Gusto ko tumawa na para bang napakasaya ko na parang ito na ang huling tawa ko. Ngunit sa bawat pagtawa ko naroon ka. Mga tingin na nangungutya mga galaw na para bang sinasabi na"Huwag ka masyadong tumawa. Ayaw kung nakikita ka na masaya." Nanakit at para bang kinukurot ang puso ko na parang walang karapatan at malaking pagkakamali na maging masaya. Gusto ko tumawa kasi gusto ko maalala na "Naging masaya naman ako diba? Sapat na siguro na nakatawa ako kahit papano ng malaya at walang pipigil."