Knox's POV
"Nurse ano pong nangyari? Ok lang po ba si Brinley? Ano na pong lagay niya!? May nangyari po ba sa kanya?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Calm down Mr. Premavizo. Ok na po ang patient. Pero as of now po wala pa siyang malay. Pero maybe a few hours from now on ay magigising na rin po ang pasyente. " kalmadong sabi sa akin ng Nurse.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil nalaman ko na ayos na ang lagay ni Brin. Pero medyo nababahala pa rin ako dahil hindi pa siya nagigising hanggang ngayon.
"Salamat. " ang tanging nasambit ko. Tumango na lamang siya at nagpaalaman na aalis na siya.
Bago ako pumasok sa silid na kinaroroknan ni Brinley ay humunga muna ako ng malalim. Ano kayang nangyari sa kanya sa building na iyon? Ano kayang ginawa ng demonyong reed na iyon sa kanya?
Pumasok na ako sa silid at una kong napansin Brinley na nakahiga sa isang kama at mahimbing na natutulog. An peaceful ng itsura niya ngayon.
Para siyang isang maamo at mabait na tuta. Para siyang isang babasagin na bagay na kailangan ingatan at hawakan ng maigi.
Umupo ako sa isang upuan na malapit sa kanyang kama. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito. "Brin huwag mo na ulit akong pakakabahin ng ganun. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nalagay ka sa alanganin. " sambit ko kahit alam ko naman na hindi siya sasagot.
Umubob ako sa kanyang kama habang hawak pa rin ang kanyang kamay. Hihintayin kita hanggang sa ikaw ay magising Brin. Dito lang ako sa iyong tabi.
Yvoinne's POV
Arghh ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puti yan lamang ang makikita ko sa aking paligid. Nasaan ba ako? Ayan ang tanong na tumatakbo sa aking isipan.
Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid at ng dumako ang mata ko sa aking gilid ay nakita ko si Knox na mahimbing na natutulog habang hawak hawak niya ang aking kamay.
Ang himbing ng kanyang tulog. At napakapeaceful ng kanyang itsura na parang wari mo ay wala siyang problema. At walang iniisip na kahit ano.
Hinaplos ko ang kanyang buhok hanggang sa dumapo ang aking mga kamay sa kanyang pisngi. Ang kinis nito nahiya naman ang balat ko sa kanya.
Naagaw ng atensyon ko ang kanyang mapupulang labi. Ang sarap halikan--- este sobrang pula nito. Dinampi ko ang aking daliri dito at iniingatan ko na huwag ko itong magising.
"Hmmm. " umungol siya at gumalaw ng kaunti kaya inalis ko na ang aking kamay mula sa kanyang labi.
"Knox? " tawag ko sa kanya at medyo inuga siya. Naalimpungatan naman siya at dahan dahang iminulat ang kanyang mapupungay na mata.
"Brin? Gising ka na? Ok ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Tatawagin ko na ba ang nurse? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang sa akin. Masakit pa ba yang sugat mo? Ano susugurin ko na ba si Reed dahil sa ginawa niya sa iyo? " sunod sunod niyang litanya habang tinitingan ako sa mukha at sa aking sugat sa bandang leeg ko.
"Calm down Knox. I'm fine. Masyado ka namang praning eh. " medyo natatawa kong sambit sa kanya.
Nagpout naman siya dahil sa aking tinuran and I find it cute? Kaya ang ginawa ko ay pinisil ko ang kanyang magkabilang pisngi.
"Ang cute cute mo Knox. " sambit lo habang kurot kurot ko pa rin ang kanyang pisngi. Nagulat siya sa aking sinabi at maski ako ay nagulat din.
What the fuck? Nasabi ko ba talaga iyon ng malakas? Nakakahiya. Binitawan ko na agad ang kanyang pisngi at itinakip ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Nakakahiya talaga.
"Uyyy crush mo ako no? Yiee crush ako ni Brin" asar niya pa sa akin kaya naman lalong namula ang aking mga pisngi. Bwisit na Knox ito inaasar pa ako.
"Yvoinne babes what happened to you? " histerikal na sabi ni Laura habang papasok ng clinic. Niyakap niya namnan ako agad na parang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Im fine Laura. Don't be too paranoid. " bored kong sambit at inikot ko pa ang aking mga mata.
"Sino ang may gawa niyan sa iyo? Reresbakan ko. Bilis sabihin mo lang Yvoinne babes. " sabi niya at umakto pa siyang oarang nakikipaglaban.
"Tsk huwag mo ng almin Laura dahil hindi mo rin naman siya kayang labanan eh. " walang gana kong sabi habang nakatingin sa pintuan nitong clinic. Kanina ko pa gustong gusto lumabas dito sa silid na ito.
"Kahit sinopa yan reresbakan ko yan para sa iyo Yvoinne. Binangga ka niya, binangga na din niya ako. " taas noo niyang sabi habang nakahawak pa ang kamay niya sa kanyang bewang.
"Kahit si Alnixe Reed Fluiditysmoke pa? " mapang-asar kong sabi habang nakatingin sa kanya. Sa loob loob ko ay natatawa na ako pero hindi ko na lamang ito pinahahalata. Seryoso ko pa rin siyang tiningnan.
"Oo kahit si Alnix--- wait si Alnixe Reed? Yung leader ng Alpha Phoenix? Siya ang may gawa niyan sa iyo? " histerikal niyang tanong sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot.
Bigla naman siyang natameme at bahagyang napaatras. "Hehehe sorry bes ah pero di ko siya kaya eh. Sige bye alis na muna ako. " sambit niya naman at dali daling limabas ng clinic.
Tawa naman ako ng tawa pagkalabas niya. Akala ko ba reresbakan niya kahit sino pa iyon? Halos lahat talaga ng tao dito nasisindak marinig lang ang pangalan ng gunggong na iyon.
Tiningnan ko naman si Knox sa gilid ko ngunit nabigla ako ng wala na siya roon. Weird saan kaya nagpunta ang adik na iyon?
Bigla namang pumasok ang nurse sa aking silid at sinabing pwede na daw akong lumabas ng clinic anytime basta daw ingatan ko ang aking leeg na huwag mapwersa dahil baka bumuka ang aking sugat.
Lumabas na ako sa akin silid ng mapansin ko na nagtatakbuhan ang mga tao sa aking paligid. Ano ba ang nangyayari?
Mukhang tarantang taranta sila sa kung ano man ang nangyayari. Sa gitna ng aking paglalakad hinarang ako ng isang estudyante.
"Ms. Yvoinne nag-aaway po sila Knox at Alnixe sa open field. " hingal na hingal na sabi niya at tumakbo na ulit.
What the fuck?
~~~~~~
Vote
Comment
And be
Fan