Chapter 1

16 6 11
                                    

AN: Paalala ko lang po, new writer lang ako at ang mga nilalagay ko dito 'ay aking kagustohan, wala po akong gaanong alam sa vampire. Pero yong mga basics about sa kanila 'ay alam ko naman. So kanya-kanyang trip lang to. Haha! So sana mag-enjoy kayo sa vampirr story na gusto ko. And sa mga spg na scene pasensya na. 😊


Nineteen years later.....

Elizabeth Pov

"Ma nasaan na po si papa?" Agad na tanong nang maratnan ko si mama sa loob ng munting bahay namin. Nakaupo s'ya habang nagkakape sa kahoy namin na lamesa na yari sa punong kahoy. Galing ako sa University dahil kaka-umpisa palang ng unang araw ko.

"Oh anak nariyan ka na pala." Sagot naman ni Mama nang makita ako, agad naman akong lumapit dito at nagmano sa kanya. "Nasa kakahuyan pa ang iyong ama, naghahanap sya nang mga tuyong sanga dahil naubusan na tayo ng mga panggatong dito. Sa bukid naman natin eh wala na," Paliwanag ni mama at naupo ako sa tabi nito. Tumango tango nalang ako.

          Simply lang buhay namin nila mama at papa, wala sila parehong trabaho. Ang tanging pinagkakakitaan lang namin 'ay ang mga pananim na mga pinya sa tuwing sasapit ang pag-ani nito. May mga puno rin kaming niyog sa bukid namin, nagkukupra kami kapag talagang kailangan nang pera 'yung talagang gipit na gipit na. Kasi sa pagkaina namin may tanim ang mama ko na mga iba't-ibang gulay kaya libre na kami sa ulam, kahit ang bigas kapag araw ng anihan nakikiani sila mama at papa para magkaroon ng bigas.

Natigil ako sa pag-iisip nang dumating na si Papa dahil narinig namin ang pagbagsak ng mga tuyong kahoy.

"Nandyan na ang Papa mo, timplahan mo sya ng kape anak." Utos ni mama sa akin agad naman akong gumalaw at kumuha ng pangkapehan na baso.

"Joy! Halika na muna dito sa labas," Narinig ko na tawag ni Papa 'kay Mama. Agad na tumayo si Mama at pinuntahan si Papa

        Umakyat naman ako sa itaas upang magpalit ng kasuotan ko. Dito sa maliit na kwarto ko may isang papag at lamesa na yari pareho sa kahoy lahat ng ito 'ay gawa ni Papa. May maliit akong bintana dito sa tuwing gusto kong tumanaw kung saan kaya pang maabot ng bintana ko.

"Elizabeth! Halika na at kakain na tayo," Napakamot ako sa ulo ko, sabi ko kasi 'kay Mama Eliza nalang ang itawag sa akin para kasing ang pormal masyado at makaluma. Pangalan daw kasi 'yun ng lola ko 'kay Mama.

       Bumaba na ako at nasa lamesa na sila hinihintay ako. Wala namang bago sa ibabaw ng lamesa namin. Merong saging na latundan na unli, meron ding nilagang talong at okra. At ang pinaka-paborito nila 'ay ang ginataan na ubod ng niyog na may lahok na pulang sardinas. Isa ito sa paborito ko sa mga lutoin ni mama, ang sarap kasi hindi nakakasawa.

Kinaumagahan pagpasok ko sa Black Rose University kakaiba ang name nito, nung una ko itong nakita at nalaman medyo napaisip ako pero kalaunan hinayaan ko nalang at isa pa nag-iisa lang itong University dito sa lugar namin. Ang iba naman nasa malayong lugar na.

        Pagpasok ko kahit pang apat na taon ko na dito nakakaramdam parin ako ng pakiramdam na parang may mga nakatingin sa akin kahit wala naman. Kakaiba itong school na 'to dahil kung sa labas mo pagbabasehan panget ang labas nito at makaluma ang style. Pero magugulat ka kapag nasa loob kana talagang mapapa-wow ka sa mga nakikita mo, aakalain mo na sa isang palasyo ka pero hindi dahil eskwelahan talaga sya.

           Naglalakad na ako sa mahabang hall way, wala kang gaanong masasalubong na studyante dito dahil napakalaki at ang lawak ng University na ito at kakaunti lang nag-aaral dito. At hanggang ngayon pinagatatak namin kung kanino itong school dahil ni minsan hindi pa namin nakita ang may-ari. Ang sabi lang nila nasa ibang bansa daw. At isa pa ang mura lang ng tuision fee namin dito, sa kada sem namin 500 lang. Maraming nagtaka pero ang iba naman 'ay nagpasalamat nalang maari daw na napakayaman ng may-ari.

      Fourt year college na sa kursong Food tech. Three months mula ngayon 'ay twenty years old na ako. Tumatanda na rin ako dati lang teen pa ako ngayon talagang dalaga na ako. .

"Eliza! Eliza!" Napalingon naman ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yun.

      Napangiti ako ng makita ko si Leah ang bestfriend ko tumatakbo sya papunta sa kinaroroonan ko. Mag-kaibigan na kami since high school dito lang din malapit sa lugar namin.

"Haay... Napagod ako." Natawa ako sa itsura nya dahil hinihingal pa siya.

"Bakit ka ba tumatakbo pa? Magkikita naman tayo mamaya sa room natin," Natatwang sagot ko.

       Magkasabay na naglalakad na kami papunta sa room namin dahil pareho kami ng kurso ni Leah. Naghihintay ako sa sasabihin ni Leah dahil naghahabol pa sya ng hininga habang nakangiti.

"Ayos ka lang ba?" Muling salita ko.

"H-ha, o-oo medyo hiningal lang. Haha! Alam mo kasi bali-balita darating na daw ang anak ng may-ari ng school na ito, at ang usap-usapan napakagwapo daw nito." Impit na kinikilig pa ito habang nagkukwento.

"Talaga? Di maganda atlest kahit anak manlang nya makita natin." Sagot ko lang

"At isa pa, dito daw sya nagpa-transfer ng school dahil graduating na din sya this year. At OMG! Pareho ang kurso natin sa kanya, wahhh!!" Muling tili nito, nailing naman ako sa kanya.

"Psst! Ano kaba huwag ka ngang masyadong maingay d'yan. Pero di nga totoo?" Pigil ang emosyon na tanong ko ulit.

"Oo nga best! Grabe di na ako makapag-hintay excited na akong makita sya," Nakaramdam din ako nang excitement dahil ngayon lang magkakaroon ng taga ibang lugar ang University ng Black Rose.

"Haaay... Tara na nga baka malate pa tayo, alam mo naman si Ms. Aileen napaka-istrikta," Sabay tawa naming dalawa.




🌺🌺🌺🌺

      Matapos ang klase namin nagtungo kami ni Leah sa cafeteria balak namin mag coffee dito, masarap ang kape at mura pa kaya. Dito kalimitan kaming natambay dahil ang fresh, fresh dito lalo na kapag naamoy mo ang kape at kung ano-ano pang pagkain. Ang mga lamesa dito 'ay yari sa nara at makikintab ang bawat ibabaw nito, golden ang mga kulay nito. Sa ibabaw ng lamesa may mga pulang rosas pero kinabukasan nangingitim ito. Ang alam ko hindi agad nangingitim ang rosas kinabukasan lalo na kung may tubig naman ang ilalim nito.

     Napatingin ako sa labas nang bintana tanaw mo kasi dito ang kulay berde na damuhan at mga kambing napalakad-lakad sa kanilang kulangan. Ang mga halaman at bulaklak na sumasabay sa bawat paghangin.

 

"Hoy! Eliza? Huwag mong sabihin nangangarap ka na naman diyan?" Nagulat naman ako dahil para akong nakatulog sandali at naalipungatan.

"Hindi ah! Wala lang na iisip ko itong University dahil nalalapit na tayong mawala dito, ma mimiss ko lang ang unique na school na 'to!" Nakangiti kung sagot at humigop ako ng kape na may gatas na inorder namin.

"Ako naman iniisip ko 'yong anak ng may-ari sana ma meet nati sya at sana din hindi sya masungit. At ang mas importante eh single s'ya." Impit na kilig na naman ang pinakwalan ni Leah.

"Alam mo lukaret ka talaga noh? Mamaya niyan may makarinig sayo ano pa isipin sa atin." Saway ko dito sabay higop muli ng kape.

          Maya maya may pumasok na tatlong babae, at bago lang ito sa paningin namin. Nagkatinginan  naman kami bigla ni Leah, dahil may kakaiba sa kanila. Kasi para bang nakaramdam ako ng kaba, at mga itsura nila kahit magaganda sa sila sa suot nila na uniforme may bakas parin ng matapang na anyo.













🌺🌺🌺🌺













©BadassGirl01

Tayong Dalawa, Laban sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon