El
<"Promises are meant to be broken" sabi daw nila
Pero ba't pati ako nasira din>
[You let them in you that easily, kaya malamang masasaktan ka]
<Eh yung feeling na nakukuha mo>
[Kagaya ng?]
<Yung tinatawag nilang Butterflies in your Stomach?>
[Ahhh, baka nagugutom kalang o naiihi ]
<Ba't marami ka yatang sagot?>
[Sinasagot ko lang yung marami mong tanong]
<Pwede bang mag request ng song?>
[Okay]
<Oks lang ako By: Jroa>
[Guest 5614 let's listen to your requested song]
-Done-
[Dear listeners, Dj El is here for listening your different stories I'll be ending our show Bitter Love, Thank you for listening and have a great evening]Kinuha ko yung suot kong headphones at tumayo na sa radio booth, all about love huh?
"Miss El yung ratings ng listeners mo ay tumaas" sabi ng Producer Director
tumango ako bilang sagot
"I have to go"
"Thank you! Bukas ulit"
Lumabas na ako ng building at kumuha ng taxi
"Royal Club" after 23 minutes ay bumaba na ako, iniabot ko yung cash at dumiretsong patungo sa restroom na nasa labas ng bar. Nag bihis ako ng crop top na shirt na white na may kasamang polo sleeves na nakatali na checkereds at skinny black shorts tsaka boots. Kinuha ko narin yung tali sa buhok at eyeglasses na suot ko tapos nilagyan ko ng contacts, Okay done now let's have some fun
"Let's welcome our Dj for Tonight, Dj El!" umakyat ako sa stage at nagsimula na ang pagtugtog ng remixes at mga wild musics. Well yes tama kayo, Isa akong Dj ng Radio at Bar, that's my thing but still studying. So parang part-time job for the meantime pero no, big NO hindi ako mahirap. I'm from a well-off family background chu chu blah blah the end, wala akong paki and don't need their money but still they kept on supporting me so wala akong magagawa kaya yeah why not let them be. This is me and my life
"Wooh! Dj El!" hiyaw nila
"Wow madami ata tayong fans" sabi ng Rapper na may hawak ng mic
"Ladies and Gentlemen meron pa kaming surprise sa inyo, Our Dancers for today the BREAKERS!" Yep so loud, and wild. Now I have to do my partTeph
"Ladies and Gentlemen meron pa kaming surprise sa inyo, Our Dancers for today the BREAKERS!" announce ng Rapper
"Okay guys! like we practiced tara" Sabi ni Klein
Kasabay ng pagtugtog ng Music at hiyawan ng mga tao ay nag perform kaming Lima sa stage. Para sakin kasi mundo ko na ang pagsayaw yung feeling parang lilipad ka na gaya ni peter pan. Ilang minuto ay natapos na din
"Thank you Guys! Sa uulitin Ako si Klein"
"Brix"
"Jayce"
"Ethan"
"Tephron"
"At kami ang BREAKERS"
Sa wakas natapos din, isa-isa kaming bumaba ng stage at maraming nag tumpukan dahil humihingi ang mga tao ng fansign at pictures
"Omg!! Tephron pa Picture" sabay tingin sa camera at nag peace sign
"Klein!! Pa fansign saying I love You please!" tinawanan ko si Klein, sinamaan niya ako ng tingin. Yung girlfriend niya kasi nandito nanood ng performance namin, hindi naman siya masungit pero napaka selosa.
"Sorry, papagalitan kami ng Manager namin" binigyan niya lang ng fansign, Tuwang tuwa talaga ako sa reaction niya wala kaming manager hindi naman kami ganun kasikat na parang artista meron lang kaming tao na pinapahalagahan kami bilang grupo.
"O, paano ba guys? Nandito naman tayo let's celebrate!" sabi ni Brix
"Game! Tsaka maraming napaka hot na chicks" singit ni Ethan
"Ikaw talaga Ethan napaka Playboy mo" asar ni Klein
"Hindi ah ikaw yata naging taken na ayieeee"
"Guys! Guys! 3 o'clock hint? Dj for the night" sigaw ni Jayce
Babaeng nagpapatugtog ng remixes para sa club, may mga tao din na humihingi ng fansign at pictures, ang ngiti at mata nito yu-
"Tephron!!" sigaw nilang apat
"Ha?" sagot ko
"Pare, mukhang binihag ka yata ng binibini" sabi ni Ethan
"H'wag niyo akong simulan" napailing ako
"Okay sabi mo e, Cheers!" hiyaw ni Brix
Ilang shots din ang nainom namin, napapatingin parin ako kung saan siya nagpapatugtog ng music. May Dj narin na nag substitute sa kanya at pumunta sa Counter nag mi-mix ng beer, parang malaglag na yung panga ko sa nakita. Umiinom din siya hanggang nawalan ng malay at may mga lalaking nag tumpukan.
Teph, okay lang yan wag ka ng mangialam gets?
Ugh! bahala na
"Hi! Um dadaan lang, ako kasi kuya niyan e." sabi ko sabay turo sa lasing
"Tapos? Bakit tinanong kaba namin?"
ngisi nitong unggoy
"Sinasabihan lang kita na h'wag mo siyang hawakan kung ayaw mo ng gulo" sabay tingin ng masama, isa isa din silang umatras
"Hay naku bunso! nandito kalang pala kanina kapa hinahanap sa bahay" binuhat ko siya na parang piggy back ride
"B-bitaw" bulong nito
Tsk. Bibitawan kita tapos ano? Pag gising mo wala na yung ano, yung ano basta!
"Uy! Teph ha baka ma-" naputol ang sinabi ni Jayce
"Hindi yan magagawa ni Teph alam natin yan, Ingat dude bukas nalang tayo mag kita sa school" tumango nalang ako kay KleinEl
"Hay naku bunso! nandito kalang pala kanina kapa hinahanap sa bahay" Yung boses na yun wala akong Kuya, only child ako. Napamulat ako, at napahawak sa ulo ang sakit! Teka iniba ba ni yaya yung sheets ko at kwar-
"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!" okay keep calm it's fine I'm still in one piece and yeah with clothes on pero kaninong kwarto ba to'?
Ng may biglang bumukas ng pinto
"Ugh! Anong nangyari sa'yo? may masakit ba? Ano?" Isang lalaki ang bumungad sakin na may toothpaste na hawak at toothbrush na nasa bibig
"Hindi naman kita ni-rape e! H'wag kang mag imagine, tsaka andiyan yung uniform mo, malinis na yan pareho pala tayo ng school diba ngayon yung first day ng pagkatapos ng semester break? late ka na yata. Okay na din yung restroom warm yung shower mukhang hangover kapa kasi, pagkatapos mo bumaba ka may pagkain akong inihanda do'n" dagdag niya pa at sinira ang pinto
Nakakahiya ka El!
Pumasok na ako sa Restroom at tama nga siya malinis na yung uniform ko e? yung undergarments? bahala na pagkatapos ko'ng mag shower ay lumabas ako na naka tapis. May nakita akong undergarments na mukang bago at naka balot pa ng plastic at price tag.
Bago yan tsaka suotin mo nalang, hindi ka naman kalakihan.
-Teph
Wow, I'm speechless, gaya ng sinabi niya ay bumaba na ako hindi ko na muna tinali yung buhok ko kasi mabasa pa. Pagkababa ko merong pagkain na nakalapag sa table and another note
Mainit na Soup for hangover ubusin mo, naghihintay ako sa labas sama tayong pumunta sa Academy
-Teph
He don't need to do this actually, i let out a sigh at kinain yung pagkain tsaka lumabas na ng tuluyan sa Bahay niya ang laki nga pero siya lang mag-isa ang naka tira. Pinagbuksan niya ako at pumasok sa kotse niya, siya din nag lagay ng seatbelt.
"Ba-bakit mo to' ginagawa hindi mo naman ako kilala" pagbasag ko sa katahimikan
"Hmm Okay na ba pakiramdam mo? Nagsalita ka na din kasi sa wakas, di porket di mo kilala yung tao e hindi mo narin tutulongan. Alam mo bang may bumastos sa'yo kagabi?" tanong nito pero umiling ako
"Kaya nag panggap ako bilang kuya mo" pagpatuloy nito
"Thank you"
"Okay lang hindi mo naman kailangang mag pasalamat basta mag ingat ka lagi, hindi lahat ng tao may mabuting asal"
Natahimik ako sa sinabi niya, patuloy parin siya sa pag drive hanggang sa nakaabot kaming dalawa sa Academy. Pinark niya lang yung sasakyan at buamaba, sumabay narin akong pumasok kasama siya dahil mukhang wala naman yatang malisya. Ng may bumungad samin na babaeng napakaikli na skirt, tapos may stockings hindi naka socks tsaka naka heels na dapat school shoes na black! black!
"Tephron kanina pa kaya ako naghihintay sa'yo" sabi ng babae
"Ano na naman ba gusto mo Paulynne" napabuntong hininga na sabi ni Teph
"Tsaka sino ba to'ng mukhang pulubi na kasama mo?" tanong nito na may kasabay na pagtingin sakin mula ulo hanggang paa
"Hindi siya pulubi, watch your mouth" Pagbanta niya sa babae
"I'm okay, O paaano ba? Una na ako" pagpaalam ko pero may biglang humila sa buhok ko
"Saan ka pupunta hindi pa ako tapos sa'yo, simula ngayon lumayo kana kay Tephron akin siya" At sinampal ako sa pisngi binigyan ko siya ng masamang ngiti
"Edi sa'yo na siya, I'm not Interested"
"Ang kapal mo ah!" sigaw nito kaya may mga tao na nagsimulang pumalibot samin
Ng may bigla din humila sakin sa likod at niyakap ako
"Don't do that again dahil ako makakalaban mo, She's Elanica the one I'm courting for the meantime" At tumingin sakin, yung mga mata niya may ibig sabihin. Unti-unting lumapit yung mukha niya at hinalikan ako sa pisngi kung saan ako sinampal
"Shit! Anong ginagawa mo?!" reklamo ni Pau.. Pi? ano nga ulit yung pangalan no'n
"Stop bothering us" ang huling salita na lumabas sa mga labi niya at hinatak ako papalayo
Ano ba to'ng pinasukan ko

BINABASA MO ANG
The Promise
Novela JuvenilAno ba sa pakiramdam yung parang lahat ng sinabi niya sayo bigla na lang nawala? yung tipong parang nilipad lang ng hangin Elanica Jayde "El" Kruse yung babaeng Dj na kilalang malamig ang puso pero tinatago sa ngiti dahil sa nakaraan nitong pagigi...