Sinco

36 3 2
                                    

Enjoy the update...

Someone’s POV

Ito na siguro ang panahon para mapagbuklod ko sila. Mali naman kasi talaga ang pinaniniwalaan nila. Hangga’t di ako lumalabas at nagppakilala sa kanila, magpapatuloy ang kaguluhan. I swear to my parents’ grave na kahit buhay ko ay itataya ko para sa katahimikan ng lahat. Time’s up na so I need to do something.
Andito ako ngayon sa ilalim ng tulay, palihim silang sinusundan. Kasama ko ang aking kanang kamay. Siya lang ang tumagal sa grupo since then. Pati nung buhay pa ang parents ko, nagsisilbi na siya sa amin kaya may tiwala ako sakanya. Ipinagkakatiwala ko sa kanya ang buhay ko.

Kitang-kita ko mula dito sa pwesto ko ang pinaggagawa nila. Kahit malayo ay alam ko ang pinaggagawa nila pati pwesto nila dahil sa salamin na suot ko. This eyewear is not just a simple eye-glasses. This is a one of a kind glasses na inimbento ng dad ko na ang coverage is 100 meters that means, mmula dito sa kinatatayuan ko, nadedetect ko bawat kilos nila pati ang armas na hawak nila. Alam ko rin na each of the said group ay may pagkakakilanlan, o matatawag na kilala mo sila dahil sa dalal nila mapa armas man o gadgets, even the way they attack. I paused for several minutes, pinag-aaralan ko ang bawat kilos nila. So far, wala pang namamatay sa kanila. Well, magaling sialng lahat umilog so no question for that.

"Young Reine, kailangan na nating umalis. Baka pag nalaman nilang andito ka o may makakita sayo ay baka isipin na may masama kang intension. We can’t afford to lose you. Walang dapat protektahan maliban sayo, ikaw ang pinaka-importante sa lahat", saad ng kanang kamay ko.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya tsaka ko siya hinarap.

“Are you underestimating me? Sa tingin mo ba, susugod ako dito ng di handa?” Pagkatapos nun ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pangyayari sa loob.

“Pasensya na po Miss, nag-aalala lang po ako pra sa inyo. Sa akin kayo inihabilin ng mga magulang niyo kaya pag may nangyari sa inyong masama ay kasalanan ko po iyon” mariing sagot niya
.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Yeah right, an organization without a powerful and genius leader is nothing.



Cohen’s POV

Nakarating ako dito sa ikatlong palapag ng ligtas. Kainis naman kasi eh! Di ko ni-expect to, di man lang ako nakapaghanda para sa kaligtasan ko, nib aril o anomang gamit panlaban ay wala ako kaya wala akong choice kundi ang magtago habang hinahanap ang aking mga pinsan. Patuloy parin ang putukan sa baba, sana lang ay maayos ang kalagayan ng mga pinsan ko. Maliban sa Phantom Fraternity ay nandito rin ang Black Hawk Mafia. Ano na naman kaya ang kailangan ng mga to? Tsk, dibale na nga basta ang alam ko, mas gwapo kami sa kanila. Naiiba kami sa grupo nila, mababait kami kumpara sa dalawang grupo. Pumapatay lang kami para sa proteksyonan ang aming sarili at mga mahal naming sa buhay pero sila, wala silang pakialam kung may masagasaanat masaktan sila. Wala silang awa, lalo na ang grupo ni Kanazawa. Siya ang pinaka-deadly na taong nakilala ko. Walang ni sino man ang magtatangkang kumalaban sa kanya maliban nalang ngayon, wala kaming choice, kahit gustuhin naming makipag-ayos sa kanila ay useless parin dahil sa katigasan ng ulo niya.

Matapos ang sampung minuto ay biglang natahimik ang buong building. Ano kaya ang nangyari? Maingat akong lumabas sa kwartong aking pinagtataguan at sumilip sa baba. Nagulat naman ako sa aking nakita, lahat ng tao sa baba ay naka-freeze at sa isang direksyon lang nakatingin. Dumako naman ang tingin ko sa babaeng kaharap nila, may kasama itong lalaki. Siya kaya ang may gawa nito sa kanila? Nakita kong kinausap siya ng lalaking kasama niya kasabay nun ang pagpasok nina Lazarus at Ezekiel, papaputukan pa sana siya ng mga pinsan ko ng pati sila ay napahinto sa pagtakbo dahil pati sila ay na-freeze. Shit! Anong meron sa babaeng ito? Mukha naman siyang di nakakatakot at parang mahina. Patuloy lang ako sa pagsaksi ng pangyayari sa baba ng biglang humarap sa akin ang babae, huli na ng maisipan kong magtago pero ang pinagtataka ko ay walang nangyari sakin. Di ako na-freeze katulad ng mga taong nangyari sa baba.

“You, come here!” Sigaw ng babae sa baba.

“Me?” Sabay turo sa sarili ko.

“Ay hindi, may kasama ka pa bang iba dyan? May kambal ka bang di ko nakikita?” malditang tanong niya.

Tsk, kung di lang maganda to,
pinatulan ko na ang babaeng to.

“Bakit naman kita susundin? Baka mamaya, matulad ako sa kanila. May lahing aswang ka ba? Ano ang ginawa mo sa kanila? Nilagyan mo ba sila ng spell?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Napatawa naman siya ng malakas dahil sa tanong kung iyon. Confirmed, witch nga siya! Juicecolored! Wag niyo po akong ipaubaya sa babaeng to, sayang lahi ko!

“Hoy! Are you going to obey me or you want me to kill you”? You’re wasting my precious time!”

“Sino ba kasi nagsabi sayong maghintay ka dyan, kaya tayo nasasaktan eh kasi hintay tayo ng hintay sa mga taong malabo ng bumalik.” Ay shit, napa-hugot pa ako dun! I’m so proud of myself! “You’re free to leave Miss but before that, kailangan mo munang ibalik sa tamang huwisyo ang mga taong ni-freeze mo or kahit mga pinsan ko nalang, wag na yang iba.”

“Fine, kung ayaw mong maging okay sila ay dyan ka nalang habang-buhay. After 30 minutes, don’t expect them na makakaligtas pa, mamamatay sila sa suffocation.” Akmang aalis na siya ng tumakbo ako pababa para habulin siya. Tsk, wala akong choice kundi ang sundin siya, dibale na nga.

“Hoy Miss! Sandali! Ito na ako, ano ba ang dapat kung gawin?”

“Help him, turo niya sa lalaking kasama niya, na ilagay ang mga katawan ng mga lalaking ito sa aking sasakyan”

“What the fuck?! Nababaliw ka na ba Miss? Ikaw ha, grabi ka! Sana  kanina mo sa sinabing gusto mong makipagchukchakan, libre naman ako Miss eh, maging loyal ka naman sa isa, sigurado akong di mo kakayanin tong mga to sa dami nila”, biro ko sa babaeng kausap ko. Well, maganda pala siya sa malapitan kaso may pagkamaldita nga lang.

Agad naman niyang kinasa ang baril niya at pinaputukan yong gilid ng left leg ko, buti nalang di niya natamaan o baka ginawa niya lang yun para matakot ako.

“Sa susunod na magsasalita ka pa, di lang yan ang aabutin mo sakin. Bring the body of that boys in my car, now!"

Pagkatapos nun ay tumalikod na siya. Wala akong choice kundi ang sundin siya. Sino kaya ang babaeng to? Wala akong choice kundi ang sundin ang utos ng estrangherang ito para sa kaligtasan ko at kaligtasan ng pinsan ko.




A/N- Sa wakas nakapag-update rin.  Thank you po sa nagbabasa nito.  Keep on supporting this story.  God bless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE UNCROWNED KINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon