CHAPTER THREE

18 1 1
                                    

CHAPTER THREE

KINABUKASAN

"Tignan mo, di ba yun ung Denise?"

"Oo siya nga, pero bakit kaholding hands niya si Tommy?!!"

"Ang landi naman ng babae na yan, hot na nga ni Tommy tapos gusto pa siya ni Mark?"

"Sinabi mo pa, if I know ginayuma niya yang dalawa na yan. Ang panget panget niya bat naman magkakagusto sakanya."

"Wag kayo maingay, baka may makarinig sa atin at isumbong tayo kay Mark."

"Pasalamat talaga siya.."

Hawak ni Tommy ang kamay ko habang naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan at pinag uusapan kami ng mga tao. Iilan yan sa mga narinig ko. Di ko maiwasan maging malungkot, pati si Tommy pinag uusapan narin ng dahil sa akin.

"Wag ka mag alala Denise, Nandito lang ako para sayo, di kita hahayaan apihin nila."

"Hindi yun ang inaalala ko." Tumigil ako sa paglalakad at binitawan ang kamay niya "Nahihiya ako sayo. Nang dahil sakin pinag uusapan ka na rin ng mga tao. Tahimik mong buhay nagging magulo ng dahil sakin."

"Denise, wala akong paki alam sa sinasabi ng ibang tao. Ang mahalaga kasama kita, tayo ng dalawa." Bigla niya uli hinawakan mga kamay ko, and this time ang higpit na niya.

"Masaya ako nandito ka sa tabi ko, Tommy. Pero pwede bang ilihim muna natin ito? Alam mo naman may chismis na kumakalat pa tungkol samin ni Aiano. Magpapalamig muna ako. Di ako sanay ng pinaguusapan."

"Ganun ba, sige kung yun nga gusto mo muna mangyari. Kaya kong maghintay para pagsigawan na mahal kita."

=======================================

LARAH'S POV

Pumasok na si Mrs. De Guzman, mukhang kinakabahan, anu meron sa matandang yun?

"Okay class, Please welcome your new classmate starting for today, Mark Aiano!"

Pumasok siya sa room. What the hell?! Anu ginagawa niya dito?!

"Starting today, Mr. Aiano is your classmate, nag change course siya."

"Hello! Alam niyo na pangalan ko, isa lang motibo ko kaya nagpalit ako ng kurso." Tumingin siya kay Denise "At yung ang mapalapit kay Denise Lopez." Sabay kindat kay panget. Eww!

"Ayieeeeeeeeh.." pesteng mga kaklase, kinilig pang mga to.

"Mrs. De Guzman, may request pa sana ako sainyo." - sabi ni Mark.

"Sure, ano po un sir?" - SIR?!!! TALAGA?!! SIR?!! TEACHER KA TAPOS TATAWAGIN MO UN STUDYANTE MO SIR?!! SERIOUSLY?!!!

"Gusto ko makatabi si Ms. Lopez, pwede po ba, pretty please?" - Puppy eyes effect. At mukhang umeepekto nga.

"Sure, sige." Sabay tingin kay Denise, "Ah Mr. Gonzales, pwede bang lumipat ka nalang sa tabi ni Ms. Mendoza, bakante naman ang upuan katabi niya. Dun ka nalang umupo."

Biruin niyo yun may maganda din palang maidudulot itong si Mark. Nakatabi ko pa si Tommy.

Kilalang good boy si Tommy, kaya sumunod nalang siya. Bakas sa mukha niya ang pagka inis. Pero di ko nalang papansinin, Masaya akong katabi ko si Tommy!

Palapit na si Mark sa lugar naming nila Denise, tinabihan na niya ito at tinitigan na ng matagal. Mukhang tanga yung lalakeng yun, tinamaan talaga siya sa panget na yun?!!

"Anu ba ginagawa mo hah Aiano?" bulong ni panget. Oo nadinig ko parin, malakas kaya pandinig ko.

"Sabi ko naman sayo di ba, kukuhanin kita kay GONZALES na yan." Nilaksan niya talaga yung apelyido ni Tommy.

"Tigilan mo na nga ko, may boyfriend na nga ko di ba? Yung boyfriend ko na pinalipat mo."

"Tsk. Denise, minsan lang ako mainlab, sasayangin mo ba itong rare opportunity na ito?"

Di na siya kinausap pa ni Denise.

Nandito na ko sa bahay, iniisip mabuti ang aking plano. Hawak ko ang cellphone ko, dinial ko number niya.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Anu yun Larah?"

"Pwede ba tayo magkita ngayon? May sasabihin sana ako."

=======================================

DENISE POV

Dalawang linggo na simula nung naging kami ni Tommy at lumipat sa klase si Aiano. Hindi parin ako tinitigilan ni Aiano. Nung biyernes binantaan niya yung kapartner ko sa project namin na kung hindi daw papayag makipag palit un partner ko sakanya gagawin daw niyang maging miserable ang school life ng kapartner ko. Kaya no choice kundi pumayag na at naging partner ko si yabang. Tutol man si Tommy pero wala siyang magagawa, makapang yarihan talaga si Aiano. Buti nga di siya binabantaan ni Aiano na makipag hiwalay sakin kundi gagawin ni Aiano maging miserable buhay niya. Buti nalang talaga.

Nasa grocery kami ngayon ni Aiano, namimili ng mga ingredients para sa lulutuin namin para sa bukas.

"So kailangan natin bilin yung nasa listahan?" - sabi niya.

"Oo. Tara na para matapos na to. Ayokong makasama ka no."

"Choosy naman, wala naman dito si Tommy kaya wag ka na mag inarte. Aminin mo na kase na gusto mo ko."

"Anung inarte ha, fyi ha, wala nga kong gusto sayo. Araw araw ko sinasabi sayo yan."

"Whatever Darling. After natin mag grocery, lets watch a movie. I'll treat you dinner narin. ^___^"

"Nasusuka ako."

"I love you."

"I hate you more."

"Sweet mo talaga Denise. Kaya ako naiinlab lalu sayo."

Hindi ko na siya pinansin pa. Hanggang sa nabili na namin mga kailangan bilin. Papunta na kaming parking lot ng may nakita akong pamilyar sa paningin ko. Nakatalikod silang dalawa pero alam ko sila talaga yun. Hindi ako maaring magkamali. Pero bakit magkasama sila? Worst, magka holding hands sila?

=======================================

MARK POV

Papunta na sana kami ng parking lot ng matigil si Denise sa paglalakad. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at nagulat rin ako sa nakita ko.

Si Tommy at Larah. Magkasama. Magka holding hands.

Pinag buksan ng pintuan ni Tommy si Larah para papasukin sa kotse niya. Isasara na dapat niya yung pinto nang hinalikan siya ni Larah.

Agad kong nilapitan si Denise na nakatulala sakanila at tinakpan ang mga mata niya. Ramdam ko sa mga palad ko ang mga luha niya.

Pinaandar na ni Tommy yung kotse niya at paalis na. Pero bakit parang nakatingin samin si Larah? Alam kaya niya na nanunuod si Denise kaya niya ginawa yun? Pero ang gusto ko malaman bakit sila magkasama ni Tommy. Mahal niya si Denise diba? Tang*na.

Niyakap ko si Denise, iyak na siya ng iyak. Di niya ko tinulak. Niyakap rin niya ko. Sa ngayon, alam kong kailangan ng kalinga ni Denise, andito ako para sakanya.

"Ang sakit sakit," *sniff* "bakit kailangan pang mangyari ito?" *sniff* "Saan ba ko nagkulang?"

"Wala kang pagkukulang, siya lang siguro di nakuntento." Niyakap niya ko ng mahigpit "Iiyak mo lang yan Denise, ilabas mo lahat ng yan."

Humanda ka sakin bukas Tommy Gonzales.

Itutuloy...

***************************

AN: Panget ba? Huhuhu. Iiklian ko nalang yung story.

Black Beautiful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon