Chapter 3

5 0 0
                                    

A/N: It's been a long time since I updated this. I've been through a lot last year. I'm gonna be editing some of the past works and author's notes. Sorry for not being active. I love ya'll❤

Clara's POV

Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Lechugas. Bat andito 'tong pusang to? Kanina lang ay parang bulateng hindi matigil sa isip ko mga sinabi niya ta's makikita ko ulit. Wala na. Finish na.

"Bat ka andito?" Wala sa wisyo kong sigaw habang nakatayo. Nagulantang tuloy mga kaklase ko at napatingin sakin. Nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko at doon lang ako natauhan sa kung anong ginawa ko.

Focc. Akala ko sa isip ko lang nasabi letsugas. Why did I voice it out? Tanga mo talaga Clara. Bumaling naman sakin ang aking guro.

"CLARA GORGEOUS REAL, KANINA KA PA SA'KIN HA!! GO TO MY OFFICE NOOO---"

Agad din namang naputol ang sigaw ni Ma'am nang sumabat si Pusang Gala.

"I'm sorry for the misunderstanding ma'am, she had been through something. Please excuse her this time." Magalang niyang sinagot ang teacher namin sa pinakamapagkumbabang paraan. Wow. Just wow.

Natigilan si Ma'am at tumango kay Angelo. Sinenyasan niya rin akong umupo na at maayos namang lumakad patungo sa upuang nasa unahan ko si Angelo. Nginitian niya pako ng may kahulugan sabay umupo na.

"How could he be so calm in that situation? Kung ako 'yan, nazipper ko na bibig ng teacher na yan jusko," walang ganang sambit ni Icaria habang nagiinat na may pagpaling ng ulo sa kanan at kaliwa para mawala ang ngalay.

Kumunot naman ang noo ko sa narinig, parang kanina lang tulog itong babaeng 'to ha. Tas parang bulang susulpot na lang. Ewan ko ba.
"Shhh.. Wag ka maingay baka marinig ka pa niyan," ani ko na itinuturo si Angelo sa harapan.

Nagpatuloy ang klase habang lutang pa rin ang isip ko sa nangyare. How did he end up winning an argument from that terrible professor? I mean, he's a transfer student. He can't just go around meddling with others' conflicts. Wth, this isn't a good day. Sabagay kelan ba nagkaroon ng magandang araw sa akin though.

It's been a rough day kaya nagcracrave ako makahiga na. I was waiting for our family driver when I saw Angelo took a glance of me before he started his engine and go. I saw a glimpse of joy and longing in his eyes yet I just shook it off. He's weird. Sinundo ako ni Manong Julio sa school gamit ang Silver Mercedes Benz namin. Ugh. Gusto ko na lang matulog matapos itong napakawirdong araw na 'to jusq.

"Hello my princess, how's your day?" dad asked with a bright smile plastered on his face as he welcome me home. He still call me princess when in fact I wasn't and will never be. He was holding his cup of coffee like he usually do after sessions with his clients.

I walked inside at nagmano kay daddy. "It's fine dad, just too tired today. Tell mom, I'm home na po at matutulog hahaha," I laughed a bit knowing mom, sesermonan niya ako at sasabihing napakahuggard ko na naman. Nagpapakastress daw ako kaya tinitigyawat. How lucky am I with the parents I have. A famous dermatologist and a well-known family-love therapist. Ironic to think pero they aren't lucky for having me as their daughter. I'm completely the opposite of what you think their child would be.

Umakyat nako sa grand staircase namin leading to the 2nd floor in which my room is located. I walked past the hallways full of trophies and certificates. Some were mine and many were my parents' achievements through the years.

I opened my pastel blue door, the only blue door in the house. May painting pa ito sa taas na, "Restricted Area, Get Lost". Ako ang nagpersonalize ng kwarto ko at kahit ayaw nila dahil masisira daw theme ng bahay, wala din silang nagawa kasi sinimulan ko na without permission.

Safe at last. I was surrounded by pastel colors in any shade of blue. A galaxy painting in my ceiling and clouds across my walls. It's relaxing and peaceful. Nilagay ko sa study table ang mga gamit ko at nagdive na sa kama. Mamaya na ako gagawa ng homeworks. Wala akong gana. Maya-maya pa'y nakaramdam na ako ng antok. 

Nagising na lang ako bigla sa katok sa pinto ng kwarto ko. Saglit akong nagmulat at sinilip ang orasan. It was 8 pm already at 'di na ako nakakain. Patuloy pa rin ang pagkatok sa pinto.

"Wait up. I'll be there," saad ko at tamad na tamad bumangon. Nagsala ang pagkakatapak ko sa sahig kaya't nawalan ako ng balanse. Letse naman oh.

"Honey? Are you alright there?" tanong ng pamilyar na boses ng babae. It was mom. Hays sesermonan na naman ako nito.

"Y-yes yes, saglit lang po-----Aray," pag kuway daing ko sa braso kong tumama sa sahig. Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kamalasan. Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahulog sa sahig at tumungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto at agad na bumungad sakin ang medyo may kaedaran na babae ngunit mababakas ang ganda. Mapupungay ang mata, matangos ang ilong at kulay rosas na ang mga labi.

"Clara naman, ilang beses ko bang sinabi sa iyo na magiingat ka? Nabalitaan ko nangyare sa school. Tinawag sakin ng nurse," nagaalalang wika ng mommy ko. Tumalikod ako at tumungo sa kama. Ginagaya ko pa siya sa pananalita at palihim na nagmakeface.

"Nagingat naman po ako ah, sadyang minamalas lang po," sagot ko at nagtalukbong na ng kumot. Umupo si mommy sa sa gilid ng kama  at tiningnan ako ng mataman.

"Hindi ka pa kumakain. Wala ka bang gana? Sige ka bukas na bukas itretreatment ko mukha mo," malambing na panunuyo sakin ng aking ina.

"Mom, ilang beses ko ba sasabihin na ayoko magpatreatment? Kahit gumanda ang mukha ko pangit pa din ako lalo na kung tatanga tanga pa din ako," maluha-luha kong sabi sa kanya na bahagyang sumilip sa kumot.

Marahan siyang tumango. Matagal na naming napagusapan na ayaw ko dumaan sa mga prosesong ginagawa niya sa trabaho. Kahit pa nanay ko siya, hindi ako papayag. Kasi hindi naman sa mukha o katawan makikita yung tunay na ganda dahil wala yung silbi kung stupida ako. 'Di babagay sakin. Lalo lamang ako pagtatawanan ng mga tao. Hinaplos ni mommy ang pisnge ko at hinalikan ang aking noo.

"Sure baby. Mommy loves you for whatever you are. Siguruduhin mong kakain ka bukas ha? Nako Clara. Goodnight." Yun lang ang huli kong narinig at tumango ako sa kanya. Pinatay na niya ang ilaw at lumabas. Doon nalang bumuhos ang luha ko.

Walang-wala ako sa kanya o sa kanila ni daddy. Bukod sa maipagmamalaki mo ang kanilang mga hitsura, hindi matatawaran ang galing at kagandahang loob na meron sila. May poise, may dating, at higit sa lahat ay mayroong class. Hindi katulad ko na halos isuka na ng mundo. Hindi ako nararapat na maging anak nila. Isa lang akong kahihiyan. I'm just causing pain. A pathetic girl who always embarrass herself. What can I do when the solution is myself too?

I tried controlling myself. Trying hard not to mess up but it always end to a disappointment. I always chase for the good things I can do yet I was also the one who was chased by the reality that I'm never going to be better.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clumsy Little ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon