MARGAUX: a teenage pregnancy story

510 10 7
                                    

    Ilang ikot na ba niya sa salamin? ngiti. ikot uli. smile. pangatlong palit na niya ito ng damit. Buti na lang at miyerkules ngayon. freeday o washday ng paaralang pinasukan. kailangang niyang magpaganda. kailangang mapansin siya. nakapili na siya ng damit na babagay sa maputing kutis niya.

       blusang kulay pink na may print na retro na kulay blue  na lalong nagptingkad sa kanyang maputing kutis  at blue jeans na akma sa balingkinitang katawan at rubber shoes na kulay blue din. nagpulbo. smile uli. " ang ganda ko talaga." nakangiting sabi sa sarili. kung makapagsalita lang ang salamin baka pabirong sabihin sa kanya na "Ang hambog mo girl". Campus Idol kung bansagan si Margaux Marie Salazar sa pinasukang paaralan sa Tagum City,Davao. Graduating at kilala bilang isa pinakamagaling sumayaw sa dance troupe na kinabilangan. palangiti at halos lahat estudyante kaibigan ,ika nga, walang masamang tinapay kung mabait ka. down to earth kahit nakakariwasa sa buhay Nasa ibang bansa ang inhenyerong ama. At ang ina naman ay manager ng isang malaking mining company sa Davao. Solong anak lamang si Margaux subalit hindi mo kakitaan ng pagkaspoiled brat na karaniwan sa nag-iisang anak. 

     "Margaux, anak nakabihis ka na ba? late na tayo." si aling Leony, ang ina ni Margaux. "Andiyan na, ma!" tingin uli sa salamin. ikot uli. kindat. smile. "Mwaaah!  Jake Jimenez, andito na ako. "sabay hablot sa bag at patakbong pumanaog sa hagdan. "Wow ha, ang ganda ng anak ko a!" ani ng ina." "Syempre mana ata sa ina." sundot naman ng anak. "weeh di nga, mas maganda ako sa iyo." birong tugon ni aling Leony. "sige na nga maganda kung maganda, walang kokontra basta dagdagan mo lang ang baon ko." "o ba basta walang kokontra sa mama." nagkatawanan ang mag-ina na sabay lumabas tungo sa garahe ng kanilang kotse. parang barkada lang ang kanilang turingan. "ang cool ng mama mo Margaux parang barkada mo lang." ang sabi noon ni Chuchay na kaklase at bestfriend ni Margaux.  

     Parang barkada at kapatid ang turingan ng mag-ina sa isa't isa. 18 years old nang isilang ni aling Leony si Margaux na ngayon ay15 taong gulang. ayon sa kuwento na kayang lola sa ama, kakagradwet lang ng haiskul noon ng kanyang ina nang itanan daw ng kanyang  ama na kakagrdwet  lang din ng kolihiyo sa kursong engineering, kaya hindi kalayuan ang edad ng mag-ina na palaging mapakamalang magkapatid. sabi pa din kanyang lola nakatapos naman daw ng pag-aaral ang ina dahil pinaaral naman daw ito ng kanyang ama.

     "Mukhang maaga ka ngayong gumising Margaux at napansin kong blooming ka." sabi ng ina habang nagmamaneho. araw-araw na magkasama ang mag-ina sa dahilang madaanan ang pinapasukang paaralan ni Margaux patungo sa kompanyang pinapasukan  nito. "Hoy Margahot, tinatanong kita bakit ang aga mong gumising ngayon at tagal mong nagpaganda?" ang pabirong tanong ina kay Margaux. "Margahot"ang tawag nito sa anak kapag nangungulit sa anak. " ay ano po?" kinuha ang headphone na hindi kaagad naulinigan ang ina dahil nakapokus ito sa pakikinig sa One Direction. "Ang sabi, ko bakit kay-aga mong gumising at tagal mong nakabihis at saka ang arte mo ngayon, may crush kana ano?" nakangiting sabi ni aling Leony. "ako, magkacrush? sila ang may crush sa akin." sabay tawa. "maaga lang akong gumising dahil may tatapusin kaming project ng group namin. at ako matagal nagbihis? di nga! at di ako nagpaganda, dahil maganda na ako."  sabay kindat sa ina na nakatingin sa rear mirror ng sasakyan na napangiti na lamang. alam na niya ang ugali ng anak. kung hindi mo ito kilala sabihin mong mayabang ito. pero.ang totoo "kikay" at palabiro ito. "oy,ate kong maganda, tandaan mo ang sabi ng papa mo, walang boyfriend habang nag-aaral ka.pa." "ako.magboboyfriend? e di.lagot ako kay papa. ang istrikto pa naman noon pagdating sa boyfriend-boyfriend. ako may crush? wala a!" nakonsensiya si Margaux dahil alam niyangl nagsisinungaling siya sa kanyang ina. Mula noong magsimula siyang maggrade seven hanggang grade 11 wala siyang maituring na crush sa kanyang mga kaklase. Barkada lang ang turing niya sa kanyang mga kaklaseng lalaki. "Margaux baka tiboom ka, baka ang gusto mo girl?" ang birong sabi ni Chuchay na humalgapak ng tawa minsan ng magkasama sila sa canteen. " Di, a.. ako tiboom? porket bat wala kang crush tiboom ka na?" tugon ni Margaux na tila nainis sa biro ng kaibigan. Nang makita ni chuchay na tila nayamot si Margaux lalo pa itong binuska. "tiboom ka talaga, bakit wala kang crush? di ba pag teenager na dapat may crush ka? ako nga crush ko si Andrew na taga media arts." sundot pa ni chuchay." " e kasi malandi ka, at hindi ka naman crush ng crush mo no, at hanggang tingin ka na lang dahil may gf na taga creative writing yang crush mo" "e ano hindi kung may gf na si andrew hindi pa naman sila kasal at saka at least, alam kong girl na girl ako dahil tumibok ang puso ko sa boy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARGAUX: a teenage pregnancy storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon