1

8 0 0
                                    

#GmasWARNSHOTS

Tahimik ang kabahayan, tahimik na tila walang natitirang buhay. Takbo at tago ang tangi kong magawa sa ilalim ng maliwanag na buwan. Takbo para iwasan siya at tago para sa buhay ko. Hindi ako papayag na maunahan niya ako. Mahirap sa sitwasyon ko ang manlaban kasi nasa kanya ang advantage.

Sa isang malaking balete ko naisipang magtago. Tagaktak ang malamig kong pawis, nanginginig din ang mga kamay ko. Napasandal ako sa puno dahil sa pagod. Tanging ang mga kulisap ang nagbibigay buhay sa malamig at nakamamatay na gabi. Napa-upo ako sa lupa habang hinahabol ang aking hininga.

Kinilabutan ako nang maramdaman kong natahimik ang mga insekto. Mula sa pagka-yuko dahan dahan akong napatingala. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nakatayo siya sa harapan ko hawak ang isang baril na nakatutok sa aking ulo. Wala kang makikitang pagsisisi sa kanyang mukha.

Maingat akong tumayo sa aking pwesto. Nanlambot bigla ang kanyang expresyon at unti-unting binaba ang baril. Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang tinuran. Pero mabilis naman niyang ibinalik ang blankong expresyon at ang pagtutok ng baril sa aking ulo. Napalunok ako sa kaba, ubos na ang aking swerte.

 Kinasa niya ito at muling itinuon sa aking ulo. "Checkmate." Huling sinabi niya bago humigpit ang kapit sa baril. Nanlumo ako na parang naubusan ng enerhiya. Pumikit ako, kasabay nun ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.

Napabalikwas ako ng bangon na puno ng pawis. Ika labing-limang beses na ako pabalik-balik sa kwartong to. Sa parehong oras at dahilan. At labing-limang beses na ako muntikang mamatay. Bahagya kong pinunasan ang pawis sa aking noo.

Sa tuwing gigising ako nakakalimutan ko lahat ng nangyari maliban nalang sa pang-ilang beses na at muntik na akong mamatay. Pilitin ko man alalahanin sasakit lang ang ulo ko sa memoryang yun. Medyo lumabo ang paningin ko kaya napapikit nalang ako.

Imahe ng isang taong naka itim ang nasisinagan ko. May hawak itong tila 'scythe' ni kamatayan. Nakatayo lang sya habang nasusunog at nasisira ang mga gusali. Tuluyang lumabo ang imahe tila nawawala. Napasandal ako sa headboard dahil sa sakit ng ulo.

Hindi ko nanaman maalala ang nakita. Ayoko na talaga, suko na ako. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki. "Ano? Hindi kaba babangon dyan? We're already late! Kanina pa ako naghihintay sayo akala ko patay kana." Busangot ng lalaking nasa harapan ko.

Tumayo nalang ako at ginawa ang nakasanayang gawin. Ako pala si Azi, yung lalaki kanina ay si Daath. Pagkatapos ay bumaba ako at hinanap si Daath. "Daath?" Nalibot ko na ang buong bahay pero hindi ko parin siya makita.

 Huling destinasyon ko ay ang hardin sa likod ng bahay. Nakahiga sya sa damuhan habang nakapikit. "Nandyan kalang pala. Halos mabaliw ako kakahanap sayo." Napadilat siya at nangunot ang noo. "Ha? Alam mo namang palagi akong nakatambay dito ah. Bat parang wala kang alam?" Naguluhan ako sa sinabi niya. "Hindi kaya-" takot ang rumihistro sa kanyang mga mata.

Binago niya ang kanyang expresyon at tumayo. "Come on, let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad patungo sa sasakyan niya. Sa buong biyahe wala ni isa sa amin ang bumasag ng katahimikan. Nakarating kami sa eskwelahan at ipinarada ang kotse.

Habang naglalakad sa hallway ang sama nang tingin ng ibang estudyante. Ang iba matatalim na titig ang ipinupukol ang iba namay takot at pangamba. Hanggang nakarating kami sa classroom hindi parin ako tinantanan. Isang babae ang lumapit na puno ng galit ang mga mata.

"Ha! Paano mo nakonsyensya ang mga nangyari? Isa kang demonyo!" Hinablot niya ang kanang braso ko at idiniin ang kanyang mga kuko. Pilit akong kumawala sa kapit niya pero wala akong lakas. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dugong tumulo mula sa aking braso.

"At talagang may gana ka pang manlaban." Akmang sasampalin niya ako ng pinigilan sya ni Daath. Binawi niya ang braso ko na tumigil na ang pagdurugo. Hindi ko inabala ang malalim na sugat mas abala ako sa dahilan ng galit niya. "Daath! Ano ba! Hahayaan lang ba natin ang demonyong yan na mabuhay at ubusin ang ating mga kasama?"

 Hinawakan ni Daath ang aking kamay at hinila ako papunta sa harap ng pinto. "Daath! Sagutin mo ako! Alam mo naman ang kaparusahan kapag hindi natin siya pinatay." Napatigil si Daath sa paglalakad, huminga ito ng malalim bago mag salita. "W.A.L.A Akong pakialam. Mamamatay muna ako bago ninyo muling saktan si Azi." Makahulugang wika niya habang hinihila ako palabas.

Hinila ako ni Daath ng hinila hangang sa makarating kami sa hardin. Walang imik siyang humiga at pumikit. Tumabi ako sa kanya at gumaya sa kanyang pwesto. Ilang oras ang dumaan hindi parin kami gumagalaw sa aming pwesto. Bumangon siya at humarap sa akin na malungkot ang mukha.

"I can't hold this any longer. Azi isa kang anghel." Naguguluhan man nanatili parin akong tahimik. "You are Azrael, an angel of-" nakaramdam ako ng isang mahabang nakatusok mula sa likuran ko. "Ack!" Napasuka ako ng dugo habang si Daath naman ay takot na takot. Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang isang lalaking may hawak na pana.

Nakakakilabot na ngisi ang ibinigay niya sa akin, kahawig niya si-       "Checkmate." Nanghihina man pilit kong pinipigil ang pag ragasa ng dugo mula sa dibdib ko. Humihina ang tibok ng puso ko, nahihirapan narin akong huminga. Naunahan nanaman ba ako? Kapag malapit na akong mamatay naaalala ko lahat. Ano ba naman to!

Agad akong nilamon ng kadiliman. Kaya pala nakakalimutan ko ang mahahalagang impormasyon. Kasi pilit ko itong kinakalimutan pwes. Hindi na ako papayag sa susunod na mangyari, ang hindi harapin si Kamatayan. Naglakad ako papalapit sa nakikita kong liwanag.

Napabalikwas ako ng bangon, totoo bang- Dali-dali akong tumakbo pababa para hanapin si Daath. Hindi nga ako nagkakamali nandito nga siya, kung saan ko siya palagi nakikita. Naglakad ako papunta sa kanya. "Daath sabihin mo ang totoo, sino ba si Azrael. Sino ba ako?" Nagulat siya pero hindi niya ito pinahalata.

Napabuntong hininga ito bago magsalita. "Isa ka sa mga anghel ng unang panahon." Umikot ang aking paningin habang nakikinig. "Your real name is Azrael, the angel of Death. And I am-" Dahan dahan siyang tumayo at humarap sa akin. Hindi na ako nagulat sa nakita. Nakaharap si Daath saakin na may hawak na baril, sinasabi ko na nga ba.

Itinutok niya ang baril sa aking noo. "You don't look suprised, maybe you did solve the puzzle." Déjà vu . Malungkot ang boses niya na tila napipilitan siyang gawin lahat ng ito.  "Hindi mo dapat sinusuway ang utos niya Daath. Kahit na ilang beses mo akong patayin, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Mahal kita, mahal mo ako pero hindi pa pwede. Alam mo yun diba?"

"Alam mo namang mawawasak ang buong mundo kapag ipinilit natin ang ating pagmamahalan." Hindi niya parin inaalis ang baril sa aking noo. Nanginginig siya habang lumuluha. Sa isang parte gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero pinigilan ko ang aking sarili. Alam kong makakabuti to sakanya.

3rd person's point of view

Lumiwanag ang buong katawan ni Azi habang nakalutang na napapalibutan ng kakaibang palamuti. Lumabas ang mga pakpak niya na kulay pula na may bahid ng ginto. Walang ibang magawa si Daath kundi pag masdan ang pinakamamahal na anghel.

'Si Azrael ay isang anghel na walang kasarian. Siya ay natatangi sapagkat isa siya sa mga kanang kamay ng Ama. Bumaba siya sa langit upang makasama ang pinakamamahal na si Daath.'

Bumaba sa pagkakalutang si Azi at lumapit kay Daath. Lumuluha ito habang nasa kamay parin ang baril. Bago paman magkalapat ang kanilang mga kamay, hinila si Azi paibabaw habang pilit inaabot ni Daath.

"Azi wag mo akong iwan! Please!" Walang magawa si Azi kundi ang palihim na lumuha sa narinig. Hindi niya kayang suwayin ang ama. Tatalikod na sana siya nang nakarinig siya ng paimpit na sigaw.

"Azrael!" Nakasunod si Daath na nagdurugo ang mga pakpak. Pilit parin niyang inaabot ang mga kamay ni Azi. Wala sa sariling inabot ni Azi ang mga kamay ni Daath dahilan para may biglang sumabog.

Nawalan ng malay si Azi, at tuluyang bumagsak sa ere. Agad namang sinagip ni Daath ang anghel. Mahimbing at walang kamalay malay si Azi sa mga bisig ni Daath. "Death" bigkas ng mga labi ni Azi, napangiti si Daath sa narinig. "That's right Azrael, I'm Death. And you're my Angel."

Checkmate: Killing Azrael The Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon