habang nakangisi.
"Ayaw na!!Huwag na yung pangatlo!!Nakuha mo na nga yung first at second, hindi ako papayag na makuha mo pa ying third" sabi ko
"Ah hindi ko alam yun"
"Anong hindi alam?Labas na!!" Hay sa wakas napalabas ko rin ng kwarto si Gio.Pero bakit ako kinikilig?
Tumalon ako sa kama at saka naggugulong-gulong habang ginugulo ang buhok ko.Pagkatapos ay hinawakan ko ang bibig ko.
"Kyaaaah!!!" napatili na lang ako at saka nahulog mula sa kama.
"Aray,anshaket!" sabay hawak ko sa likod ko.
"Are you okay baby ko?" nag-aalalang tanong ni Mama.
"Opo ma ayos lang ako" sagot ko
"Oo nga pala,ba't lumabas ng kwarto si Gio?" ani Mama
"Ah Mama.Nabwisit ako dun kaya pinauwi ko na.Humanda sakin yon bukas.Sinisigurado ko na makakatikim yun ng flying kick at upper cut.Nakakainis!!!"sabay ngiti ng nakakakilabot.
"Bakit baby ko ano bang nangyari?"si Mama ulit.
" Hindi po ba kayo magagalit?"tanong ko.Eh kasi naman...
"Hindi,sabihin mo na." mahinhin niyang sagot.
"Ganito po kasi yan.Pagkatapos po namin gumawa ng assignment ay niyaya ko po siyang manood ng movie.Pagkatapos po noon ay pinapatay ko yung ilaw para naman madama namin yung pinapanood.Kumuha lang po ako saglit ng snacks tas pagbalik ko po nakabalot ng kumot yung katawan niya. Eh siya po pala yung sumigaw sa taas kanina.Hahahahaha" paliwanag ko sa Mama ko.
"Pagkatapos?" si Mama
"Pagkatapos po ay tumawa ako at sinabihan siyang bakla.Sinandal niya po ko sa pader at pag di pa daw po ako timigil hahalikan niya ako.Humarap po siya sa TV at saka tumalon sa kama at binalot niya po ulit yung katawan.Nakakatawa talaga siya." paliwanag ko ulit kay Mama.
"And then?" mukhang inaabangan talaga ni Mama eh.
"Tumawa po ulit ako at sinabihan po siyang bakla. Hindi ko po naalala yung sinabi niyang pagbabanta kasi nakakatawa po talaga yung hitsura niya.Kaya ayun po," whaaa..hindi ko na kaya!!
"Hinawakan niya po ako sa braso at saka hinalikan" malungkot kong pagkakasabi.
"Ano pa?" tanong ulit ni Mama.

YOU ARE READING
My Hidden Feelings
RomansaSabi ng iba ay mas maganda ang takbo ng lovelife mo kung sa pagiging bestfriends muna nagsimula dahil kilala at alam mo na ang pagkatao niya. Eh paano kung bestfriend ko nga at kilalang kilala ko na siya pero hindi ko maamin ang nararamdaman ko para...