----------------------------------------
Clara's POV
Nak ng teteng oo. Umagang umaga ganito ULIT ang bungad sakin. Take note "ULIT" Nakakainis na! Saan ba ako nagmana ng kamalasan? Lintsak na buhay. Mayaman nga, pangit at lampa naman. Umiiyak akong tumakbo papunta sa kung saan. Hindi ko alam basta maiiyak ko na lang itong bigat na nararamdaman ko. Araw-araw sa tanang buhay ko, palagi na lang ganito. Kaya siguro wala akong kaibigan. Kaya siguro wala man lang lumalapit sa'kin. Wala na'kong pake sa mga nababangga kong tao sa mabilis kong pagtakbo. Mabuti na nga lang at hindi ako natutumba this time. Kung sakali hula ko sa putikan ang bagsak ko.
"You better die jinx," I said to myself while crying. Hindi ko na ininda yung napunit kong blouse bagamat nasira e maliit lang naman. Kahit sa totoo malapit nang makita ang aking undergarments. Pasalamat na lang at nag-sando ako ngayong araw.
Dinala ako ng aking mga paa sa library. I don't know kung bakit dito ako napadpad. Siguro automatic response na'to ng katawang tao ko sa aking mga epic fail. Sa comfort place ang diretso kumbaga.
Dahan-dahan akong pumasok at pumikit. Dasal ako ng dasal na sana wala nang mangyaring katangahan sakin. Utang na loob.
"Lord, maawa na kayo sakin. Bigyan niyo naman po ako ng timeout. Hirap na hirap na po ako papa God," bulong ko habang nakapikit pa rin at patuloy ang paglakad.
Kaya naman sino bang shungang tao ang maglalakad ng nakapikit? Ayan na naman tayo.
*booooogshhh*
"Aray koo behhh!!" sigaw ko dahil damang dama ko ang sakit sa pagkakabunggo ng tiyan ko sa lamesa. Nahulog na ulit ang mga dala kong libro.
"SHHHHHH!!" saway ng mataray na librarian na may dumudugong red lipstick pero menopausal na. Tsk. Kala niya kinaganda niya yon lol.
Sapo-sapo ko ang tiyan nang tumayo ako ng ayos at ipatong sa lamesa ang mga librong pa-100 times na yatang nahulog o higit pa.
"Hahahahahaha~"
Omooo omooo?! Kaninong tawa 'yon? Nakakapagtaka kasi dapat wala ng estudyante sa mga oras na ito dahil magsisimula na ang klase ngayong umaga. So paanong may boses ng lalaking tumatawa ngayon?
"H-Ha-hala shet may multo ba dito? L-lumabas kang demonyo ka! H-harapin kita kahit maliit ako," nanginginig kong wika habang palingon lingon kung saan nanggagaling yung tawa. Itinapat ko kung saan saan ang kwintas kong may cross na pendant.
"You're funny HAHAHA" pagkuwa'y lumabas sa likod ng dulong bookshelf ang isang gwapong nilalang. Kinilabutan ako presence niya pa lamang. Shit. Natameme ako sa unruly brown hair niyang halatang hindi sinadya ang pagkakagulo pero bagay na bagay sa kanya. Moreno siya pero makapal ang kilay. Dumako ang mata ko sa mga mata niya, he has that cat eye shaped na mata na I've already seen before but I couldn't remember. Meron din syang katamtamang ilong at...at.. At mapupulang labi na halatang malambot unang tingin palang.
"Your drooling Clara HAHAHA"
Shet mahihimatay yata ako. Bakit may nagliliparang butterflies sa tiyan ko? Oh bumabaliktad lang ang tiyan ko dahil masakit pa rin o natatae lang ako? Shotangines. Para siyang Greek God na tumatawa. Dagdag points pa yung built niyang katawan dahil bakat sa uniform niya. Mahihimatay na talaga ako. Mahihimatay ako...
In 3.... 2.... 1....
Then all went black.
"Clara? Hey wake up Little Clara"
wika ng pamilyar na boses ng isang lalaki sabay tapik sakin.Agad akong nabalik sa wisyo nang maalalang ito ang lalaking binanggit na tumutulo daw ang laway ko. Tiningnan ko kung tumulo nga at hindi siya nagkamali may natuyong laway sa may bibig ko. Maygas abel gas bakit sa harap ng lalaking ito may katangahan pa rin ako?
"Teka nga, bakit kilala mo ako?" tanong ko sa tatawa tawang lalaking ito nang magising ako sa clinic. Saka ko lang naalala na binanggit niya ang pangalan ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko at patuloy pa rin ang pagtawa niya. Pasalamat siya at kahit gwapo siya di siya mukhang tanga pag tumatawa hindi tulad ko na halos isumpa na. Hinayaan ko siyang tumawa ng tumawa doon.
"HAHA ano ba namang tanong yan?! HAHAHA paano kasi---" nagpipigil na tawang sagot niya.
"E-ewan ko s-sayo. Alis na'ko kbye," naiinis kong sabi. Paano ba naman? Tanga na nga ako gagawin pa akong tanga dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot.
Bumangon ako sa clinic bed para makatayo na sana kaso biglang natigilan si kuyang gwapo na tawa ng tawa at tumingin sa'kin. Kinabahan ako.
"Haha sorry for being ridiculous, I'm a transferee here and I heard a lot about you. Nasaksihan ko rin nga ang mga pangyayari kanina sa hallway. So I followed you," diretsa niyang wika habang nakatitig sa'kin. Napalunok ako dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko sa titig niyang 'yon. Natulala ako sa kanya, nakakalasing ang titig niya. Nakakaadik. Ang hahaba pa naman ng malalantik niyang pilik.
"Hey. Ahmmm are you alright?" he asked while I see his worried face. Hindi pa rin ako nakaimik feeling ko mahihimatay na naman ako. Kaso tinatamad ako. Mamaya na lang sa bahay.
"O-okay lang ako" I uttered habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata. Kilala ko ang mga matang ito e. Kaso hindi ko matandaan. Pamilyar.
"By the way, I am Angelo. Angelo Ruiz Constancio," friendly nitong pakilala saka naglahad ng kamay. Tiningnan ko muna iyon saka tinanggap. Syempre first time ko itong mararanasan, nakakadalawang isip.
"I-I am Cl-Clara. Clara G-gorgeous R-real," alanganin kong sambit dahil ramdam na ramdam ko ang malambot nitong kamay. Pakiramdam ko tumigil ang mundo, nakangiti siya sa'kin at nakatitig na parang ako lang nakikita niya.Kasabay noon ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit niya sa'kin, naririnig niya kaya 'yon?
*Dug dug Dug dug Dug dug*
"Gising ka na pala Ms. Real? Kamusta ang pakiramdam mo?" basag ni Nurse Lei sa moment namin ni Angelo. Kilala ko na si Nurse Lei at kilalang kilala niya na'ko. Bakit? Suki kaya ako ng clinic sa mga nagdaang taon HAHA. Nagulat kaming dalawa at napabitaw sa mga kamay naming kanina pa pala magkadaong palad. Nag-iinit ang pisngi akong nagiwas ng tingin. Shocks! Enebe to.
"Okay na po siya. Maliban sa sira po ang uniform niya. May extra pa po ba kayong uniform diyan or Tshirt?" magalang na sagot ni Angelo nang hindi ako nakaimik sa tanong ni kumareng nurse.
Tumango si Nurse Lei at sinenyasan siyang sumunod sa may mga cabinet sa gilid. Lumingon muna si Angelo sa'kin then he mouthed, "Wait lang. Intayin mo ako." Nagthumbs up ako habang sinusundan siya ng tingin. Why do I feel comfortable with him? Have I met him?
Maya-maya ay bumalik ito na may dalang uniform. Thank God. *Thank him! Sabi ng isip ko*
"Here oh. Magpalit ka na dun," sabay turo sa washroom ng clinic. Nagaalangan akong ngumiti at nagpasalamat. Tumayo ako at inalalayan niya ako. Kanina pa ako pinagpapawisan ng malamig. Tagos to the bones pa rin ang nagiinit kong pisngi at tenga. Pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko mukha. Saglit akong may naalala, bakit siya ganito sa'kin? Hindi ba dapat tinatawanan at inaasar niya ako sa nagawa kong clumsiness? Tsaka bakit niya 'ko sinundan?
"Bakit nga ba?" pagkausap ko sa sarili ko habang nagpapalit ng damit. Napailing iling na lang ako sapagkat naisip ko na namang kilala nga pala ako sa school bilang jinx. Isang malas at tatanga-tangang babae. Sikat nga sa negatibong way naman. Mapait akong napangiti bago lumabas ng banyo.
Akala ko umalis na si Angelo pero hindi pa pala. Naroon siya sa may shelf nakasandal ang balikat at nakapamulsa na para bang hininhintay talaga ako. Nagliwanag ang mukha niya ng makita ako.
"Tara, hatid na kita sa next class mo? If okay lang naman sayo?"
Literal na nalaglag ang panga ko kaya pinupulot ko ito ngayon sa sahig. De joke paniwala naman kayo. Napanganga lamang naman ako, isa kayang mala-greek god na lalaki at gentleman na nagngangalang Angelo Ruiz Constancio ang nagaaya sa'king ihatid ako? Heeeellllooo?!! Aba isang himala yata ito? Mukhang sineswerte ako ngayon ah :))

BINABASA MO ANG
Clumsy Little Clara
Teen FictionShe was living her life in a full series of epic fails. Lampa. Geek. Pangit. Pandak. At kung ano ano pang pwede mong ikutya sa kanya. Siya yata yung tipong nagpaulan ng kamalasan at lahat iyon ay kanyang sinalo na para bang wala na siyang nagawang t...