CHAPTER FOUR

20 3 2
                                    

CHAPTER FOUR

DENISE POV

Niyakap ako ni yabang. Di ko siya magawang matulak, niyakap ko na rin siya.

"Ang sakit sakit," *sniff* "bakit kailangan pang mangyari ito?" *sniff* "Saan ba ko nagkulang?"

"Wala kang pagkukulang, siya lang siguro di nakuntento." Niyakap ko siya ng mahigpit "Iiyak mo lang yan Denise, ilabas mo lahat ng yan."

Basang basa na ang damit ni yabang dahil sa mga luha ko pero wala siyang pakialam. Biglang gumaan pakiramdam ko sakanya sa totoo lang.

Nung medyo mahinahon na ko, inalis niya pagkakakayakap namin. Kinuha niya yung panyo niya at pinunas sa mga mata ko. Inayos niya buhok ko at tumingin sakin.

"Denise.." bulong niya, "bakit ayaw mo iwan nalang si Tommy at sakin ka nalang?"

"Anu ba nagustuhan mo sakin? Marami naman nagkaka gusto sayo."

"Naiiba ka kasi sa mga babae kilala ko. At di mo ba talaga matandaan yung halik natin dati?"

"Anu bang halik ang pinagsasabi mo?"

Huminga siya ng malalim. Seryoso mukha niya.

"Di mo ba natatandaan, tatlong taon na lumipas, may isang lalaking nalunod dati sa beach. Ikaw ang naglitas sakin noon. Nakuhanan ka ng picture ni Lee kaya alam kong ikaw talaga yun. Wala akong malay nung niligtas mo ko at nag perform ka ng CPR nung mga oras na yun."

"Hahahahahahahahaahahahaha!!" Di ko maiwasan matawa. Anu ba yan, iyak ako ng iyak kanina, ngayon ang lakas ng tawa ko. Mukha akong abno.

"Anu nakakatawa Denise?" pagtataka niya.

"Eh kasi naman po Mr. Aiano, Oo, Niligtas ko ang isang lalaking di marunung lumangoy 3years ago pero hindi ako nag CPR sayo! Hahahaha!"

"Hah? Anu bang pinagsasabi mo? Kinuhanan ka ni Lee ng picture kaya di ako pwedeng magkamali. Naramdaman ko pa nung yung basa mong buhok sa mukha ko nung nag perform ka ng CPR."

"HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga Aiano, hindi nga ako sabi yun! Yung life guard yung nag CPR sayo! Hahahaha! Mahaba din yung buhok nung life guard! Never ako nag CPR kase delikado gawin yun pag ayun sa mga wala pang alam."

Alam niyo itsura ni yabang? Ganito: O_________O

Gulat na gulat. Hahahaha. EPIC!

"Ayoko maniwala sayo! Pinagloloko mo lang ako!" Ayaw parin maniwala ni yabang. Hahaha.

"Edi itanong mo sa bestfriend mo, diba andun din siya nung mga panahon na yun? Tanung mo sakanya. Hahaha!"

"Tsk. Tara na nga, uwi na tayo. Buti naman pala, Okay kana."

"Wag mo na paalala. I'm sure may dahilan si Tommy. Di naman siya ganung klaseng tao."

"Hanggang ngayon pinagtatanggol mo parin siya. Basta Denise, andito lang ako sa tabi mo."

Pinisil niya pisngi ko sabay pagbukas ng passenger seat. Ang gentleman niya huh. Hindi naman kami nagusap sa kotse at naihatid na niya ko sa bahay.

KINABUKASAN

Nakita ko si Tommy sa gate kausap si Larah. Bigla akong nainis kay Larah. Syempre diba, tinuring ko narin siyang kaibigan pero anu tatraydorin niya ko?

"Tommy, mamaya uli ha?" dinig ko sabi ni Larah.

"Sure, salamat ha." Ngiti ni Tommy. T____________T

At pumasok na si Larah. Napatingin sakin si Tommy at kumaway. Sasabihin ko ba sakanya yung nakita ko? Parang hindi ako handa sa mga sasabihin niya. Oo sige mananahimik nalang ako! Martyr Denise!!

Black Beautiful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon