l

76 6 0
                                    

sa pagpatak ng huling luhasa paglipas ng bawat segundosa huling pagyabag ng mga paaat sa huling paglabas mo ng pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sa pagpatak ng huling luha
sa paglipas ng bawat segundo
sa huling pagyabag ng mga paa
at sa huling paglabas mo ng pinto

alam kong darating ang oras
na magsasawa ka din sa akin
sa aking pagsuyong walang wakas
oo, alam kong mapapagod ka din.

kung kaya't sa oras na ito
gusto ko lamang ipaalam sa iyo
na bago pa man tayo
makarating sa ating dulo

nais kong isalin ang buhol-buhol na alapaap
na salitang dati'y di ko masabi-sabi
sa isang kumpletong pangugusap
na sana'y iyong mapakiwari.

sa unti-unting pagdating natin sa dulo
ayaw ko mang pagsisihan ang mga bagay-bagay
ngunit hahantong lang din doon ang tibok ng puso
na sana'y di ko ginawa't inialay

nagsisisi ako.
pinagsisisihan ko ito.
nagsisisi ako sa lagi kong paglapit
at magsisi ka sa lagi mong pag-iwas

nagsisisi ako.
guto kong ibalik ang oras.
nagsisisi ako sa mabilis kong pagpatawad
at magsisisi ka sa hindi mo pagsuyo.

nagsisisi ako.
kung puwede ko lamang burahin.
nagsisisi ako sa lagi kong pagsulyap
at magsisisi ka sa hindi mo pagpansin.

nagsisisi ako.
sana 'di ko na lang binigkas.
nagsisisi ako sa mga matatamis kong salita
at magsisisi ka sa mga pabiro mong tugon.

nagsisisi ako.
ang tanga-tanga ko.
nagsisisi ako sa mga bagay na ginawa ko para sa'yo
at magsisisi ka sa kailanma'y di mo pagsubok na iparamdam sa akin.

nagsisisi ako.
bakit lagi na lang kasing ako?
nagsisisi ako sa lagi kong pagsakripisyo
at magsisisi ka sa hindi mo pag-alay kahit konti.

nagsisisi ako.
oo, nagsisisi na ako.
nagsisisi ako sa patuloy kong pagkapit
at magsisisi ka sa hindi mo pagpapanatili ng aking paghawak.

nagsisisi ako
sa oras na lagi kong sinubukang ipadama sa'yo
ang atensyon, oras at pagmamahal
na pagsisisihan mong 'di mo pinadama sa akin.

ayos lang pala. ayos na sana.
ang pagtatapos nating dal'wa,
ang pagdating natin sa dulo't hangganan
kung wala tayong mga bagay na pinagsisisihan.

Hindi SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon