Chapter 1: How I met him

10 0 0
                                    

{Magz's Point of View}

"MAGZ! MAGKAKLASE NANAMAN TAYO!" hiyaw lang ng hiyaw sa harap ko si Jelly.

"Mukha kang tanga itigil mo na yan. Langya! Kaklase nanaman kita! Dalawang taon na! Punyeta." ewan ko ba dito kung bat ko naging bestfriend to.

"Magz nakakahurt ka ng feelings! I-enjoy nalang natin ang pagiging 2nd year highschool natin kasi grabe! Di na tayo yung pinakabata! Tsaka may chance daw na sa school year na to makikilala natin yung mga true friends at yung mga crush!" pinaghahampas hampas naman ako ni Jelly sa sobrang kilig niya. Kaya sa sobrang inis ko ay nagawa ko siyang batukan.

"Kago. Kung naghahanap ka lang ng kalandian edi sana di ka nalang nag-enroll." lumayo na ako sakanya. Baka kung ano pang sabihin niya.

"Wag ka ngang nega! Tsaka elections ngayon ah? Malay mo ikaw yung muse tapos yung escort makakatuluyan mo!" asar lang siya ng asar sakin samantalang ako sinalpak ko nalang yung earphones ko sa may tenga ko para di ko na siya marinig.

-

Nakapunta na kami sa klasrum kasabay ang pang aasar ni Jelly. Ayos to. New room. New classmates. Ayoko nang mangyari yung nangyari nung 1st year. Ay puta tanga pinaalala pa.

"Hi Magz!" napatingin naman ako kung sino ang bumati sakin. Si Toni pala.

"Hi. Kaklase pala kita?"

"Oo. Kasama natin si Sol." si Toni at Sol ay magkabarkada na kaklase ko nung 1st year.

Tutal maaga pa naman naglaro muna ako sa cellphone ko. As usual katabi ko nanaman si Jelly.

Nakita ko naman na pumasok na yung bakla sa kabilang section dati sa room. Kaklase ko din pala siya? Nagulat nga ako nung tumabi siya sakin eh.

"Hi Magz!" bati niya

Tumango lang ako bilang tugon. Nag-ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang assembly.

Habang nakapila ay nagkakaingayan na ang mga estudyante. Taena dalawa lang pala bagong lipat sa batch namin bat ganun.

"Let's welcome the new batch of 1st year.." wala na akong narinig kasi wala naman akong pakialam. Nagulat ako nung may tumabi sakin na lalaking late.

"Since 1st year ang hari ng late. Justin Falcon. Congratulations, ang early bird ng Nethercott Academy." tumawa naman siya bigla sa sinabi ko.

"You never change, Magz." at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Why? Do you want me to change?" tumawa naman siya ng bahagya.

"No. I like the old version better. Palangiti, joker, maganda."

"Are you telling me I become ugly?" kunot-noo kong tanong.

"Yes. You are." aba tumawa pa ang gago.

"Shut up." napasinghal ako at hinintay nalang makapunta sa classroom.

"Everyone go to your classrooms no. Enjoy your first day of school." naghiyawan naman yung ibang estudyangte. Yung mga kaklase ko naman sobrang ligalig nakanta pa ng First Day High by Kamikazee.

Pagpunta sa classroom wala namang masyadong ginawa. Andun yung adviser namin ganun ganyan. Orientation kaya natulog nalang ako kahit nasa harap ko na siya. Dumating na yung oras na hinihintay naming lahat. Elections.

"Uy si Justin yung president!" sigaw ni Moses

Edi ayon si Justin ang nanalong presidente ako naman wapakels nalang nakikitawa ganon.

Pumunta si Justin sa harapan, "Let's start the nomination for vice president." tinaas ko agad ang kamay ko upang iboto si Toni.

"I nominate Toni as the vice president." edi ayon sinulat na niya si Toni. Nagulat kami nung tumaas ng kamay si Dylan.

"I NOMINATE JOMARI!" nagtawanan naman kami sa kalokohan niya.

Umabot na sa auditor at ako ang nanominado. Kalaban ko din si Jomari.

Hanggang escort si Jomari pa din ang binoboto ni Dylan kayat tawa nalamang kami ng tawa.

Napatingin ako kay Dylan. Ang daming natatakot sakanya eh ayos naman pala siya eh.

-

"Eh Ma, dun mo ba siya unang nakilala?" natawa ako habang nagtatanong ang dalawa kong anak. Si Wry at Gun.

"Hindi ah? Nung 1st year kilala ko na siya ang kaso di niya ako kilala. Pachix eh." napangiti ako ng bahagya ng maalala ko ang nakaraan.

-

(1st year)

"Grabe ang galing naman nung sa kabilang section." bulong sakin ni Jelly.

"Sino ba pinakamagaling diyan?" tanong ko habang nanonood ng robotics.

"Yan oh, si Dylan De Jesus." tinignan ko naman siya ng maigi.

"Ay ang chaka! Dun nalang ako sa kabilang dancer!" tumawa si Jelly sa sinabi ko. Tumayo na ako at tinitigan si Dylan De Jesus.

Dylan De Jesus? I'll remember you.

Painful TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon