CHAPTER 3 : STRANGE
Princes' POV
Pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng may makitang isang matandang lalaki na hindi ko kilala kaya bigla kong niliitan yung pagkakabukas ng pinto para silipin lang siya kung ano ang ginagawa niya dahil nakatalikod siya at papalayo sa gawi ko.
Hmmm... Patay 'yung ilaw,siguro may nagpatay nito kanina. Dahil nga patay 'yung ilaw ay kitang-kita ang pink na liwanag na nanggagaling sa isang maliit na treasure box,'yung baul na parang sa mga pirata kaso hindi gawa sa kahoy ayon sa nakita ko nang tumagilid siya papunta sa kwarto ni Loren dahil parang may hinahanap na Ewan...
'Yung treasure box ay parang gawa sa ginto at hindi lang 'yun! Ang ganda pa ng pagkaka-design... Pero sigurado ako na hindi niya ninakaw sa'min yun kasi alam ko lahat ng gamit namin eh.
Ngayon,papunta na siya sa hagdan,pero ano kaya yung laman nun? At ano kaya ginagawa niya dito? Sino kaya siya? Kung hindi siya magna-nakaw,ano kailangan niya rito? Aish! Pero familiar siya sa'kin eh pakiramdam ko nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan at kailan...
Natigil ang pag-iisip ko sa mga tanong na gumugulo sa utak ko bang mapansin Kong bigla na lamang siyang lumingon sa gawi ko at ngumiti na para bang kilalang-kilala niya ako...
Kasunod no'n ay ang biglang pag-litaw ng liwanag,hindi ko alam kung anong nangyari... Kung paanong bigla na lamang nag-liwanag sa harapan ng isang matandang lalaki. Basta bigla na lamang akong napapikit at pagdilat ko...
WALA NA SIYA...
Pero isa lang ang nasisiguro ko at sigurado ako...
NAKITA KO NA SIYA AT NAKASAMA...
Pero hindi ko alam kung kailan at saan...
Isinara ko na 'yung pinto at humarap sa kanila na tila ba hindi pa rin makapaniwala...
"An'yare sa'yo?" Tanong ni Loren.
"Eh kasi..." Sabi ko saka tumabi sa kanila at kinuwento ang lahat ng nakita ko...
Mukha nila--- O_O O_O O_O
Ako--- •_•
"Weh?" Sabi ni Loren
"Hala! Baka mezurashī creatures?" Patanong na sabi ni Lyly.
"Beh,alam mo 'yung feeling na seryoso kami,tapos ikaw... OK ka lang?" Tanong ni Jen Kay Ly.
"Hindi... Kasi nga may kapangyarihan siya sabi ni Ces" pagpupumilit ni Lyrene.
"Beh! Walang sinabi si Ces na may kapangyarihan 'yung matanda!" Sagot naman ni Jennica.
Kaming dalawa ni Loren? Wala... Nakikinig lang... Kasi ganito naman talaga kami eh... Sanay na... PSH...
"Hindi... Ano---" naputol ang sasabihin ni Lyrene nang magsabi si Jennica ng "Wala, wala sabi mo eh..." Kaya nag-pout lang si Lyrene habang nakakunot ang noo na nakatingin kay Jennica.
"'Di sige na,tuloy mo na" sabi ni Jennica habang nakangiti.
"Eh kasi nga,sabi ni Ces,pagdilay niya daw wala na yung matanda... Diba? So ibig sabihin may pag-asang mezurashī creatures siya..." Pagtutuloy ni Lyrene sa sinabi niya.
"Beh,pwede namang tao ahh? 'Yung napasahan lang ng kapangyarihan..." Sabi ni Jen.
"Hala! Eh bakit pa siya nabubuhay? Eh diba nga napakatagal na ng panahong 'yun? So ibig sabihin extinct na sila..." Sagot naman ni Lyrene.
"Hindi ahhh... Malay mo immortal pala sila..." Sagot din ni Jen.
"Hala! Kung immortal sila oh edi sana lahat ng tao may kapangyarihan kasi kung immortal sila oh edi madami silang magiging anak kasi marami din silang magiging asawa na mortal eh... At ang lahat ng anak nila ay may kapangyarihan kasi sila ang first generation eh kaya may pag-asang kagaya nila ang second generation at baka nga maski tayo eh may kapangayarihan dahil sa sobrang tagal ng panahon na anak lang sila ng anak... PSH!" Paliwanag ni Lyrene.
"Oh edi wow" sabi ni Jennica.
"Guys... Stop that nonsense talking na okay? Because you know... There's no really proofs or evidences that will assure us that mezurashī creatures really exist. Ni hindi nga nila kayang ibigay 'yung pangalan na nagsasabing may mezurashī creatures at ranging unknown lang ang nakalagay. At hindi rin natin alam kung anong characteristics ba ang meron sa mga mezurashī creatures" pagsabat ko kasi mukhang nagkakapersonalan na 'yung dalawa eh.
"Eh Ces,ano bang itsura nila?" Tanong ni Loren.
"Oo nga! Gusto ko din malaman" pagsang-ayon ni Ly. Si Jennica naman ay tumingin lang sakin na parang nagtatanong din.
"Eh mga beh... Hindi ko rin alam eh... Kasi 'yung sa article hindi rin sigurado eh..." Sagot ko kasi 'yun naman ang totoo eh.
"Ano ba 'yan!" Sabi ni Jennica sabay pout.
"Ayy,alam ko na! Magre-research na lang ako about sa kanila bukas" sabi ko sabay ngiti.
"Sige ahhh... Sabi mo 'yan..." Sabi ni Lor.
"Oo nga! Bawal talk sh*t" sabi ni Ly.
"Kaya nga tapos sabihin sa'min agad" sabi naman ni Jennica at tumango lang ako bilang pagsagot.
"Pero guys... Sino kaya 'yung matandang 'yun...?" Sabi ni Loren nang maalala ulit 'yung kinuwento ko.
"Oo nga,tapos diba sabi mo bigla siyang lumingon at ngumiti sa'yo?" Tumango lang ako kay Lyrene.
"Oh edi ibig sabihin kanina niya pa talaga alam na may nagma-masid sa kaniya..." Hula ni Lyrene.
"Ay,oo nga!" Pagsang-ayon ni Jen.
"PSH... Hayaan niyo na nga lang 'yun... Kasi wala naman siyang ginawang masama eh... Pero ano kayang kailangan niya noh?" Tanong ko rin.
"Oo nga eh... Tara tulog na nga lang tayo,inaantok na talaga ako eh..." Sabi ni Loren at humiga na kami.
Hindi ko na lang sila pinaalis kasi natatakot na rin naman ako dahil sa nangyari eh.
Pero ba't gano'n...?
Parang may nakalimutan ako...?
Hmmm...
Humiga na lang ako...
Pero paghiga ko...
May bigla na lang akong naalala...
"Si Thyron..."
YOU ARE READING
Our Fate
Fantasy4 girls are living in their normal teenage life... But suddenly POOF! Sa isang iglap after ng mga flash ng liwanag ang normal life na sana ay meron sila ay naglaho... At sa isang iglap ang TADHANA nila ay muling naisulat... Mapagta-tagumpayan na nga...