CHAPTER 8

9 2 0
                                    

         CHAPTER 8 : SAVIOUR

Jennica's POV

Nagising ako ng maramdaman ko na parang lumulutang ako't gumagalaw. Ngunit ng idilat ko yung mga mata ko ay agad akong napapikit dahil sa liwanag ng araw.

"Gising ka na pala... Mabuti naman kasi ang bigat mo."

Ayy buset! Mabigat daw?

"Nandito na tayo."

At naramdaman ko na lang na nasa sahig na ako nakahiga.

"Nakita na kitang nagdilat kaya there's no point so bumangon Ka na diyan. Mag-iingat Ka na lang sa susunod. Paalam." Pagkasabi niya nun ay bigla akong napabangon at lumingon sa gawi niya kaso wala na siya.

Hanubanamanyan... Sayang hindi ko nakita yung itsura niya o naitanong man lang pangalang niya ang gwapo pa naman ng boses kaya lang kasi... Sinabihan pa rin niya ako ng mabigat eh... Nakakabwiset talaga siya eh! Pero gwapo kaya siya?

Pagkatapos ay pinilit ko na lang tumayo at naglakad papasok ng bahay kaya lang nahihilo talaga ako eh nakakainis!

-End Of Flashback-

"Eh? Seryoso? Beh naman! Yung totoo na kasi! Hindi kami nakikipagbiruan!" -sagot ni Ces.

"Ba't seryoso din naman ako ahh!"

"Eh beh... Parang imposible naman kasi talaga 'yang sinasabi mo eh. Ano sila? May kapangyarihan tulad ng Mezurashī Creatures at kasing bilis nila si Flash?! Diba guys?" Sagot naman niya sabay tingin dun sa dalawa.

"Ay oo nga!" Pagsang-ayon ni Lyly.

"Kaya nga beh... Ano ba kasi talaga nangyari?" Sabi naman ni Lor.

"Eh beh... Seryoso nga kasi ako! Gusto niyo tignan pa nation aa CCTV ano?"

Haaysst. Kaka-stress naman 'tong mga 'to ayaw pa maniwala 'yan tuloy parang sumasakit ulo ko.

*Tumingin sa isa't isa yung tatlo*

"Okay fine. Mamaya na lang natin titignan. Basta sa ngayon, pahinga Ka muna at kami naman magbibihis na kasi male-late na kami. Ako ng bahala sa excuse letter kasi pinagawa ko naman na sa doctor eh kaya ewan ko na lang kung 'di pa sila maniwala." Sagot ni Ces.

"Ahh sige sige. Ingat kayo!"

"Tara na Ly?" Tanong ni Ces kay Lyrene.

"Sige tara na!" ^______^ sagot naman niya.

"Uyy! Wait lang! Ano iiwan niyo 'ko?" Sabat naman ni Lor.

*Nagkatinginan yung dalawa*

*Biglang tawa*

Eh? Ano kayang problema ng dalawang 'to at balak pang iwan si Loren? Hmmm...

"Huh? Papasok Ka pa pala? Akala kasi namin hindi na eh. Hihihihi" ^__________^

"Pffft. Hehehehe. Oo nga!" ^________^  pagsang-ayon naman ni Lyly.

"Luh? Bakit naman?"

"Siyempre nandito bf mo. Aba! Malay namin kung makikipag-date Ka sa kaniya ng buong araw! Hehe!" ^_______^

"Kaya nga!" ^________^

"Pffft. Ay naku guys! Ang kukulit niyo talaga! Alis na nga kayo! 'Di ako makatulog eh."

"Oo na nga 'eto na nga eh diba?" Sabi ni Ces.

"Oo nga! Masyado kang atat eh!" Pagsang-ayon ni Lyly sabay pout.

"Kaya nga..." Sabi naman ni Lor.

"Isara niyo pintuan ahh!" Sigaw ko nung palabas na sila ng kwarto ko.

"Oo na!" Sagot nilang tatlo.

*Bam*

Haysst. Kukulit talaga nila pero sino kaya yung lalaking nagligtas sa'kin? Hmm...

Aish! Makatulog na nga lang. Saktong pagpikit ko ng mata...

*Krrrrr*

Bigla akong napabangon dahil sa tunog ng tiyan ko.

"Shet. Nagugutom na 'ko! Ano ba naman 'yan."

Pinilit ko na lamg tumayo kahit na masakit pa yung katawan ko dahil sa pinsala. Nang buksan ko na yung pinto...

*Whoosh*

Salubong ng malakas na hangin sa'kin. Pero ba't may malakas na hanging? Pati buhok ko lumipad. O walang pakpak ang buhok ko okay? Hinangin lang talaga.

Pero ba't gano'n? Parang nasa ibang lugar na ako kahit na ito pa rin naman yung bahay namin kasi iba talaga yung atmosphere eh. I mean yung ambiance iba eh parang 'di ko feel na dito kami nakatira. At isa pa! Parang dumilim? Nakabukas naman yung ilaw pero ba't gano'n? Hmm... Baka gutom lang 'to. Makababa na nga lang.

Eh? Ba't ang dilim? Yung totoo? Anong trip nila?... Haysst. Mabuksan na nga lang yung ilaw mga abnormal talaga.

Pero nung pipindutin ko na...

"'Wag mong bubuksan..." Bulong ng isang lalaki na naging sanhi ng pagtaas ng mga balahibo ko.

Shit! Nagsitaasan balahibo ko dun ahh! Sino ba kasi 'tong lalaki sa likuran ko?

Pero in fairness... Gwapo ng boses ahh. At ang bango pa niya! Pero parang pamilyar siya! Shet makapagtanong na nga lang.

"Sino ka?" Sabay baba ko ng kamay ko kasi nakakangawit eh.

"Basta magtiwala ka lang sa'kin hindi kita pababayaan. Ipikit mo lang mga mata mo at akong bahala sa'yo."

"Ayy shet. Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi nga kita kilala eh!" Napalakas kong sabi sabay harap sa kaniya.

Kasi diba hindi ko siya kilala tapos sasabihin niya magtiwala? Aba! Putspa siya!

"Humans..."

At bigla na lamang may nag-flash na green light kaya nakita ko yung mukha ng lalaking kausap ko at nagkatitigan pa kami ng saglit kaya lang may nakaharang na tela bad trip! Tapos ay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at ng ilaw.

Paglingon ko nakita ko ang isang nilalang na ang itsura ay may tatlong parang triangle sa tuktok ng ulo niya, ang mga mata niya ay bilog at sa gitna ng mata niya ay kulay green na naglalabas ng green na ilaw, wala siyang ngipin o pangil o kung ano pa man basta kulay itim lang ang nakikita ko sa loob ng bibig niya, may mahabang kuko na apat sa magkabilaang kamay at paa, dinosaur ang anyo niya ngunit hindi mahaba ang nguso niya na parang sa dinosaur talaga, kagaya ng dinosaur may buntot din siya at kulay itim ang buong katawan niya maliban lang sa mga kuko niya na kulay gray at sa mata niya na kulay green.

Yung totoo? Ba't may naka-costume dito? Kasi alam mo yung parang sa mga anime? Parang ganun siya na ginawang for real lang eh.

"Shit." Rinig kong bulong nung lalaking nasa harapan ko kaya naparingin ako sa kaniya at dun ko lang napansin na ang lapit pala namin sa isa't isa pero hindi ko na lamang yun pinansin dahil bigla na lamang akong siniklaban ng kaba.

"Bakit?" Tanong ko ngunit hindi na siya sumagot dahil sa isang iglap ay napunta sa harapan ko yung nilalang at ito ay napatay niya at bigla na lamang itong naging abo at naglaho gamit ang saber na hawak niya na naging sanhi ng labis na pagliwanag na kulay dilaw na parang isang sinag ng araw kaya napapikit ako.

Ngunit ng makarinig ako ng mga ingay ay napadilat ako. At sa pagdilat ko ay siya ring pagtalsik ng mga dugo galing sa iba't ibang katawan ng mga nilalang at sabay-sabay din silang naging abo at naglaho pati na ang liwanag

Ngunit bago pa man maglaho ang liwanag ay nakita ko siyang nakatayo paharap sa'kin sa 'di kalayuan na nakataas pa ang kamay hawak ang matalim na saber na may tumutulo pang dugo mula sa talim nito. Nakatingin siya deretso sa mga mata ko at tanggal ang telang nakaharang sa mukha niya na kanina'y suot niya.

At bigla na lamang naglaho ang liwanag...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our FateWhere stories live. Discover now