I

8 0 0
                                    

•Wespingston Villagracia•

     Nakakainis talaga itsura niya. Ang sarap niyang paluin.

Nilapitan ko siya at sinuntok sa braso. Ang taba hahaha. Parang wala lang sakaniya, hinipo niya lamang ang kaniyang braso at tuloy sa pakikipagkuwentohan sa iba naming kaklase.

Ito pa isa kong kinaiinisan ehh, lagi siyang nakikipag harutan.

Isang beses nga nakita ko siyang may kachat, nalaman ko pang lagi silang magkachat ni Jan na kaibigan ko.

"Hoy. Baboy." Tawag ko sakaniya upang inisin siya ngunit hindi niya ako kinibo.

"Rey." Tawag ko muli ng maayos gamit ang kaniyang nickname.

"Hmm?" Kumubo siya pero di siya lumingon.

"Pagawa nga nung remedial ko." Utos ko sakanya. Nilingon niya ako na may mataray na titig.

"Papaluin ako ng ama ko pag bumagsak ako." Pagdadahilan ko. Nakatingin parin siya ng masama.

"Sige na. Pag kay Jan—" naputol ang aking sinasabi ng nilahad niya ang kamay niya.

"Naysu naysu!" Ani ko habang iniabot sakanya ang mga papel.

Dahil matalino siya at siya ang top 1 may tiwala ako sakaniya. Kaso minsan niya lang gawin ung mga hinihingi kong pabor siguro takot siya sa mga teacher o wala siyang pake alam saakin.

Nakita ko nanaman ung tropa niyang panay tingin saakin. "Bakit?" Tanong ko kay Luzy.

"Bibilangan kita diyan."  Babala ko kay Luzy. Tingin parin siya ng tingin, ang saya nito pag tripan.

"Ano nanaman?!" Tugon niya na parang isang palenkera. Inirapan ko lang siya at umusad palapit kay Reyandrie.

Pinadaan ko yung daliri ko sa kilikili ni Reyandrie dahil wala akong magawa. Naipit niya ito sa pagkagulat.

"Ayu. Iniipit yung daliri ko." Pagsita ko. Inirapan lang ako ni Rey.

"Ang taba taba~" Pakanta kong asar sakanya habang mahinang pinapalopalo ang kaniyang braso. Hinahawi niya na ang kamay ko kaya lalo na akong nang-gigigil.

"Ang harut niyo." Komento ni Eivy. Siya iyong kaibigan ni Rey na maraming pimples tsaka palaban. Hindi ko siya pinansin. Inirapan naman siya ni Rey.

"Oy! Panu yun?" Biglang tawag ni Jan sabay ng paggaya niya sa pag irap ni Rey. Mukha lang siyang duling na may hydrocephalus. Nagulat ako ng bigla natawa ng bahagya si Rey.

"Ayu. Pano nga?" Pagkulit ni Jan.

Hindi lang siya pinapansin ni Rey.

-Ano naman kaya trip nitong isang to.-

"Ay, anu nga pala~" pagbago ni Jan sa usapan. Nakaka-curious yung tono niya.

Napatayo si Reyandrie at tinuro si Jan.

-Tss. Nagusap nanaman siguro sila.-

"Oo na seykrethong malufeth na." Naka ismid si Jan.

-Waw! May pagaarte pa sa salita.-

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon