Yvoinne's POV
Nanginig naman ako sa takot at kaba matapos kong marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan n kwartong kinaroroonan namin. Nandito na ang demonyo. Yan lamang an naisip ko sa panahong ito.
Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba ako mamamatay? Hindi ko na ba talaga maaamin kay Knox na crush ko siya? Ay what the fuck? Yun pa talaga ang naiisip ko ngayon sa sitwasyon kong ito.
Yvoinne magtino ka nga. Mag-isip ka ng mabuti at matino. Isipin mo kung paano ka makakatakas sa kamay ng mga demonyong yan.
"So you're here. The bitch who just slapped me earlier in my territory. In the cafeteria. " saad niya habang tinitignan ako ng nakakakilabot.
I don't want to give him the satisfavtion that he wants. So I just smirk at him at nakipagtitigan din ako sa kanya. "Yeah, i'm obviously here. Don't state the obvious dear. " lakas loob kong sambit sa kanya.
Hindi ako magpapasindak sa mga salita at titig niya lamang sa akin. Kailangan kong maging matatag at matapang tulad ng pagkakakilala nila sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas sa lugar na ito.
"What a strong bitch. Hindi mo ba kilala kung sino ako. Kasi kung hindi nakakaawa ka naman dear. " magangin niyang sabi sa akin. At hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi habang sinasambit niya ang mga salitang ito.
Tiningnan ko naman siya simula ulo mukhang paa--- este hanggang paa. At bumalik ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry hindi kita kilala eh. Mind introducing yourself to me jerk. " sambit kong habang hindi pinuputol ang tingin ko sa kanya. At ipinagdiinan ko pa ang salitang jerk.
"Bitch. " gigil niyang sabi at saka niya ako sinampal. Aaminin ko masakit ang ginawa niyang pagkakasampal sa akin ngunit hindi ko na lamang ito ininda pa. Medyo napangiwi lamang ako ng hawakan niya ako sa bandang leeg at nadanggi niya ang sugat ko roon.
Mukhang napansin niyang nasaktan ako dahil sa ginawa niyang paghawak kaya pinagdiinan niya pa ang hawak niya rito. "Aww. " daing ko dahil dumugo muli ang sugat ko sa aking leeg.
"Oh, masakit na ba? Gusto mo na bang bitawan ko? Eh paano kung ayaw ko? " mapang-asar niyang sabi sa akin at hinigpitan pa ang hawak sa aking leeg.
"Fuck you. " pagkasabi ko ng mga salitang iyan ay timadyakan ko siya sa kanyang pinakaiingatan. Napadaing naman siya dahil sa sakit. At nagkandaupo upo siya habang hawak hawak niya ang kanyang baba.
Sinamantala ko iyon upang tumayo at tumakas. Mga walang kwenta hindi man lang nila ako napigilan. Mabilis akong tumakbo upang hindi na nila ako mahabol pa.
Hindi ko na rin ininda amg sugat ko sa aking leeg at sa aking kamay dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin kanina.
Habang ako ay tumatakbo ay natamaw ko si Knox sa dulo ng corridor na tumatakbo patungo sa aking direksyon.
"Yvoinne/Brin" rinig kong sigaw niya at ni Andrew? Hindi ko napansin ngunit kasama niya pala si Andrew, ang baliw na iyon.
Kumaway naman ako sa direlsyon nila at ganun din ang kanilang ginawa. Habang papalapit na ako sa kanila ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko.
Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Knox at Andrew.
Knox's POV
Sa paghahanap namin nakarating kami sa isang abandonadong gusali. Ito at isa sa teritoryo ng Alpha Phoenix.
Lalampasan na sana namin ito ng makarinig kami ng isang sigaw.
"Ahhhhhh!!!!!" Sigaw ng isang tinig. Ngunit pamilyar ang tinig na iyon. Kilala ko kung sinong may-ari ng boses na iyo.
"Brinley?/Yvoinne?" Sabay naming sambit ni Andrew. Dahil sa narinig namin ay dali-dali naming tinungo ang lugar na kinaroroonan ng tinig na iyon.
Hingal na hingal kami ni Andrew ng marating namin ang lugar na iyon. Napahawak kami sa aming tuhod habang naghahabol ng aming hininga.
Sa dulo ng corridor ay nakita namin si Yvoinne na hingal na hingal na tumatakbo sa aming direksyon. Kumaway siya sa amin at iyon din ang aming ginawa.
Habang tumatakbo kami sa direksyon niya ay napapansin kong unti-unti siyang bumabagal sa kanyang pagtakbo at nag-alala ako sa kanya.
Maya-maya lamang ay nakita kong unti-unti siyang bumagsak sa sahig. Dali-dali naman kaming pumunta sa kinaroroonan ni Yvoinne at nakita namin siyang wala ng malay.
Agad ko siyang binuhat at dali-dalig tumakbo pababa sa gusaling ito. Hindi ko na ininda ang pagod ko. Ang concern ko lamang ngayon ay ang lagay ni Brinley.
Nang makarating kami sa clinic ay dali-dali akong nagtawag ng nurse upang ipagamot si Brin.
"Nurse, gamutin niyo siya. Parang awa mo na gawin mo ang lahat. " garalgal kong sabi sa nurse habang inuuga ko siya.
"Mr. Premavizo lumabas po kayo muna dahil hindi ka po pwede rito sa loob. Madami pong nawalang dugo sa kanya pero hindi naman po siya nasa kritikal na sitwasyon. Sa labas na lamang po kayo maghintay. " magalang na sabi ng nurse.
Kahit nabahala ako dahil maraming nawalang dugo sa kanya ngunit napanatag naman ako sa sinabi ng nurse na hindi kritilal ang kundisyon niya.
Habang nagaantay kami sa lavas ng clinic ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ayos na ba si Brinley o hindi. Palakad lakad ako at hindi ako mapakali pag nakaupo lamang ako.
"Knox, kumalma ka. Siguro naman ok lang si Yvoinne. Nakakahilo ka na pre eh. " natatawa namang sabi ni Andrew.
Tiningnan ko na lamang siya ng masama. "Shut up" maawtoridad kong sabi. Tinaas niya lamang ang dalawang kamay niya as sign ng pagsuko.
Nagpatuloy lamang ako sa paglakad lakad habang sa marinig kong nagbukas na ang pinto ng clinic at lumabas na ang nurse na gumamot kay Brinley.
"Nurse ano pong nangyari? Ok lang po ba si Brinley? Ano na pong lagay niya!? May nangyari po ba sa kanya?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
~~~~
Vote
Comment
And be
Fan