CHAPTER 7

5 2 0
                                    

       CHAPTER 7 : ENCOUNTER

Jennica's POV

"G-guys" sabi ko nung makita ko sina Ly at Ces nang buksan ko yung pinto. Pagkatapos nun ay bigla na lamang akong natumba. Pero bago ako mawalan ng Malay ay narinig ko pang sinigaw nila yung pangalan ko. At bigla na lamang nagdilim ang lahat...

•••

Paggising ko bumungad agad sa'kin ang kisameng kulay pink na may stars pa at umiilaw.

So nasa kwarto ko ako pero para makasiguro...

*Lingon Lingon Lingon*

Clear! Nasa kwarto nga ako! Pero parang may nakita ako sa may pintuan...

So tingin sa harap. Mayron nga! Yung tatlo! Pero ba't may kausap yung tatlo na yun na doctor? Atsaka ba't ganun? Hindi ko sila...

Marinig?

Maya-maya pa ay lumabas na yung doctor. Nagkatinginan yung tatlo tapos ay bigla silang napatingin sa gawi ko at nagkatinginan ulit silang tatlo. Siguro ay dahil napansin nilang gising na ako.

Lumalit agad sila sa'kin sabay sigaw ni Lyrene ng "JENNICA!!" Na parang naluluha na kaya sinubukan kong bumangon pero ang sakit eh! Alam mo yung parang may sugat at pasa sa likod... Yun yon eh. Pero sa'n kaya 'to galing?

"Guys... Anong nangyari?" Pagkatanong ko nun ay napansin kong mananampal si Ces kaya pumikit na lang ako pero isang pitik lang na mahina ang tanging naramdaman ko na dumampi sa noo ko kaya napadilat ako.

"Pasalamat ka't may sugat ka sa kanang pisngi mo kung wala 'yan sasampalin talaga kita!" Sigaw niya pero grabe no? Nakakaiyak talaga yung concern niya. -____- Tsk.

"Hoy! 'Wag kang magpout diyan! 'Di bagay! Tsaka seryoso ako. Kasi sino ba namang matinong babae ang bibili sa SM ng gano'ng oras? Pakisabi nga! At isa pa! Wala namang po kasing nagbubukas ng SM ng gano'ng oras ahh! Tsk. Alam mo namang maraming nagaganap na patayan hindi ba?! Tapos tatanungin mo sa'min kung anong nangyari... FUDGE! Tanga ka ba?! Kutos you want?." Dugtong pa niya.

"Oo nga!" Pagsang-ayon ni Ly.

"Kaya nga! Pero ano bang nangyari at nagkaroon Ka ng mga sugat na ganyan at yung iba mo pang buto ay muntik pang masira?!" Tanong naman ni Loren.

Pero pansin ko lang... Kanina pa nila ako siniaigawan ahh! Problema ng mga 'to?

"Guys. Iku-kwento ko naman okay? Hindi niyo naman na kailangan sumigaw"

"Anong hindi? Eh bingi ka na nga eh! Sabi yun nung doctor kaya pa'no mo naman kami maririnig aber?" Sagot ni Lyly sabay cross arms at nakakunot pa ang noo.

Galing no? Parang kanina lang maluha-luha na siya tapos ngayon... Tsk.tsk.tsk.tsk. At napangiti na lamang ako.

"O anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Abnormal Ka ba?! O baka naman hindi lang tainga mo yung napuruhan kundi pati utak mo?!" Sabi ni Ces.

"Oo nga! Haha XD" pagsang-ayon ni Loren. Si Lyly naman ay tumawa lang at nag apir pa silang tatlo.

Nakaka-grabe na talaga 'tong mga 'to haaysst. Ang harsh! Pero wait... 'Di pa naman ako bingi ahh!

"Huy! Guys! 'Di kaya ako bingi... Kasi kung bingi ako edi hindi ko na kayo maririnig. Naku-naku mga abno."

"Tsk. Bakit wala naman kaming sinabing bingi Ka ahh. Hindi lang nagpa-function ng maayos yung right ear mo kaya hindi Ka masyadong makarinig." Sagot ni Ces.

"Luh?! Sabi nga ni Lyrene!"

"Si Lyrene yun! Hindi kami!" Sagot naman ni Lor.

"Hmp! Magkwento Ka na nga lang!" Sagot ni Lyly atsaka nagpout.

Our FateWhere stories live. Discover now