Chapter 1

599 13 3
                                    

Namulat ako dahil sa malakas na pagbagsak at pagsara nang pinto sa baba. Rinig at ramdam ang pagdagundung nang sahig dahil sa mga yabag na nagsisibalikan pataas at pababa plus yung pumapasok labas sa kwarto. Pano ko ba naman di maririnig kung nasa gitna nang bahay namin ang kwarto ko.

Dahil di na ako dinalaw nang antok eh naisipan ko nang maginat at matamlay na tiningnan ang maliit na orasan ko sa gilid.

Alas 6 pa lang pala. Istorbo talaga tong mga to.

Bumangon na ako at maayos na itinupi ang hinigaan ko tapos chineck ang mga appointments ko ngayon.

 Ow. Pupuntahan ko nga pala si Cienne ngayon sa bago nyang biling condo. Kasi naman ang laki laki na nang bahay kailangan pang lumipat. Kung sabagay, kahit ako di ko makakaya ang tumira dun. Sobrang laki nga, sobrang tahimik naman. Di katulad..

"KIMBERLY!!!!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa malakas na pagtawag sa aking magandang pangalan mula sa baba. "Bumaba ka na at mag almusal!! Aalis na kami nang tatay mo!!"

"Opo nay!! Umalis na nga kayo ang ingay ingay nyo eh!!" Pasigaw ko ring tugon. Di ko alam, pero nakasanayan na yan samin. May lahi ata kaming mga bingi eh.

"Anong sabi mo?!!" O kitams? Sumigaw na ako di pa rin narinig nang nanay ko.

"Wala po! Ingat kayo nay!! Love you!!" Pahabol ko sa may pinto nang kwarto ko saka dumeretso sa banyo.

--------------------

"Kim.. may pera ka ba dyan??" Kalabit sakin nang kuya ko habang tahimik akong kumakain magisa. Naka alis na sina mama at ako na lang ang natitirang tao sa bahay.

"Meron." Simple kong tugon nang di tumitingin sa kanya. Nakita kong lumawak ang ngiti nya dahil umupo sya sa harapan ko. "Pero di kita papahiramin."

"Kim naman.. sige na. Ngayon lang.." Pagmamakaawa nya sakin.

"Yan din ang sinabi mo sakin kahapon at nung isang araw at sa mga araw pa bago yun. Nagbayad ka na ba??"

"Eto naman.. parang di tayo magkapatid.." Pagtatampo nya.

"Kaya nga eh. Magkapatid tayo at ikaw ang mas nakakatanda kaya dapat nga ako ang humihingi sayo ngayon." Mataray kong sagot at uminom nang kape.

"Eh ikaw may trabaho ehh.."

"Kung maghanap ka kaya nang trabaho para magkapera ka. Graduate ka naman nang college ha." Nakita kong medyo nailang sya sa sinabi ko. Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko.

"Sige wag na lang nga.." Paalis na sya nang pigilan ko sya. Hay naku. Kahit anong gawin ko di ako mananalo sa kumag nato. Bukod sa andami daming rason paniguradong di ako titigilan nito.

"Magkano ba kailangan mo??" Bumalik naman ang sigla nya at umupo ulit sa harapan ko.

------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon