Raven's POV
Mag-isa nanaman ako.
Hays. Kailan ba ako sasaya?
Paano nga ba sumaya?
"Sir, here's your bill" sabi ng waiter.
Bigla naman akong napa-tingin sa orasan ko. Kanina pa pala ako dito, mga dalawang oras na
Ang tagal ko yata nakatunganga kaya naisipan na niyang ibigay ang bill ko
Tinignan ko ito, 10,000 pesos. Ang mura. Ang konti pa ng kinain ko ha.
Nilabas ko yung wallet ko at binigay ang hinihinging presyo. Pagkatapos ay umalis na din ang waiter.
Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng Italian Restaurant na ito. Vintage lahat, hindi nakakasawang tignan
Naisipan ko'ng pumunta dito dahil bagong open palang siya. At nakamamangha dahil kasisimula palang nito, ang taas na agad ng rating. At deserving nga, tunay ngang masasarap ang mga pagkain at ang ganda pa. Sino kaya ang may-ari nito?
Pag nahanap ko na yung taong para sa'kin, araw-araw ko siya dadalhin dito. O kahit saan niya gusto, basta magkasama kami. Bibigay ko lahat ng gusto niya, basta ika-sasaya niya. Lahat-lahat, kahit-
"Hala! Sorry po sir! Hindi ko po sinasadya!"
Napahinto ako sa paglalakad at sa pag-iisip, umagang-umaga, sira na araw ko! Pati yung damit ko, ang mahal pa naman nito!
Pagalit ako'ng tumingin sa bulag na nagtapon sa akin ng juice. Bulag ba siya o sadyang wala lang siya sa katinuan?
"Sorry po talaga, sir!"
Ngunit bakit parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo? Tumahimik lahat ng nasa paligid ko, ang meron lang ay siya at ako. Ano ang nangyayari? High na ba ako? Eh hindi naman ako nagda-drugs ah? Hindi naman ako nag-aadik...
"Uhmm? Sir? Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng babaeng nagtapon sa akin ng juice
"O-okay lang ako. Ikaw?"
Napangiti siya. Ang ganda ng ngiti niya.
"Sorry po talaga sir! Wait lang po ah!" Natatarantang sabi niya at sabay umalis.
Nagising ako sa katotohanan. Bakit ang bait ko pala sa kaniya? Eh tinapunan niya yung mamahalin ko'ng damit?
Iniling ko ang aking ulo. Bakit di ko makuhang magalit sa harapan niya? Ano'ng meron sa waitress na iyon?
"Ito po sir, ito nalang muna gamitin niyo" Bumalik siya sakin na may dalang blue na t-shirt. May design siyang dagat na may moon sa taas
"Wag n-na-"
Sasabihin ko palang ang gusto ko'ng sabihin kaso pinutol niya agad ito. "Favorite t-shirt ko po iyan" aniya at ngumiti. Paano ako makakatanggi ngayon?
Tinignan ko ulit ang t-shirt na binigay niya. Ang ganda lang tignan. Napangiti ako
Mag-papasalamat palang ako sa babaeng yon ngunit nang lumingon ako ay nawala siya bigla sa pwesto niya kanina
Lumingon ako sa buong paligid. Bigla siyang nawala! Nasaan na siya? Bakit bigla siyang naglaho?
Kumirot ng kaunti ang aking puso. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit sabay naghanap ng malapit na cr
Habang nagpapalit ako ng damit, hindi ko parin mapigilang isipin yung waitress kanina.
Waitress ba talaga siya? Hindi halata, dahil maganda siya. Mukha siyang anghel. Kaso base sa suot niya kanina, waitress nga siya dito.
