CHAPTER ONE

93 3 5
                                    

**************************************

A/N: Hello readers ng wattpad. Nagpapasalamat ako at binuksan niyo itong story na ito. Una sa lahat, baguhan lang po ako, kaya kung napapangitan kayo sa story ko might as well itigil niyo na pagbabasa niyo. For sure marami akong wrong grammars at maling spelling. 

Inspired by: Peach Girl - kaya may scenes dito na tulad sa peach girl. Hehehe! Enjoy nalang po sana. Salamat! ^____^

**************************************

CHAPTER ONE

“Tumabi tayo baka awayin tayo..”

“Ang angas naman nung babaeng yun..”

“Kita mo siya manamit? Ang weird, gawain ba yan ng mga taga Aiano?”

Aish. Bat ba yan ang laging naririnig ko?

Maangas ba ko? Sabi ng mama ko ako daw ang pinaka sweet na tao sa mundo bukod daw sa papa kong namayapa na. Di naman ako pala away na tao para katakutan nila. Ganito lang siguro itsura ko, paano ang itim itim ko, tingin nila sa maiitim ay pala away na? Ganun ba yun? Oo siguro tama sila weird ako manamit, paanu may school jogging pants tapos naka palda pa ko 2 inches above knee. Eh sa ayoko kasi ng maiikling palda. T^T

“Ay sorry!” – sabi nung babaeng nabangga ako. Di niya ko siguro nakita, natapon tuloy un dala dala niyang tubig sa blouse ko. Nanlaki yung mata niya nung nakita na niya mukha ko. “Aaah! Eh. Sorry po talaga ate, ito pera, mag pa dry clean ka nalang!” sabay takbo niya.

See? Makita lang nila ako natatakot na sila. Kaya nga wala akong gaanung kaibigan. Maari may mga kumakausap naman sakin, pero ramdam ko parin sakanila na naiilang sakin. Hay, pero okay narin to, may 100pesos akong pera tuloy. May dala naman akong t-shirt yun nalang muna susuotin ko.

Oo nga pala, ako si Denise Lopez. 19yrs old, Nagtatake ng HRM sa Aiano University, isa sa mga kilalang university. Dito ako pinag aral ng Mama ko at Papa ko simula nung kinder. Kaso medyo naghihirap na kami dahil nga namatay si papa nung highschool palang ako. Napag aaral pa ko ng mama ko dahil sa businesss ni papa naiwan niya samin.

Alam niyo naman siguro maitim ako. Yun lang kaya kong describe sa sarili ko. Di naman ako maitim talaga, nung highschool palang kase ako, mahilig akong mag swimming. Kasali ako lagi sa swimming contest ng skwelahan namin. Lage akong 1st place pagdating sa pagswimming. Kaya umitim ako ng ganito.

Natigil nga lang ako sa paglalangoy nung 4th year na ko.

--FLASHBACK--

“Denise, may sasabihin ako sayo.”

“Anu yun Larah?” - sabi ko.

“Di ba may gusto ka kay Tommy?” – Aish. Paano niya nalaman? @__@

“Haa? Wala kaya!” Deny ko.

“Wag ka na mag deny. Alam kong may gusto ka sakanya, iba kase yung pag titig mo sakanya.”

“Ganun ba Larah. Galing mo naman. Oo may gusto nga ko sakanya. Simula palang kase nung Elementary kaklase ko na siya. Kalaro ko lagi. Kaya siguro di ko nalang namamalayan na nagkagusto na ko sakanya. Teka, bat mo nga pala naitanong?”

“Ah eh kasi may narinig ako balita tungkol sakanya.” – sabi niya habang palapit sakin na parang ibubulong niya. Anu kaya yung balitang yun?

“Anu un?” – lumapit na rin ako.

“Kilala mo si Madelle? Diba maitim un? Nag confess kay Tommy lastweek yun, nireject siya. Ang balita dahil daw sa maitim siya. Ayaw daw ni Tommy ng maitim.”

Black Beautiful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon