May pagkakataon na minsan lagi tayong nakangiti ngunit hindi lahat ng ngiti sa labi ay umaabot sa mata. Hindi lahat ng ngiti ay ang ibig sabihin ay okay lang ako at masaya ako. Minsan ang ngiti ay kabaliktaran ng nararamdaman mo at nakikita ng mata ng mga nakakasalamuha mo. Ang ngiti na karaniwang nasa labi ay minsan sumasalamin sa damdaming pinagtatakpan. Upang kahit papano makita mo ang sarili mo at masabi mo na "Ang tapang ko pala. Kaya ko pang ngumiti kahit peke naman."