Prologue

34 6 10
                                    



        Sa isang malayong probinsya na kung saan 'ay hindi gaano naabot ng mga signal o network site.

           Kasalukuyan na naglalakad pauwi nang bahay ang isang babaeng buntis. Bandang ala singko ng hapon, nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa daan. Ka-buwanan nang babae dahil sa namumukol na tyan nito. Bit-bit ang dalawang plastik na bag na naglalaman ng mga baru-baruan ng bata.

        "Ahhh.." Mahinang sambit nito at tumigil sandali, humawak naman s'ya sa maliit na puno na naubusan na ng mga dahon. Sandali na pumikit ito at hinimas-himas ang ibabaw ng tiyan nya.  Sa di kalayuan naman merong lalaki na nakasuot ng itim at palihim pala s'yang sinusundan.

        "Maaari ko bang hawakan sandali upang mawala ang sakit nang 'yong nararamdaman?" napaangat naman ang ulo nang babae dahil sa biglang may  nagsalita. Isang matangkad na lalaki na nakasuot na puro itim at may kapa ito, may suot din s'yang itim na sumbrero. Hindi mo gaano makita ang mukha nito dahil sa nakaharang ang suot na sumbrero nito.

       "B-bakit po? At sino po kayo?" Nagtataka na tanong nito habang kapit-kapit nito ang naninigas  na tiyan nito.

        "Huwag kang matakot wala akong masamang pakay, sa halip 'ay may dala ako'ng magandang kapalaran para sa iyong magiging anak." Nagugulahan ang bumalatay sa napapangiwi ang mukha nang babae dahil narin sa sakit na nararamdaman.

       "Huwag ka munang lalabas anak," dalangin nito sa isipan nya.

       Sa pagkurap ng kanyang mata nasa ibabaw na ng kanyang tiyan ang kamay nang lalaki, at may kung ano itong binubulong na wari mo'y nagdarasal nang tahimik. Nanlalaki naman ang mata ng babae dahil sa biglang lumiwanag banda sa ibabaw ng tiyan n'ya.

"Ano po ang inyong ginagawa?" Hinatatakot na tanong nito.

"Magtiwala ka lang." Sagot lang nito, hanggang sa unti-unti nang nawala ang liwanag at kapalit nito ang pagginhawa nang pakiramdam ng babae.

"Ano'ng liwanag 'yun? Anong ginawa mo sa aking sanggol? Isa kabang demonyo?" Sunod-sunod na tanong nito habang titig na titig sa maputing mukha nito at mapupulang mata.

"Twenty years simula ngayon sa pagsilang mo sa babae mong anak, siya'y itinakda na maging Reyna nang aming Haring Bampira." Tulala ang babae sa sinasabi ng lalaki na nasa harapan niya. "Tumingin ka sa aking mga mata, makakalimutan mo ang lahat ng narinig mo at nalaman. Kasabay nang pagkawala ko ngayon makakalimutan mo ang lahat-lahat." Napapikit ang babae at naglaho nalang bigla ang lalaki, sa pagmulat ng mata nang babae napakurap-kurap s'ya.

"Joy! Joy! Ano'ng nangyare!?" Humahangos na papalapit ang isang lalaki. Naguguluhan na napatingin naman ang babae dito, wari'y nakatulog pangsamantala kaya't hindi pa gaano gumagana ang kanyang isipan.

Nakalapit na ang lalaki sa harap nito at saka lang ito natauhan.

         "Joaquin! Joaquin!" Biglang bulalas nito at bigla nalang nyang sinunggaban ng yakap itong lalaki sa hindi malaman na dahilan.

        "Bakit? May masakit ba sayo? Sana kasi sinama mo na ako kanina." Puno nang pag-alala na niyakap ito nang mahigpit. "Sumasakit ba ang tiyan mo?," tanong nitong muli pero nakayakap lamang ang babae at hindi sumasagot.

        "Ang anak natin Joaquin, malapit na syang lumabas." Masayang wika nito sa balikat ni Joaquin.

        "Oo, Joy at hindi na ako makapaghintay na masilayan ang ating anak." Masayang sagot din nito. "Tara na, tayo'y magmadali na dahil kumakalat na ang dilim sa kapaligiran," pansin nito sa papadilim na lugar.

       Magkasabay na naglakad ng dahan-dahan ang mag-asawa.

Kinabukasan nang madaling araw..



        "Ahh... Ahh... Joaquin! Ang sakit ng tiyan ko!" Namimilipit na sambit nito habang nakaupo sa higaan na papag na may sapin na banig, may kulambo rin ito upang panglaban sa mga lamok.

         Napabalikwas naman nang bangon si Joaquin at agad na dinaluhan ang asawa nya.

       "Halika na bubuhatin kita," mabilis na binuhat ang asawa at nilabas sa kanilang maliit na kwarto.

        Sa labas ng kanilang kubo hirap na hirap na naglalakad si Joaquinn patungo sa isang bahay na kalapit lang sa kanila.

         "Aling Marina! Aling Marina!" Sigaw nito sa pintuan.

         Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang may ka edaran na matandang babae. Sinino pa sila nito bago ito nag-salita.

        "Oh, Joaquin!" Salita nito nang makilala na sila.

         "Aling Marina! Manganganak na po si Joy," natatarantang salita ni Joaquin.

         "Sige, ipasok mo na s'ya sa loob at maiwan ka lang dito sa labas." Mabilis ang pagkilos at agad na ipinasok nito sa loob ng  bahay ang kanyang asawa.

          "Joaquin, dito ka lang sa tabi ko," naiiyak na bigkas ni Joy.

        "Hindi daw pwede Joy, nandito lang naman ako sa labas, huwag kang mag-alala." Hinalikan pa ito ni Joaquin sa noo ang asawa bago ito lumabas.

        Sa labas nang bahay hindi mapakali si Joaquin. Hindi niya malaman kung uupo siya o tatayo, dahil naririnig niya ang pag-sigaw at pag-iyak ni Joy.

Hanggang sa....

      Nakarinig na si Joaquin ng pag-iyak nang sanggol. Napangiti siya dahil sa wakas lumabas na ang kanilang anak. Napatingila naman siya sa langit habang nakangiti. Pero agad napalitan ng kaba nang umalulong sa di kalayuan ang mga asong ligaw siguro o ang mga lobo. Siguro nga mga lobo 'yun dahil nabalita noon na mayroong lobo na gumagala sa may kakahuyan dito sa aming lugar. Kung gaano katagal ang pag-iyak ng sanggol siyang itinagal din nang nakakakilabot na alulong.

       Pinagsawalang bahala nalang niya ito at pumasok siya sa loob. Bumungad agad sa kanya ang kanyang asawa at ang kanyang unang anak.

       "Joaquin, babae ang ating anak," nakangiting sambit nito sa asawa.

      Lumapit naman agad si Joaquin at hinalikan ang noo ng sanggol.

       "Kataka-taka naman, at nakakakilabot dahil sumabay sa pag-alulong ng mga lobo o mga asong ligaw sa pag-iyak nang inyong anak." Natigilan naman ang mag-asawa sa tinuran ng matandang kumadrona.

      "Ano po ang ibig ninyong sabihin,?" Nagtataka na tanong ni Joaquin.

       "Hindi ko alam pero ako'y biglang kinabahan kanina, sana'y nagkataon lamang na parang animo'y nagkatuwaan ang mga lobo o hindi nila gusto ang  paglabas ng inyong anak," parehong natigilan ang mag-asawa.








🌹🌹🌹🌹🌹🌹

AN: Pasensiya na kung hindi ganun kaganda. Baguhan palang ako at nagsasanay palang, marami pa kayong makikita na mga mali dito. Kaya pasensiya na at sana'y nag-enjoy kayo. 😊

Tayong Dalawa, Laban sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon