Chapter 1

3 0 0
                                    

"ALAM mo naman ang mangyayari kung hindi natin makayanang sumabay sa agos ng oras pagkatapos ng ilang taon, diba anak?"

Hapdi at galos lamang ang aking natatamo kapag lumalabas ako sa aming bahay. Kutya at puro mura lamang ang aking nadarama kaya't tinago nila ako rito.

My dress is a mess. Sinira nila ito at nilagyan ng maduduming putik ang dating matitingkad ng kulay nito, halos magdikit dikit na sa lagkit ang aking buhok at marungis narin ang aking mukha.

Kahit masakit ay pinilit kong ngumiti sa harapan ng aking  ama.

"O-okay lang po pa" halos lumuwa na ang aking luha.

Lumuhod siya upang magkalebel ang aming mukha. Inayos niya ang aking buhok at hinawakan ang aking pisngi.

"Anak,patawarin mo sana si Tatay ah?" Kahit pilit niyang pinipigilan ay umagos ang luha ni Itay. Umiling ako, biting my lips.

"I'm sorry anak, nagkaganito tayo"

Alam ko ang dahilan kung bakit kami nagkaganito, kung bakit hindi pa kami makaalis alis sa oras na ito at ilang taon na nagdaan ay nandito parin kami.

Dahil sinira nila ang aming tanging yaman. Binagsak at nawala lahat ng aming pinagkukunan. Sa isang iglap lamang ay naging dukha kami.

Ngayo'y nasa isang mala palasyo nga kami ngunit sira sira at halos wala ng kuryente ang lahat. Iniwan narin kami ng aming mga trabahador.

Isa akong prinsesang nawala ng kayamanan.

Dahil sa pamilyang dumating at sinira kaming lahat.

12 YRS LATER

"MAGANDANG umaga papa" bungad ko sa kaniya habang nagaayos ito ng hapag kainan. Tumingin ako sa malaking bintana sa harapan ng aming lamesa.

"Another same year" I murmured.

Tumingin ako sa orasan at hindi ulit ito gumalaw, hanggang ngayon. Hindi narin ako magugulat kung hindi na talaga kami makakaalis sa oras na ito.

Sa mundo na nababase ang kayamanan kung gaano ka kaadvance sa panahon. Ngunit kami, nastuck na lamang kami sa panahon na ito.

3023

"Papasok pa po ako pa, sige ho!" Pagkatapos kong kumain ay deretso akong umalis sa mansion at nagbike paalis rito.

Dati rati'y pinagmamalaki ko kung gaano kalaki ang aming lupa ngunit ngayo'y "Tangina" pawisin na ako ngunit nakakalahati pa lamang ako palabas sa gate.

Habang nagbibike ay tumingala ako sa himpapawid. Para kaming prisoner na nakakulog habang nakasulat ang napakalaking numero na 3023 na kulay pula sa asul na langit.

Lumaki na ako rito at tanggap ko naring tatanda ako sa same na year na it-

"Fuck-shit!"

Muntik ko nanamang makalimutang may mamamatay pala rito sa daanan na ito. Agad agad akong tumalikod at kumaripas ng takbo paalis sa daanan na iyun.

Same month, same day edi same experience. Paulit ulit lamang ang nangyayari. Agad akong tumakbo papalayo roon dahil alam kong may masasagasaan roong babae.

Kung alam mong mamamatay ka. Wala kang choice kundi tanggapin iyong katotohanan, tumatanda kami rito pero palaging same ang nangyayari.

Syempre, huminto kami sa taon na ito eh. Hanggang sa ikamatay namin ang katandaan ay paulit ulit lamang ang nangyayari sa taon na ito.

Namamatay naman kami, pero ang aksidente ay umuulit parin. That's why many advised na dapat maalala mo lahat ng mga dapat mangyari.

"Nasaan ka na?" Tanung ng kaklase ko. Lumingid lingid ako at tinitignan ang bawat kilos ng mga tao.

Ipinark ko ang aking bike. "Teka,malapit narin ako" hindi ko na siya hinintay at pinatay ko na ang tawag.

Nagtrain ako ulit at syempre halos magkakilala na ang mga tao rito dahil syempre umuulit lang ang taon.

Mabilis at tahimik lamang train at mabuti na lamang hindi maingay ang mga tao rito. Siguro'y tinatamad narin sila sa kanilang buhay na paulit ulit lamang.

Nasa sulok lamang ako umupo at tumingin sa ibaba upang tignan kung merong iba bang nangyayari. *Sigh* wala parin.

"NASAN ka ba?" I asked.

Katapat ng aming eskuwelahan ang 711. Palagi ako roon muna at hinihintay ang aking kasama. Nakaramdam ako ng lamig kaya't isinuot ko ang asul kong cardigan.

Habang kumakain ng siopao ay kumaway from a distance ang babaeng matangkad na ito. Kumaway rin ako tinignan siya papasok rito sa 711.

"Happy month of Nov!" She exclaimed. I rolled my eyes "Tas?"

"That means-Magkikita ulit kami ni Liam!" She squealed. Umikot lalo ang aking mata. Isinalampak ko sa kaniya ang siopao upang patahimikan ang gaga.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit bumabalik pa sa oras si Liam ay may kaya naman siya" tugon ko.

Inilunok niya muna ang siopao ay napameywang siya.

"Eh kasi mahal niya ako"

"Tanga ka naman-ay araw ah!" Bigla niya akong hinampas.

"Malapit narin kami makaalis sa taon na ito. Nagiipon parents ko baka kasi mamatay nalang kami na paulit ulit lamang ang aming nararanasan" She said.

Tumango ako, "Maganda parin kasi ang feeling na hindi mo alam ang susunod na mangyayari sa buhay mo" wika ko.

Tumingin ako sa orasan sa himpapawid. Lahat kasi ng orasan namin ay pinahinto at iyun lamang sa langit ang nagsisilbing malaking orasan saamin.

"8 na, tara na" Wika ko. Tumango siya habang isinasabit ang bag sa kaniyang likuran.  Syempre alam na naming biglang uulan kaya't agad na kaming nagpayong.

Sshhh

"Well, babagyo nanaman" tugon ko. She chuckled. "Yeah right"

TBC

-Okay lang ba? I'm a little skeptical kung itutuloy ko ito or hindi. But magiisang buwan na ito na iniisip ko kung itutuloy ko paba ito or hinde.

-JTG


Time Against UsWhere stories live. Discover now