CHAPTER TWO

31 3 2
                                    

CHAPTER TWO

DENISE LOPEZ HRM STUDENT IS DATING MARK AIANO.

Anu ito?! Ako? Kadate.. ko.. yung.. Aiano..? @__________@

AIANO? @_____@

A-I-A-N-O? @_________________@

Tumakbo agad ako papuntang classroom. Ayoko pagtiningan ng mga tao, simula kase nung sinigaw nung babae yung pangalan ko, pinagtinginan na ko ng mga nasa paligid ko.

Nag bell na, Naku darating na mga kaklase ko, Nakita narin kaya nila yun? Malamang. Kalat na kalat na siguro yun sa school. Sinu ba kasi ang nagpost nun! Baka nakita lang niya kaming nagusap nung Aiano na yun kahapon at binigyan agad ng meaning! Anu kaya gagawin sakin nung Aiano na yun. Ayoko mapaalis sa school na ito. Pangarap kasi ni papa makatapos ako dito tulad niya.

“um. Hi Tommy.”

Pero di ako pinansin ni Tommy. Naku! Ito na nga ba eh, kahit papano close friends kami nito, tatampo siguro baka di ko siya kinikwentuhan. Eh sa wala naman talaga akong ikekwento sakanya tungkol kay Aiano! >______< !!

“Denise, nagdedate ba kayo ni Mark?” – Biglang tanung ni Larah nasa likod ko.

“Hindi ah! Ako?  Ang panget panget ko. Di ako yung tipo ng taong idedate nung Aiano na yun.”

“Loko pala yung nag post na yun. Baka nag post sila kase gusto ka nila ibully? Alam mo na, maraming taga hanga si Mark, pag nalaman nila di pala yun totoo baka sumugod ung fan girls nun.”

Oo nga nu! Nakuu! Yan pa yang isa na yan. Lagot ako sa mga fan girls niya! Huhuhu! Malas ko naman! Kaya nga ayoko ng mag aral! >__<

“Tommy,  anu masasabi mo? Di naman pala nagdedate yung dalawa eh.”

“…………..” – Tahimik lang si Tommy.  >___<

“Denise, Galit si Tommy oh. Pinalitan mo daw siya.” – sabi ni Larah.

“Larah, di ako galit. Wala lang ako sa mood.” – Finally nagsalita na rin siya! Tapos napatingin sakin si Tommy. “Denise, pwede bang makausap ka mamayang uwian?” sabay ngiti niya sakin.

“Sure. Sige.” Waaaaaah. Anu ito. Kinikilig na naman ako!

“Ayieh. Magdedate sila ni Den!” – sabi ni Larah.

“Hindi, hinahanap kase siya ni Mama.” – Sabi ni Tommy.

“Whatever Tommy Gonzales.” – Larah.

Kada lipat naming ng room, pinag titinginan ako ng mga tao. Sabi ko na nga ba kalat na ito sa school. Buti nalang kasabay ko si Tommy ngayon at di ako sinusugod nung mga fan girls ni Aiano. 3rd period na nung may narinig kaming announcement. At alam mo kung sinu ung nagsasalita? Oo, Si Mark Aiano.

“Hello, Good morning fellow students and teacher. Salamat at pinagbigyan ako ng Student Council gumamit nito. Gusto ko lang ipagpaalam na wag na wag niyong gagalawin o aawayin si Denise Lopez. May marinig man akong masama chismis sakanya at iisa isahin ko ang mga nagkakalat ng chismis na yon.  Maliwanag? At Denise, pupunta ako sa classroom niyo. Antayin mo ko sa labas, kung wala ka ako mismo papasok sa classroom niyo para ipaalam ka kay Mrs. DeGuzman na liliban ka sa klase.”

Nag tinginan uli mga kaklase ko, pero imbis na dirty looks ang tingin nila, kinikilig pa sila. Anu ba to? Di ko alam anu nangyayare. Tumingin ako kay Tommy, sa iba siya nakatingin. Nagtampo ba siya? Sana hindi.

“Hindi pala nagdedate ah. Anu yan, ipapaalam ka pa ng boyfriend mo sa teacher natin para mag date kayo oh.” – Larah. Parang iba na yung boses niya.

Black Beautiful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon