mysterious forest

36 0 0
                                    

" lesh!!! Takbo!!!....takbo lesh!!! Takbo!!! 

Hindi kita kayang ewan!!

Tumakbo kana!!

Hindi!! Huwag!!???

"Gising ija?!! Gising!!

Nagising ako na puno ng pawis ang buong katawan ,, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha saking mga mata habang natutulog..

"Aunt meg?

Ija?! Ano ba ang napapaniginipan mo  at madalas kana yatang ganyan..

" wala to aunt meg,, seguro dahil to sa ininom kung pampatulog na sobrahan yata,, kaya madalas akong binabangungut.

Umiinom ako ng pampatulog kasi nahihirapan akong makatulog,, ini-isip ko kasi lagi ang panaginip ko halos isang buwan ko nang napapaginipan ito.
napapaginipan kong pumasok ako sa isang gubat, at pag pasok mo sa loob ay bubungad sayo ang malalaking puno, magagandang bulaklak at insekto't, paru-paru na nagliparan kahit saan, pero may isang bulaklak ang nakaka- agaw pansin saking paningin, maganda ito mabango  at makulay, na kung titingnan mo ay nang-aakit sayo,
At may nakikita din akong bata batang lalaki at isang batang babae, nag lalaro sila sa loob ng gubat,
nagtatawanan  at masayang tinitignan ang mga bulaklak na nasa harapan nila

Ngunit bigla itong nagbago, ang dating buhay na buhay at magandang gubat ay napalitan ng nakakatakot na itsura, binalotan ito ng maitim na ulap , patay halos ang mga halaman at puno,
At may dalagang babae na tumatakbo papalayo sa gubat
Ito ang madalas na tumatatak sa isip ko, habang tumatakbo may sumisigaw na takbo!! Takbo lesha!! takbo!!

Yan ang palagi kong napapaginipan, don ko napagtanto na ang batang babae ay ako at ang dalaga ay ako parin, ang hindi ko lang malaman kung sino yung batang lalaki sa aking panaginip, may kinalaman ba siya sakin? Kilala niya ba ako? At saang lugar yata yun hindi ko masyadong maalala,,

halos isang buwan narin akong nanirahan kay aunt meg, matapos mamatay ni Dad si aunt meg na ang nag aalaga at natitira kong pamilya,
Bago paman ako tumira dito sa lugar ni aunt meg sa marvels,
Ang Nearland talaga ang totoo kung tahanan kung saan kami nakatira ni Dad, doon na ako nag-aral hanggang sa makapagtapos at nakahanap ng magandang trabaho, masaya kami ni Dad non, kung di dahil lang sa trahedya na nangyari sa amin,  pauwi na kami ni Dad ng mawalan ng break ang sasakyang sinakyan namin kaya bumangga ito sa isang kotse na nasa harapan, at ako lang ang nakaligtas.

Nagising nalang ako isang araw na nasa hospital na at hindi naa-lala ang lahat pati aking pangalan hindi ko matandaan, nakita ko ang isang babae na nakatayo saking harapan at umiiyak , mganda siya, matangkad, eleganting tingnan ang kanyang pananamit,
Nasabi ko agad sa sarili ko,  "sino ba siya? Bakit siya umiiyak?

" sino ka? Bakit ako nandito? Sino ako? Anong nangyari?

"Wala kang matandaan?
Sandali lang ija ha? Kakausapin ko lang ang doktor

" Dok? Bakit ganon? Bakit wala siyang maa-lala?

" maam malakas po ang pagkabagok ng ulo sa pamangkin niyo, kaya nag karoon siya ng tinatawag naming "amnesia"

"Ano?!! Pero Dok? Babalik naman seguro ang ala-ala niya diba?

" hmm oo kailangan niyo lang pong ipa lala ang mga ala-ala o mga lugar na napuntahan ninyo, para manumbalik ito, pero dahan-dahanin niyo lang po upang hindi mabigla ang pasyente,

"Pero dok hindi ko po kasi alam kung saan saan sila pumunta ng Daddy niya o kung saang lugar,

'Ahh ganon ba huwag kayong mag-alala unti-unti ring babalik ang ala-ala niya matatagalan ngalang, pero depende yan sa lakas ng loob na meron siya kung gusto niyang maalala ang lahat, oh siya sege mauna na ako sayo may mga pasyente pa kasing naghihintay sakin

"O sege salamat po Dok

Na-alala ni aunt meg na nakapunta nga pala ako sa Marvel kung saan siya nakatira
Nong bata pa ako, kaya ngumiti siya ng kaunti..

" sino kaba? Bakit ako nandito? Ano bang nangyayari?

" Lesha Corden yan ang pangalan mo at Ako si  Meggy Corden ang auntie mo, kapatid ako ng papa mo, na si Dexter Corden,

" papa? Asan si papa?

" ikinalulungkot kong sabihin na patay ng papa mo, napatay sa car accident, actually dalawa kayong na aksidente pero ikaw lang ang nakaligtas, at ngayon nawala ang ala-ala mo dahil sa malakas na pagka bagok ng ulo mo sa malaking bato..

"Pero aunt meg? Bakit ako lang ang nakaligtas?

"Hindi ko rin alam ija; ikaw lang ang makakasagot niyan, pero sa tamang panahon pa nga lang, kapag manumbalik na lahat ng ala-ala mo

" aunt meg? Kasalanan ko ba? Kung bakit namatay si papa?
Umiiyak ako habang tinatanong ito, naguguluhan din kasi ako ngayun gusto kong maalala ang nangyayari pero diko maalala

"Shhh.... Huwag ka ng umiyak lesh
Hindi naman seguro accidente lang naman ang lahat at walang may gustong mangyari ito,,
Naawa talaga ako sa pamangkin ko, wala na ngang  ina nawalan pa ng ama hahay,
Sabi nito sa sarili habang tinitignang umiiyak ang pamangkin.

               

                   ***********

Pagdating namin ni aunt meg sa Marvels ay may kakaiba akong nararamdaman, hindi ko alam kung bakit pero  pakiramdam ko may natutuwa na nandito ako, at parang may nakatitig sakin ewan? Kahit ako ay naguguluhan hinayaan ko nalamang yun,

" nandito na tayo..

"Hah? Andito na tayo?

" oo ija labas na at kunin muna ang mga gamit mo, papasok na tayo sa loob.

"Opo aunt meg,

Ang ganda  ng bahay ni aunt meg malaki eto at mukhang luma pero malinis ang paligid, bago paman kami naka pasok ay naka tayo na ang mga kasambahay upang  salubungin ang aming pagdating,

"Paki samahan si lesh papunta sa kwarto niya ok?

" upo madam meg

Pag pasok ko sa loob ay nilibot ko ang aking  tingin, malaki ang espasyo nang sala may malaking chandelier sa gitna, at may dalawang hagdan papuntang second floor,
Nasa second floor ang room ko kaya doon kami pumunta, pumasok kami sa isang kwarto, maganda ito malaki ang espasyo may malambot na kama, may salamin at may balkonahe at eto na pala ang magiging  kwarto ko, kapag lumalabas ako sa balkonahe matatanaw ko ang labas ng bahay, ang ganda ang ganda ganda,
Pero may isang gubat ang naagaw pansin sakin, familiar yun sakin hindi ko alam kung saan ko nakita ang gubat nayun.. Wala akong matandaan.

Authors note:

Hi guys im leimalea

Firstime kopong magsulat sana po ay magustuhan ninyo

Salamat po keep on reading guys

Next chapter napo tayo

#mystery

MYSTERIOUS FORESTWhere stories live. Discover now