3RD PERSON'S POV
"Aikooo!"
"Lisaaa!"
Agad na nagbeso beso ang dalawa kahit pa bahagyang nakahiga mula sa hospital bed si Lisa.
"Kamusta kana Aiko? Sobrang ganda mo lalo!" Masayang sambit ni Lisa sa kababata nya.
"Okay lang. Marami pala kong pasalubong sayong chocolates, alam ko namang bukod sa french fries, adik ka rin sa chocolates."
"All time favorite natin 'yan Aiko!" Pagsang ayon ni Lisa.
"Kaya nga, kaso hindi naman tayo tumataba. Hahaha! Ang ganda mo pa rin Lisa, muka ka pa ring barbie doll!"
Bahagya namang inayos ni Lisa ang bangs nya bago nya kinindatan si Aiko.
Nainterrupt ang dalawa nang biglang magclear throat ng malakas si Raffy.
"We're also here." Natatawang sambit ni Josh sa dalawa.
"Oh, I'm sorry sa inyo. Si Aiko nga pala, kababata namin ni kuya Raffy." Pagpapakilala ni Lisa sa mga kasama nya.
Isa-isa namang nakipagpalitan ng ngiti ang mga ito kay Aiko.
"Maupo ka." Pag aalok ni Jun sa monoblock chair na inuupuan nya kanina.
"Thank you." Nahihiyang sambit ni Aiko bago sya naupo. Ilang saglit pa syang napatitig sa muka ni Jun pero nakaiwas lang ng tingin sa kanya si Jun.
"Siya nga pala si Jun, boyfriend ko." Pagpapakilala ni Lisa kay Aiko.
"Ah wow! Ang gwapo nya, nice to meet you nga pala, Jun. Magaling kang pumili Lisa ah?" Masayang sagot ni Aiko. Hindi na sya nakipaghandshake kay Jun dahil nakaiwas pa rin ito ng tingin sa kanya.
"Siya nga pala si Tita Amelita, si Tita Juliana--"
"Mommy Juliana." Pagtatama ni Juliana kay Lisa kaya naman napakagat sa labi si Lisa dahil sa kilig na naramdaman nya. "Mommy kasi ako ni Jun at Thei." Nakangiting sambit pa ni Juliana.
Tumangu tango naman si Aiko.
"Kilala ko na sila Josh. Siya nalang ang hindi pa." Sabay turo ni Aiko kay Rose.
"Ahm ako si Rose, kapatid ni Lisa sa ama." Nakangiting sambit ni Rose dahil kanina pa nya gustong magpakilala.
"Okay, nice to meet you Rose. Nice to meet you Tita Amelita, Mommy Juliana." Nakangiting sambit pa ni Aiko.
"Mommy Juliana?" Nakasimangot na bulong ni Jisoo at umirap pa.
"Ah yes, you can call me Mommy Juliana too." Paglilinaw ni Juliana kay Aiko. Ngumiti naman si Aiko sa kanya.
"You can also call me Mommy Amelita kasi Mommy naman ako ni Raffy at Josh." Pagsingit naman ni Amelita.
"Ni Raffy po? Seriously?" Di makapaniwalang tanong ni Aiko bago sya napatingin kay Raffy.
"Long story Aiko. Siya talaga 'yung totoong Mommy ko." Sambit ni Raffy.
"But how about Tita Maiza?"
"Please don't mention her anymore!" Halos pasigaw na sabi ni Lisa kaya naman nagulat si Aiko sa inasal ni Lisa.
"Okay, calm down." Mahinahong sambit ni Aiko.
Napabuga naman ng hangin si Lisa at pilit na ikinalma ang sarili nya. " I'm sorry Aiko. Basta, wag mo na syang babanggitin pa." Sabay hawak ni Lisa sa kamay ni Aiko at nginitian ito ng tipid. Tumango nalang si Aiko.
"I forgot to tell you Lisa, magbest friend din pala itong si Babe ko saka si Aiko." Sabay himas ni Raffy sa buhok ni Rica.
"Ah yes. Nung napatira ako noon sa Ma City, naging best friend ko doon si Rica pati 'yung mga kapatid nya." Pagsang ayon ni Aiko.
BINABASA MO ANG
Baby Doll (DOLLHOUSE BOOK 2)
Mystery / ThrillerRank #218 in Mystery/Thriller as of 05/10/2018 "Where's Lisa?" Dollhouse Book 2