naliligaw ako.
masyado akong nahulog para sa ano?
saan dapat ako patungo?
hindi ko na kilala ang sarili ko.
nalimot ko na ang buong pagkatao ko.
siya nga ba talaga ang hinahanap ko?
ngunit sa isang iglap at hiling
sa isang gabing puno ng bituin
binigyang liwanag mo ang dilim
ang buhay kong walang ningning
habang ako'y pasan naabot ko ang mga tala
nakilala kita, nahanap kita
sa iyo ko nadama at nakita
ang pag-ibig na aking inakala.panuto: basahin nang pabaliktad.
sa patuloy mong paghabol
paghahanap at paggahol
ng oras upang makuha siya
nakalimutan mo na kung sino ka.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana
PoetryHindi sana sinabi Nang hindi sana pinagsawaan Hindi sana inisip Nang hindi sana naguluhan Hindi sina nagmahal Nang hindi sana nasaktan Hindi sana isunulat ang mga salitang matagal nang nasa isipan. Ngunit kinailangang isalin Upang puwede nang limuti...