II

2 0 0
                                    

•Wespingston Villagracia•

Tapos na ang second subject namin. Lumipat ako ng upuan at tinabihan si Luzy. Tingin nanaman siya ng tingin.

"91 pesos na utang mo ahh." Pagpaalala ko. Kada tingin niya kasi ay bibilangin ko at katumbas ng isang sulyap ay piso.

"Lah! Anunanaman!" Nag rap ata siya ng sumisigaw.

"Heh! Bayaran mo ka ahh." Sagot ko na lang. Tinignan niya ako ng masama. Ang wirdo talaga nila.

Lumapit ako kay Kenneth, kaklase naming tahimik pero maloko.

"Uy bat may utong ka sa pisngi?" Tanong ko sabay turo dun sa tagyawat niyang medyo purple na pink yung kulay utong na ewan HAHAHA!

Parang bumulong bulong siya na hindi ko maintindihan.

"May sinasabi ka?" Tanong ko sa kaniya na pa loko.

"Hui wag mo ngang awayin yan." Singit ni Zanji.

-Maitim... charot-

"Tinatanong ko lang kung naglalabas din pa ng gatas yung dede sa pisngi niya." Pabiro kong pagdadahilan. Tinuro ko ulit yung pimples niya.

"HAHAHAHA!" Biglang tawa ni Zanji.

"Grabe ka naman! Wala pa yang padededehin!" Biniro niya rin si Kenneth.

"Sira!" Sabi ko kay Zanji.

"Baka gusto niyo mg gatas?" Walang expression na tugon ni Kenneth.

-Yan ang gusto ko kay Kenneth! Sinasakayan trip ko-

"Di na, baka kung ano pa lasa niyan HAHAHAHA!" Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ko.

Nakita kong naglalaro sila ng styro ball na ginamit naming project this quarter. Pinag salusalohan namin yun.

Nabored ako at nakitang kumakain ng Ferrero sila Jess, tumabi ako sa kanaya at nanghingi.
Patuloy sila sa pagbabatuhan, pag napupunta sakin yung styro, nakikivato din ako, hehehe.

Napagtripan nanaman yung kaklase naming laging natutulog si Karlo. Sinasadyang tinatamaan siya sa uli. Tumigil lang silang lahat ng matamaan siya ni Manuel at nagising siya.

"SINO YUN!?" Sigaw niya. Nakatingin ata siya saakin.

"Ha? Bat ako? Nanghihingi lang ako ng chocolate dito kay Jess!" Pagdedepensa ko. Totoo naman ehh, nakita niya pang may laman yung bibig kong chocolate.

Tumingin siya sa gilid niya at Nakita si Jan na nakapangalumbaba.

"IKAW BA YUN?!" Pasigaw na tanong niya kay Jan.

"Panu kung hindi?" Sagot ni Jan.

-Siraulo talaga toh, ayaw sumagot ng maayos.-

"Ibato ko sayo to ehh!" Sigaw ni Karlo. Hawak niya ung kahoy nung sirang upuan.

-As if naman na maibato niya.-

"Ibato mo!" Pabalik na sigaw ni Jan.

-Hays, ang dead kid.-

PLANK!

Nagulat kami lahat ng ibato nga niya iyon kay Jan! Buti na lang at nakaiwas si Jan dun sa kahoy.

"Gago ka!" Sigaw ni Jan. Sinugod niya si Katlo at sinuntok.

-Wow! Nice! Wala na kaming sunod na klase pag natuloy ito!-

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon