(COLEENS POV)
Napaupo ako sa isang sulok habang hawak hawak ko ang aking revolver, Parang gusto ko nang sumuko! Ayaw ko na!
Ipinikit ko ang aking mga mata ng unti-unti.*Huy bata! Anong nangyari sa inyo? Bakit nasusunog yung sasakyan ninyo?* Tanong ng isang bata sa akin.
*Mommy! Daddy! Huhuhuhu!* paulit ulit na sigaw ko habang umiiyak
*Teka lang bata! Hihingi ako ng tulong!*"Ahhh!......... Aray! Ano ang mga iyon? At bakit naluluha ako?" Tanong ko sa sarili ko.
"That face! Parang kilala ko yung muka ng batang lalaking iyon, parang ang familiar ng mga mata't ilong niya!" Wika ko naman."Coleen? Nandyan ka ba?" Tanong sa akin ni Leonard na papasok sa Dorm namin nila Ella at Harley.
"Yes! Nandito ako sa loob!" Sagot ko naman.
"Mag-sisimula na ang klase natin maya-maya! Sabay na tayo!"anyaya naman ni Leonard habang inaabot naman ang kanyang kamay sa akin.
"Thanks Leonard!"Wika ko naman habang inaabot ang aking kanang kamay.
Bumangon ako at naghanda nang pumasok, naligo ako at isinuot and aking Uniform.
Tulala pa rin ako habang naglalakad, nakatingin sa sahig at basa ang buhok.
Napadaan kami sa malaking pintuan, na kaparehas ng panaginip ko, Tinignan ko natulala at napaiyak.
Hindi ko alam kung bakit ako napaluha ng makita ko ang pintuan, May kakaiba akong nararamdaman inuudyok akong buksan at alamin kung ano ang nasa likod nito.
Gusto kong hawakan, papalapit ako nang papalapit.
Isang hakbang na lang!
"Coleen! Huwag! May klase pa tayo! Tara na!" Wika naman ni Leonard habang hinatak ako papalayo sa napakalaking pintuan.
"Leonard! Parang nahihilo ako!" Wika ko naman.
Mukang Hindi niya narinig.....
Unti unti akong napapapikit.... unti unti.."Coleen!" Sigaw naman ni Leonard.
Anak! Umalis ka na! Mommy! Si...sige na!
Daddy! Ma...maghintay kayo dito! Hahanap ako nang makatutulong sa inyo!"Mommy! Daddy!"Sigaw ko habang napatayo at nakita ang nagkukumpulang mga istudyante.
"Coleen! Okay ka lang?"Tanong sa akin ni Leonard habang nakaakap.
"Kailangan kong makapasok sa pintuan na iyon!"Sigaw ko naman habang pilit na itinatayo ang aking sarili.
"Coleen! Tama na!"Pag-aawat naman ni Leonard sa akin.
Isa isang nagsi alisan ang mga istudyante sa aming harapan.
"Leonard! Yung mga parents ko! Hindi sila naghiwalay! They died!"Wika ko naman habang napasandal sa kanyang mga balikat ng umiiyak.
"Coleen! Tama na! Dali bumangon na tayo!"Anyaya naman ni Leonard.
"No! Hindi! Kailangan kong mapasok ang Pintuan na iyon!"Bulyaw ko naman.
Nakita kong paparating sila Ella, Harley at Robbie sa kinaroroonan namin ni Leonard.
"Coleen! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Harley.
"K....ka....Kailangan ko makapasok!"Sigaw ko habang papatakbo papalapit sa malaking pintuan.
Nakakalas ako sa pagkahawak ni Leonard, at ngayon ay tumatakbo ako papalapit sa malaking pintuan.
*Tunog ng Pintuang nabuksan*
"Thi.... this is the office of m...my Dad!"Wika ko naman habang napaluhod sa aking mga nakita.
All this time ang naalala ko ay may Itinayong University sina mom and dad.
Pero ang Unibersidad na iyon ay ito! Bumabalik na ang lahat! Sariwang mga alaala!
(Little COLEENS POV)
"Mom! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.
"This is our newly built School! Dito mag-aaral ang mga mayayamang mga tao!"Wika naman ng mommy.
"Asan si Dad?"
"Nasa Office niya!"
"Pupuntahan ko siya at dadalhin ko itong Bicycle! Pwede po ba?"
"Yes anak! Nandoon na si Nicole at ang Kuya Jade mo!"
"Bye mom!"
____________________________________
"Dad!"
"Ohhh anak! Eto sadya kong ipinagawang malaki itong pintuan para makapasok yang Bicycle mo!"
"Thanks daddy! I love you!"
"I love you too anak! Payakap nga!"
"Ohhh puntahan mo na sila Kuya Jade mo sa loob!"
____________________________________
Isang malaking pagsabog ang aming narinig, at napatakbo sila mom at dad sa aming tatlo.
"Mga anak! Bilis pumunta na kayo dito!"
Isa isa kaming lumabas ng office at Sumakay sa Sasakyan.
"Honey! Mag drive ka na!" Sigaw ni mom.
Inapakan ni Daddy ang gas ng malakas at kumaripas ng takbo ang aming sinasakyan.
Ngunit Hindi ni dad mapigilan ang pag-andar ng Kotse, Hindi niya magamit ang break na sya lang ang tanging paraan upang napatigil ang sasakyan.
Papalapit na kami sa isang bangin, walang maisip na paraan si daddy, kaya ibinangga niya ang Kotse sa isang puno.
Duguan sila mommy at daddy.
Si kuya jade at Nicole ay nawawala.
Wala na akong magawa kundi lumabas.
Umiiyak ako at pilit na sumisigaw ng tulong
Isang batang lalake ang nakakita sa akin ngunit iniwan ako para humingi ng tulong.
Sumabog ang Kotse namin at natamaan ang ulo ko.
____________________________________
"Coleen! Okay ka lang?" Tanong naman ni Ella sa akin habang tinatapik ang aking likod.
"Miss Deborah! Siya lang ang nakakaalam ng buong pangyayari!" Wika ko naman habang nakakuyom ang dalawang kamay.
"Totoo nga! This is your dad's office! Kita mga naman sa mga picture ninyo!"Wika naman ni Harley habang hinahawan ang mga picture frames.
"Isa lang ang ibig sabihin nito! Kayo ang may-ari ng Unibersidad na ito!"Wika naman ni Leonard habang nasa likod ni Ella.
____________________________________

BINABASA MO ANG
THE SECRET HIGH: "Entering Is A Suicidal Thing" [EDITING]
Mystery / Thriller"Entering is a Suicidal Thing" Becoming a part of this shitty and bloody university I became stronger, As I've learned how to dance with the sharpest knife. Belthwood High is the last place you won't bother entering. As my character merged with a de...