Chapter 2

14 6 14
                                    


Daniel Pov

Pauwe na ako at naglalakad sa medyo may kadiliman na lugar nang mapansin ko na may parang may sumusunod sa akin. Huminto ako sandali at nagsindi nang sigarilo, matapos kong sindahan ito pasimply na nakiramdam ako sa likod ko. Nagpatuloy na ako at mas binilisan ko ang pag-lalakad ko.


Napahinto ako nang may makita akong tatlong lalaki, sinino ko sila. Hindi ako nagkakamali si Molong at Jasper kasama si Sandy. Ang mortal kong mga kaaway sa university na pinapasukan ko. Humithit muna ako sa sigarilyo bago ko ito tinapon kung saan lang.


Nagpatuloy ako sa paglalakad, kahit na alam kung delikado dahil may mga dala-dala sila. Buo ang loob ko sa ano man ang mangyayari ngayon.


"Daniel, magandang gabi." Ngising bati ni Molong sa akin nang makalapit na ako.


"Pumanget nga gabi ko dahil nakita ko 'yang nakakasuka mong pagmumukha." Ngising sagot ko naman sa kanya.


"Gago! Ang yabang mo talaga" Sabay hataw nitong hawak nyang baseball bat sa akin. Mabilis na umiwas ako. Pero pag-angat ng mukha ko may humaspas sa likuran ko dahilan para malugmok ako sa basang simento.


"Haha, tangina mo! Yabang ka lang pala eh. Wala kang binatbat pwee!" Duro nito malapit sa sinubsuban ko. Ngumiting demonyo naman ako.


"Bakit ganun ka ba kaasar dahil mas lalo kong sinira ang pagmumukha mo? Haha!" Pang-aasar kong tawa.


"Eh siraulo pala tong gago na to!" Sambit naman ni Jasper at muli akong hahatawin ng baseball bat na hawak nya. Mabilis na tumayo ako bago pa man nya ako matamaan nasipa ko na sya sa sikmura kaya natumba sya.


"Fuck you ka!" Sigaw naman ni Sandy at susuntukin nya na ako nang maunahan ko syang suntukin. Pero nakabawi sya dahil tinamaan nya ako sa panga.




"Bang!'


Natigilan ako at napatingin sa tagiliran ko na may unti-unti nang umaagos na dugo. Nanghihinang bumagsak ako sa simento, nagtakbuhan naman silang tatlo. Hinagis pa sa di kalayuan ni Molong ang baril sa taranta siguro.

Habol ang hininga habang kapit ko ang tagiliran ko na tinamaan ng baril. Nagawa ko pang tingnan ang palad ng kamy ko na nadikitan ng sariwang dugo.


" Ahh.. " Mahinang ungol ko, lumibot ang mata ko kahit nag-aagaw buhay na. nagbabakasakali na may maligaw na ibang tao at makita ako. Pumasok agad sa isipan ko ang maiiwan kung pamilya.



Nararamdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko. Pero may nahigip ang mata ko may nakatayong tao at sa tingin ko lalaki sta dahil sa tindig nya, hindi ko gaano maaninag ang mukha nito dahil sa madilim dito. Nakatingin lang sya sa akin, habang ang mga mata ko papikit-pikit na.

"Maaari kung dugtongan ang buhay mo.  Pero may kapalit" Natigilan ako sa sinabi nya. "Gusto mo ba? Pero kahit na umayaw ka, gagawin ka parin dahil ikaw ang napili ko" Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba.

Lumuhod sya sa harap ko at inangat ang ulo ko papalapit sa kanya. Tumulo pa ang dugo ko sa bibig ko. Nakita ko na sa malapitan ang mukha nya isang magandang lalaki na may maputing mukha at mapulang labi. Nagulat nalang ako nang magbago ang kulay ng mga mata nya. Naging pula ito at titig na titig sya sa dugong umaagos sa bibig ko. Hanggang sa...



"Aahhh!" Napasigaw ako nang kagatin nya ang leeg ko. Pakiramdam ko nauubos ang lamang loob ko dahil sa pagsip-sip nya sa leeg ko.


Ilang sandali lang bigla na ako nawalan na ng malay tao.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tayong Dalawa, Laban sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon