KWARTOLugar kung saan ka natutulog
Lugar kung saan ka nagpapahinga
Lugar kung saan nailalabas mo ang tunay na ikaw.Mga haligi na hindi ka iiwan
Mga bintana na ika'y itatago sa mapanghusgang mga mata
Kama na papagaanin ang yung nararamdaman
Kumot na magbibigay init sa mundo mong puro panlalamig
Unan na iyong niyayakap na para bang iyong kakampi
At isa pang unan na tila inugoy ka at pinapabayaan ilabas ang iyong sama ng loob taga-salo ng luha na kailan man di mo nais ipakita sa iba at hinahayaang mabiharan ang kanyang katawan ng iyong luhang nagpapakita ng iyong kahinaan.