Lahat ng mga bagay may katapusan.
Hindi man sa ngayon pero darating din ang panahon na 'yon.
Kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para magkaroon na ng katahimikan.
Pero sisiguraduhin kong mananaig pa rin ang kabutihan sa kasamaan.
--
3RD PERSON'S POV
After several years..
"Happy Birthday Baby Mario!"
Pasigaw na sabi ng mga taong nasa bakuran ng bahay nila Seddie dahil ngayon ang ikalimang kaarawan ng anak nila ni Rose na si Mario.
"Happy birthday anak." Masayang sambit ni Seddie sa kanyang anak bago nya ibinigay rito ang regalo nya. Isang super mario stuff toy na kasing laki ng kanyang anak.
"Dad, I'm a big boy na!" Nakasimangot na sabi ng batang si Mario na hindi man lang tinanggap ang regalo ng kanyang ama.
"Halika nga dito anak, wag mong pansinin 'yang Daddy mo." Sabay senyas ni Rose kay Mario at lumapit naman ito.
"Haynako, ikaw na naman ang bida sa anak mo." Pabirong sabi ni Seddie.
"Paanong hindi? Eh super mario na naman ang regalo mo sa anak mo. Punung puno na nga ang kwarto nyan ng mga super mario na galing sayo." Pagrereklamo ni Rose.
"Minsan nga napapaisip na ko Mommy kung sino ba talaga ang may ari ng kwarto ko eh." Panunumbong pa ni Mario sa kanyang ina.
"Kita mo na. Pinagbigyan na nga kita na Mario ang ipangalan mo sa kanya tapos igagaya mo pa sya sa kaadikan mo kay super mario." Sabay irap ni Rose kay Seddie.
"Oo na, talo na ko. Lagi naman." Sabay hands up ni Seddie.
"Oh, birthday na birthday ng pamangkin ko nag aaway kayo?" Malamig na sabi ni Jisoo sa dalawa bago sya yumakap sa pamangkin nyang si Mario.
"Tita Jisoo! Anong regalo mo sakin?" Masayang tanong ni Mario pagkahiwalay nya ng yakap.
"Chickin!" Masayang sagot ni Jisoo kaya naman nawala ang ngiti sa labi ni Mario.
"Jusko, ayoko na sa earth." Bulong ni Rose pero narinig ni Seddie.
"Bakit? Gusto ka ba ng earth?" Tanong ni Seddie kay Rose.
"Nauumay na din po ako sa chickin kasi araw araw 'yun nalang palagi ang pasalubong mo sakin." Pagrereklamo ni Mario sa tita Jisoo nya.
"Joke lang 'yun syempre, may regalo talaga ko sayo." Sabay dukot ni Jisoo sa bag pack nya at inilabas nito ang nakakahon pang ipad. "Tadah!" Nakangiting sambit pa ni Jisoo kaya naman napangiti ng malapad ang pamangkin nya.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Rose kay Jisoo.
"Hindi pa, gutom na nga kami ni Thei--" Sabay lingon ni Jisoo sa likuran nya dahil akala nya nandoon si Thei pero napakunot ang noo nya nang makita nya si Thei na kumakain na sa isang mesa kasama si James at Jennie.
"Anak ng kokey naman talaga oh! Di man lang ako niyaya!" Galit na reklamo ni Jisoo kaya pasimpleng natawa si Rose at Seddie.
"Halika na Rose, sumabay na tayo sa kanila. Halika na anak." Pag aaya ni Seddie.
"Hindi ka pa rin ba busog? Kumain ka na nga kanina habang inaayos 'yung mga pagkain, kakain ka na naman?" Sarkastikong tanong ni Rose.
"Eh bakit ba? Food is life!" Giit ni Seddie.
------
"Love, naiihi ako, sandali lang ah?" Paalam ni Jennie sa kasintahan nyang si James.
"Samahan na kita Love." Akmang tatayo na si James mula sa upuan pero pinigilan sya ni Jennie.
BINABASA MO ANG
Baby Doll (DOLLHOUSE BOOK 2)
Mystery / ThrillerRank #218 in Mystery/Thriller as of 05/10/2018 "Where's Lisa?" Dollhouse Book 2