•Chynsie Mercado•
Nang matapos ang kaguluhan, wala nang sumunod na klasse.
-Diva! Eng seye!-
Nagkanya kanya kami ng pinagkaabalahan. Nilapitan ko sila Zanji at nakitang naglalaro ng wordscapes.
Nakikisagot nadin ako ng kung ano ano. Meron pa ngang lumalabas dun na hindi namin alam.
Naalala ko iyong training namin mamaya. Dapat kasi sa SC nalang gawin yun para maaga kami makauwi. Pano kasi itong school namin asa kadulodulohan pa ng Concepcion tas ako taga Banaba, oo sa San Mateo pa, sina Luzy at Eivy sa Parang, si Zanji sa Malanday, at si Rey sa Lamuan.
-Ako na pinagkaisahan ng mga taga Marikina.-
Pano ako napunta dito? Naging Scholar lang naman, hindi ako pero ang ate ko. Ate ko nga pala si Jollibee. Oo yung mapisnge. Siya nga yung nakatayo sa lahat ng Jollibee! Pag kailangan niyo ng mascot sa bertday, san ka pa! Bida ang saya!
-Bumuntot ako sakaniya mga vevs!-
Pinoproblema ko ngayon kung pano kami gagabihin pagtapos ng training.
"Huy Rey, magtraining ka mamaya?" Tanong ko. Nahihiya kasi ako magtraining ng walang kasama. Pero tatlo kaming varsity ng volleyball, si Luzy, ako, at si Rey. Eh kaso si Luzy laging appear disappear.
"Ewan ko, magtraining ka? May damit ka?" Tanong niya sakin ni Rey. "Tinatamad kasi ako ehh, pagtapos pa daw ng basketball boys training natin." Dugtong niya.
"Intayin muna natin sila makauwi hehehe." Sabi ko. Pipilitin ko talaga to mag training para may kachika ako tsaka sayang din yung pagdala ko ng damit noh!
"Sige, pero tagalan natin bago magbihis hehehe." Oh diba! May plano na agad kami.
"Ano oras ba training?" Singit ni Luzy. Siya nga itong hayuk na hayuk mag training di alam kung ano oras.
"Five pa, kufs kasi yang mga basketball na yan." Pinaringgan ko sila Zanji. Mga ball is layf sila ni Eivy sa Basketball.
Si Zanji pinaka-sporty samin, si Eivy pinaka-artsy samin, si Rey pinaka-matalino, si Luzy pinaka-talented. Pano ako?
-Tapon niyo na ko sa dumpsite ng Montalban.-
Pero lahat naman kami kaya naming makipag sabayan sa sports, arts (maliban kay Luzy), academics, at siyempre sa talents.
-Mas may forte lang sila.-
Ako nalang siguro yung pinaka maganda. Charot hahaha.
"Guwave naman maka kufs." Sabi ni Zanji. Tinignan ko lang siya at napatawa. Tumawa din ang baliw!
"Tara daan tayo kayla Rey." Yaya ni Eivy.
😐—> yan ang itsura ni Rey.
"Ihh ang layo." Reklamo ni Luzy. Huwaw malayo ba iyon? Tutal nilalakad iyon ni Rey minsan pero kung mag ta-tricycle ka malapit lang. "Kila Chyn na lang!" Bigla niya nirekomenda.
![](https://img.wattpad.com/cover/143605272-288-k463208.jpg)