necklace

10 0 0
                                    

Habang nakahiga at naka tingala sa kesame ng aking kwarto ay napansin kong hawak hawak ko ang kwentas na nakasabit sa aking leeg, hindi ko alam kung bakit hinahawak-hawakan ko ito, ang weird lang na lagi ko itong hawak maging pag tulog hawak ko ito na para bang ayaw ko itong mawala na napaka importante nito sakin hindi ko alam kung bakit,,
Ni hindi ko nga matandaan kung sino ang nagbigay nito sakin  basta ang alam ko lang kailangan ko itong ingatan, tumingin ako sa  salamin upang makita ang kwentas na suot ko, napakaganda nito silver ang kulay at may pindant na hugis walo yung parang infinity necklace yun, yun ang nakikita ko,
Tinanong ko si aunt meg tungkol sa kwentas nato

"Aunt meg? Pwede po bang magtanong

" ano naman yun ija?

" ahh may alam po ba kayo tungkol sa kwentas nato? Si papa po ba ang nag bigay nito?

"Lesh sa pag kakaalam ko matagal mo na yang suot suot,  bata kapa lamang suot mo nayan at hindi ang papa mo ang nagbigay niyan, sampong taon ng nakakaraan ng nandito ka at nagbabakasyon  kasama ang papa mo palagi kang uma-alis ng bahay  at pumapasok sa masukal na gubat nayun, 
At tinuro ni aunt meg ang daan patungo sa gubat kung saan ako  pumunta, nong mga oras nayun ay nasa labas kami ni aunt meg at tinitignan ang paligid, napaka tahimik  madalang lang akong makakita ng kapitbahay kasi madalas ang mga bahay dito ay malalayo at malalaki pero kunti lang ang nakatira, at nag patuloy sa kanyang kwento



" Doon... doon ka madalas pumapasok araw-araw pumupunta ka don, hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nagtanong kasi umu-uwi ka naman na nasa tamang  oras,
Isang araw nang uuwi na sana kayo sa Nearland ay pumasok ka sa gubat, pagbalik mo ay  suot-suot muna ang kwentas nayan at napansin korin na wala nayung bracelet na bigay ng mommy mo sayo bago siya mamatay, doon nag sink in sakin lahat na nag palit ng kanya kanyan niyong pag-aari  na meron kayo sa isat-isa hindi, yan napansin ng  daddy mo pero ako pansin na pansin ko, hinayaan ko lang yun kasi akala ko may kaibigan ka at binigay sayo, seguro para hindi niyo makalimotan ang pinagsamahan na meron kayo, at ngayung nakalimutan mo ang lahat ang kwentas na yan ang daan upang maalala mong muli ang taong nagbigay niyan, puntahan mo kung saan ito nagmula at nang malaman mo ang mga sagot sa tanong mo,, yun lang ang alam ko ija"










Nang marinig ko yun lahat ay nanghina agad ang tuhod ko marahil ang batang palaging napapaginipan ko ang siyang nagbigay nito sakin, at ang tanong ko kung saan nangaling ang kwentas ay nasagot na, dito!! Dito sa lugar nato malalaman kuna kung sino ba talaga ang lalaking yun,, akmang iinomin ko sana ang tubig ng nabitawan ko ito at nagkalat ang mga basag na baso at tubig malapit sa paahan ko, na siya namang ikinagulat ni aunt meg,,






"Jusko lesh!!??? Anong nangyari sayo?






Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni aunt meg dahil sa sobrang sakit na naramdaman napaupo at napa sigaw ako hawak hawak ang kwentas, unti-unting dumadaloy ang mga luha saking mga pisngi, na siya namang pinahid pahid ni aunt meg at sinusubukang patahanin ako, iyak nalang ang nagawa ko, gusto ko ng maalala ang lahat gustong gusto na talaga, pero Hindi ko magawa kasi kahit anong gawin kong pag balik sa ala-ala hindi ko kayang alalahanin,


Naramdaman ko nalang na parang nadudurog ang puso ko hindi ko alam kung bakit at kung paano nangyari na maramdaman ang ganitong pakiramdam, parang nawala ako sa sarili ng oras nayun tibok ng puso ko lang ang naririnig ko, unti-unting dumidilim ang paligid ko at nawalan ng malay,

Hanggang sa nagising ako at naramdaman ang mainit na yakap ni aunt meg sakin, nag alala siya alam ko yun klarong klaro sa mga mata niya, hanggang sa kumawala na siya sa pagkayakap sakin;

"Ija?? Kamusta kana? Ok kana ba?

" aunt meg im ok now dont worry about me ok? Ano po bang nangyari?

" lesh sa kaiiyak mo nahimatay ka,
Akala ko mawawala ka sakin, hindi ko kaya na mamatayan ulit ng kapamilya,

"Aunt meg dont cry hindi ako mawawala promise
Unti unti lang pong bumabalik ang ala-ala ko,;

" ehh yung ala-ala mo sa kwentas naalala muna? Kung sino ang nagbigay niyan?

"May hinala na ako, yung batang lalaking napapaginipan ko aunt meg sa tingin ko siya ang nag bigay nito sakin;

" talaga? Sege ipagpatuloy mo lang na alalahanin

"Oo aunt meg susubukan kopo;
Hahanapin ko ang lalaking yun
Malamang magkasing edad ko na ngayun yun dahil sa panaginip ko magka-edad lang kami,

" kaya mo yan susuportahan kita
Sabihin mo lang kung may maiitutulong ako para bumalik na lahat ng ala-ala mo,

"Yup aunt meg salamat po;

" walang anuman kung para sayo gagawin ko,


*******


MYSTERIOUS FORESTWhere stories live. Discover now