Chapter 2

13 0 0
                                    

Gio's POV

Hello sa inyong lahat.Ako nga pala ang gwapong kaibigan ni Ann Jane Navarro.

Oh balik na tayo sa katinuan.

(Triing-bell)

"Hay sa wakas recess na,tara na gutom na ako.Ang bagal mo naman mag ayos ng gamit.Bilis!!" sabi ko sa kaibigan kong kasing kupad ng pagong.

"Wait lang kasi,nakikita mong hindi pa ako tapos dito.Tulungan mo kaya ako eh no!!" sigaw niya sa mukha ko

"Ah basta gutom na ako" sabi ko

"Tulungan mo kasi ak--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil hinila ko ang kamay niya papuntang canteen

Pag dating sa canteen ay naabutan namin ang mahabang pila.

"See?,eh kaya nga minamadali kita.Tingnan mo ang haba tuloy ng pila" malungkot na sabi ko sa kanya

"Oh ganito nalang,ako mag-oorder tapos libre kita.Okay na ba yon?" Wow naman di ko alam na nanlilibre pala tong kuripot na toh.

"Sige,sige"

"Ano gusto mo?"

"Burger, Fries,Spaghetti at Iced tea" sabi ko habang tinuturo pa yung gusto ko

"Yun lang ba?Eh ba't nagpalibre ka pa.Ang konti naman!"

"So pinagmamayabang mo na big time ka?Sige mamayang uwian punta tayong mall tapos libre mo ulit"

"Okay"

"Oh,umorder ka na" sabi ko

Habang kumakain na kami ay bigla kaming nakarinig ng away sa kabilang table.

"Ano ba?!Sinabing dito kami uupo ng mga katropa ko eh!" Sabi nung lalaki

"Eh sa nauna ako dito!anong paki mo?!" Sagot naman ng babae

"Ah ayaw mong umalis,pwes" sabi ulit ng lalaki at saka kinukuha yung isang baso ng iced tea sa tray ng katropa niya.

"Anong gagawin mo?"

"Ano pa ba?Edi ibubuhos to sa ulo mo!"

"Sige gawin mo!!"

"Okay,madali lang naman akong kausap" at binuhos niya nga sa ulo ng babae

Biglang pumunta si Ann sa kinaroroonan ng away at umawat.

"Hoy tama na yan!!!Di ko alan kung baliw o bulag ka lang talaga!!BABAE TO!!!!"sigaw ni Ann.

Tignan mo nga naman.May natutunan pala si Ann kung paano lumaban.Dati kasi siya ang laging nabu bully kaya ayon tinuruan kong maging isang dragon.Hahaha.

" Oo miss,kitang-kita ko na babae siya.Ano bang pakialam mo?"sigaw ng lalaki

"Pwes,umalis ka dito!"

"Ayaw ko!!"

"Edi ayaw mo!!

Sinuntok sa mukha ni Ann yung lalaki at nahiga ito sa sahig.

" Ah miss,doon ka nalang sa table namin.Dalawa lang kami kaya kasya pa tayo"anyaya in Ann sa babae.Aw ang bait talaga niya.

"Okay lang ba?" Tanong ng babae habang umiiyak dahil sa nangyari kanina.

"Oo okay lang.Tara na"

Nang makaupo na yung babae sa table namin ay agad na inabutan ng panyo ni Ann yung babae.

"Thank you nga pala"

"Walang anuman ^_^"

"Ano nga palang pangalan mo?"I asked

" Uhm Mackie po.Mackie Reyes"

"Nice to meet you Mackie"

"Nice to meet you rin.Ano nga pala name nyong dalawa?"

"I'm Ann Jane Navarro"

"Ako naman si Gio Salvador"

"Magmula ngayon friends na tayo ah?" Si Ann

"Oo naman" si Mackie

Pagkatapos mag recess ay dumiretso agad kami sa classroom namin.

"Sige kita tayo mamayang uwian" sabi ni Mackie

Ay oo nga pala hindi kami magkaklase ni Mackie.

"Oo naman,pupunta kaming mall mamaya.Gusto mong sumama?" ako

"Gusto ko yan!!"

"Basta mamaya kita kita nalang tayo sa garden ng school,okay?" sabi ni Ann.

"Sige,bye~"sabay-sabay na sambit naming tatlo.

_______

Author's Note:

Wala kang pakialam kung maikli lang ang Chapter 2.

De joke lang hahaha.

My Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now