Chapter 2: First Impression Never Lasts

5 0 0
                                    

{Magz's Point of View}

Kulog. Kidlat. Patak. Ulan.

Obvious ba? Naulan ngayon. At ang boring. Grabe nakakatamad. Science time pa naman.

"Ok class, go to your respective groupmates and you will perform your jingle. I will give you 5 minutes to practice." umalis saglit yung teacher namin kaya pumunta na kami dun sa mismong kagrupo namin.

Nang bumalik yung teacher namin unang nag-perform ang grupo nila Dylan.

"Shet ampangit ni Dylan oh! Haba ng baba!" tawa naman ng tawa si Henley. Si HenleyPaminta.

Natawa na lang din ako at napailing. Tarantado amputa.

"Huy Henley! Ano ba baka mamaya kung anong gawin sayo ni Dylan." suway ni Vreena.

"Okay lang ano ka ba!" tuwang tuwa naman si Henley. Si Pedring naman na confirm na bakla ay tuwang tuwa din sakanyang nakikita.

"Ba ba ba ba ba na na na" hagalpak ang tawa ni Henley at Pedring dahil tugmang tugma kay Dylan ang kanta ng mga minions at ito pa ang kanilang kinanta.

"Wag lang kayo magrereklamo kung may mangyari sa inyo mamaya ha." giit ni Jelly.

"Sus. Para namang mapapahamak kami!" taas noong sabi ni Henley.

-

Lunch na agad at lumabas muna ako sa classroom upang bumili ng lunch. Naalala ko nung 1st year.. di ako kumakain ng lunch. Ay. Ibabalik ko pa ba ang nakaraan?

Noong bumalik ako nagulat ako nung nasa labas lahat ng kaklase ko at nagbubulungan.

"Grabe siya no?"

"Ganon pala siya. Grabe!"

"Nakakatakot!"

Hinila ko bigla si Henley na naglalakad at nagtanong, "Hoy umamin ka nga. Anong nangyare dito?"

Nung una ay ngumiti siya ng pilyo at nagsalita, "Kanina si Dylan, grabe sinakal ako sa may bintana."

Pinagtawanan ko lang siya. Nagreklamo at nagulat siya sa naging reaksyon ko, "Tawang tawa ka pa diyan!"

"Ikaw kasi eh! Pinagsabihan ka nang mag-ingat! Iyan ka tuloy! Eh kay Pedring anong ginawa?" tanong ko sakanya habang hawak ang kanyang balikat.

"Walang ginawa! Sakin lang." inirapan pa ko ng kinginang bading na to. Aba sumosobra na to ha.

Pumasok ako sa loob ng classroom at pinagmasdan si Dylan. Ganyan pala siya. Aaminin ko natatakot ako sakanya. Nakakatakot siya ngayon..

Pero may napansin ako sa kanya ngayon.. bakit siya mag isa? Parang hindi masaya. Parang walang kaibigan.

-

"Grabe naman iyon! Parang shunga eh!" napalaki ang mata ko sa aking narinig.

"Gun! San mo natutunan yan?!" tanong ko sa aking anak.

"Kay Ninang Jelly while you're nagchichismisan." paliwag niya na parang wala siyang ginawang masama.

Andito kami sa kotse ngayon at ihahatid ko pa sa eskwelahan ang aking mga anak.

"Hay nako Gun, bad yon. Wry bad yon ha? Osya pasok na kayo sa school." nginitian ko sila at hahalikan ko na sana kaya lang umiling si Gun.

"Ayaw! Story pa mommy!" napangiti nalang ako.

"Pag-uwi niyo promise itutuloy ko." tumingin naman ako kay Wry. Si Wry naman walang pakielam. Pawis na nga agad eh. Inip na siguro to. Si Gun ang nagmana saken. Sa kakulitan ko.

"Oh Wry, pawis na pawis ang baby ko." pinunasan ko ang pawis niya sa buhok at noo.

"Ma, I'm not a baby anymore!" reklamo niya.

"Hoy anong 'I'm not a baby anymore anymore' ka diyan? Bakit? Marunong ka na ba magbihis mag isa? Eh nagpapaligo ka pa nga sakin eh." tinignan niya agad ako ng masama.

"Ma! My classmates might here you" maarte nitong saad.

"Eh ano naman? Susmaryosep Wry. Grade 2 palang kayo. Malamang pinapaliguan payang mga yan." tumawa naman si Gun sa likuran.

"Nako mommy nahihiya kasi yan sa crush niya! Tsaka most of our classmate eh naliligo na mag isa." napabuntong hininga naman ako.

"Kaya nga most diba? Oh at sino naman crush ng baby ko?" tanong ko kay Gun.

Magsasalita na si Gun pero sinamaan siya ng tingin ni Wry.

"Wry it's not bad to have a crush on someone. Wag lang manligaw dahil grade 2 palang kayo. Tsaka share lang naman sakin yung name eh." giit ko sakanila.

"Aina Syriel Manalo po!" sigaw ni Gun sabay takip ng bibig. Natawa nalang ako sa reaksyon ng anak kong si Wry dahil sa pamumula.

"Osya sige na. Baka malate pa kayo. Bye babies ko." hinalikan na nila ako sa cheeks at nagpaalam na.

-

"Nakakaawa siya." bulong ko kay Henley.

"ANONG NAKAKAAWA EH TINULAK NGA AKO?!" sigaw ni Henley.

"Ikaw naman kasi. Nang asar ka pa. Makipag ayos ka ha. Sinasabi ko sayo." banta ko sakanya.

"Ona ona." muli tinignan ko siya.

May problema kaya tong lalaking to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painful TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon