CHAPTER 37: Miss Deborah

130 3 0
                                    

(Coleens POV)

I woke up to a scent of the food Harleys cooking, It was a scrambled egg Harley used to cook for me.

"Morning Coleen, oh kumain na tayo baka malate tayo sa klase natin." Wika naman ni ella na nakaupo habang nakahawak ng isang libro.

Parang ordinaryong araw lang to pero hindi.
Kumain ako ng agahan pagkatapos ay agad na pumunta sa bathroom para maligo.

Lumabas ako ng bathroom ng nakatapis at nagsimulang maglakad patungo sa aking kuwarto.

Binuksan ang wardrobe at kinuha ang uniform kong nakaplastic.

Parang first day lang ng pasukan kaganapan ngayon pero hindi.

Ito ang aming pagrereview para sa aming finals, sana makapasa ako katulad ng first exam ko.

Aaminin kong hindi ako nakapag focus ngayong finals dahil marami ang mga naganap sa aming lahat at mas lalo na sa akin.

Lumabas ako ng kuwarto ng naka uniform blouse with a matching tie, skirt and a long sleeved jacket.

Kinuha ko ang pink purse ko kung saan nakalagay ang revolver na nakuha ko nung last exam.

"Tara na coleen!" Anyaya naman ni Harley at Ella na nasa labas.

Isang envelope ang aking napansin sa may pintuan namin na agad kong pinulot.

Binuksan ko Ito at binasa ng mabuti.

Dear Coleen Reyes

Our Faculty members specially miss Deborah demoted you and placed you to class D-8 it's because on the killing happened on the last few weeks.

We hope for your kind concederation.

Sincerely Yours,
Faculty Members

"What the heck! Bakit nagkaganito?" Tanong ko sa aking sarili habang napatakip ng bibig.

"Girl what happened? Bakit nanlaki ang mga mata mo!" Tanong naman sa akin ni Ella na napahawak sa aking kaliwang kamay.

Hindi ako makagalaw at hindi rin makapag salita "paanong nademote ako at ipinunta sa Deadliest section ng university?" Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili.

"Akin na nga yan!" Bulyaw ni Ella na agad inagaw Ang envelope.

"Ba-bakit nademote ka Coleen?" Tanong naman sa akin ni Harley.

Hindi ko rin masagot ang tanong ni Harley eh kahit nga rin ako hindi ko rin alam.

Naglakad kaming tatlo sa hallway at panay ang titig sa akin ng iba pang mga istudyante.

Nakasalubong ko si Sanch na biglang hinawakan ang braso ko.

"Coleen! Totoo bang nademote ka?" Tanong sa akin ni Sanch.

"Hindi ko rin maintindihan Sanch pero oo nademote ako!" Agad kong sagot.

"Mag-ingat ka dun Coleen, mga killers na ang mga nandon sila Josh De Guzman." Pagpapaalala naman ni Sanch sa akin.

"Mukang si Miss Deborah ang may kagagawan nito! Gusto talaga niyang mawala ako sa paningin niya" Bulong ko naman sa aking sarili habang nakakuyom ang dalawang kamay.

"Don't be afraid Coleen, nasa section mo din si Leonard!" Bulong naman sa akin ni Sanch.

Nabawasan ang tensiyon ko nang marinig kong kasection ko si Leonard, napaluha luha ako ng konti sa takot at nerbiyos.

"Tara na Coleen." Tinig ng isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Le-le-leonard?" Pagulat kong sambit habang nakatitig kay Leonard na nakahawak sa kamay ko.

"Tara na Coleen baka ma late tayo! Tsaka we need to hurry baka mahuli tayo sa review." Wika naman ni Leonard na agad akong hinatak at agad kaming tumakbo.

Napangiti ako sa ginawa ni Leonard hinawakan niya ang kamay ko ng napakahigpit.

"Thanks Leonard." Napangiti kong sinambit.

"Tara na bilis!" Wika naman ni Leonard na nasa harapan ko.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang narating namin ang hulihan ng building.

Natanaw ko ang ibang istudyanteng papasok sa classroom ng D-8.

Pagkapasok namin sa Classroom tumambad sa akin ang napaka tahimik na mga istudyante.

Napahawak ako sa braso ni Leonard habang naglalakad kami sa loob ng classroom.

"Hey Leonard Sino yang kasama mo?" Tanong ng lalaking naka hood.

"Siya yung Coleen Reyes, yung pumatay sa mga istudyante noong last week." Agad na dugtong ng isang istudyante.

"Huh? Wala kaya akong pinatay I've been hiding on that day!" Bulong ko naman sa aking sarili.

Tumunog ang napakalaking orasan na hudyat ng pagsisimula ng klase, tumayo kaming lahat at pumasok si Miss Deborah.

"Mi-miss Deborah?" Pagulat kong Bulong sa aking sarili at agad napatindig ang aking mga balahibo.
"Anong ginagawa ni miss Deborah dito?" Tanong ko sa aking sarili.

"Okay class mukang may bago kayong kaklase ngayon, okay miss Reyes magpakilala ka!" Pagpapatayo naman ni Miss Deborah sa akin.

"Shit, miss Deborah really wants me to be dead." Bulong ko naman sa aking sarili habang tumatayo.

Nakatitig lang sa akin si Miss Deborah, at mukang gusto talaga niyang mawala ako ng tuluyan sa paningin niya.

Lumipas ang isang oras at natapos ang unang klase ko bilang section D-8 .

Huli akong lumabas kay Leonard ng biglang hawakan ni miss Deborah Ang kaliwang braso ko.

"Coleen, hinding hindi mo maaagaw ang unibersidad na ito!" Pabulong niyang sinabi.

Iwinasiwas ko ang aking braso na nabitawan ni miss Deborah.

"Sige I'll try pero huwag kang umasa na aatrasan kita, sorry po kung nakasagot ako sa nakatatanda!" Wika ko naman na agad tumalikod at lumabas.

Hindi talaga titigil yang si Miss Deborah, and I won't stop fighting her.

______________________________________

Hey Readers thanks for Supporting my story and I'll be updating thanks for the support!

Follow these Guys and Gals!
nexusplume
ToShI52
Katie387750
LilPumpkin_
Little_SmallSmiler
ginoong_eusebio

Love Lots<3
~Kyah GK out~

THE SECRET HIGH: &quot;Entering Is A Suicidal Thing&quot; [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon