weird things

12 0 0
                                    

Pag katapos kung inayos ang mga gamit ko sa kwarto ay lumabas ako, upang mag lakad lakad, medyo na babagut narin kasi ako sa loob, at habang pababa ako ng hagdan ay napansin ko ang isang bagay na naka latag sa isang koridor, para itong lalagyan ng bulaklak na gawa sa kahoy kahit luma ay maganda paring tignan, kaya hinawakan ko yun upang matignan ng mabuti, pero pagkahawak ko sa flower vase nayun ay sumakit ang ulo ko biglang may mga imahe na pumasok sa isip ko, isang bata!? isang batang lalaki? Kasama niya ako na nag lalaro,,
nag laro sa loob ng gubat, bigla ko agad naalala ang panaginip ko, kaming dalawa din ang laman ng panaginip  kung yun,

Nong maalala yun, hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang flower vase, dahilan para mag panic si aunt meg, sumisigaw ako sa sakit ng ulo ko kaya pinakalma ako ni aunt meg, kitang kita ko ang  lungkot sa kanyang mga mata na para bang sinasabing "kawawa naman ang pamangkin ko dapat hindi niya naranasan ang ganito"
Kitang kita ko na nahihirapan din si aunt meg sa sitwasyun ko ngayun lalo nat wala akong masyadong memory dito sa Marvel.

Habang dumadaan ang araw ay siya rin namang unti-unting pag babalik ng aking ala-ala, naalala ko na kung bakit ako lang ang naka ligtas, nong araw na babangga ang aming sasakyan ay binuksan ni papa ang pintuan malapit sa kina uupuan ko, gusto kung manatili sa tabi niya pero huli na ang lahat tinulak niya ako palabas at pagulong-gulong ako hanggang sa isang matigas na bagay ang tumama saking ulo dahilan upang maramdaman ang matinding sakit, hinaplos ko ang ulo ko dahil sa sakit ngunit laking gulat ko ng makapa ang likido sa aking ulo at tinignan isang dugo?!! Ang aking dugo!! Naliligo ako sa sarili kung dugo?!
At nakita ko rin ang kotseng sinakyan namin ni Daddy wasak na ito wasak na wasak, nakita ko ang Daddy ko na wala ng buhay naliligo rin siya sa kanyang dugo, pinilit kong makatayo upang puntahan siya pero  lumalabo ang aking paningin naramdaman ko na lang na unti-unti na akong bumabagsak hanggang sa mawalan ng malay,
At naalala ko narin ang mga sandaling araw na kasama ko pa ang aking Ama ang masasayang ala-ala namin ay unti-unti ko ng ma alala, maliban lang sa isang batang lalaki na hanggang ngayun  naghahanap pa ako ng kasagutan kung sino ba talaga batang lalaking yun at kung ano ang kaugnayan niya sakin bakit kapag naalala ko ang batang yun pakiramdam ko kilalang kilala ko siya, at higit sa lahat bakit kami nasa isang gubat anong klaseng gubat bayun?
Nandito bayun sa marvel? O sa lugar kung saan ako nanggaling.

Authors note:

Keep on reading guys thanks

Hope you like it

MYSTERIOUS FORESTWhere stories live. Discover now